Chapter 9: Wedding Day

12 1 2
                                    

Ayana's POV

Ngayon ay araw na ng kasal nina Nathan at Carrol. Pakiramdam ko ang bilis lang ng mga pangyayari lalo na ng kasal nilang dalawa, pero sabi naman nilang dalawa ay hindi na raw kasi talaga sila makapaghintay na ikasal sila at maging kabiyak ng isa't isa.

Ang tangging hiling ko lang talaga sa kanila ay ang magkaroon sila ng masayang pagsasama at nawa'y malagpasan nilang dalawa ang mga pagsubok na kakaharapin nila bilang mag-asawa.

"Nakakainggit naman sila," wala sa sarili kong wika habang sinusuot ang aking hikaw sa harap ng salamin.

Aaminin ko na hindi ko maiwasang maiggit sa kanilang dalawa, pero kahit naman na ganoon ay takot pa rin akong pumasok sa isang relasyon. Ang weird 'di ba?

"Hay, buhay nga naman." Buntong hininga ko.

Tiningnan ko na ang aking sarili sa harap ng salamin at inayos ang dress na ibinigay sa akin ni Carrol. Ito raw ang isuot ko bilang bride's maid.

Kinuha ko na ang aking hand bag at bago ako lumabas sa aking kuwarto ay nahagip ng aking mata ang pabango na gawa ni Madam Divina na hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung kaynino nang galing.

Kinuha ko ito at inis-spray sa aking buong katawan.

Mahal man ay masasabi kong worth it ito dahil sa bango at kakaibang pakiramdam na dulot nito.

"Kailangan ko na umalis!" nagmamadali kong sabi at lumabas na sa aking kuwarto.

Naabutan ko naman si Mama na abala sa panonood ng tv kaya naman nagpaalam na ako sa kaniya bago lumabas ng bahay.

Paglabas ko sa aming bahay ay sakto namang dumating ang taxi na binook ko kanina.

Habang nasa byahe ay hindi pa rin mawala wala sa aking isipan ang malaking posibilidad na makita ko sina Daven at Hazel sa kasal ni Carrol.

Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman sa tuwing iniisip ko na makikita ko ang pagmumukha nilang dalawa, pero sa ngayon ay kailangan ko munang kumalma at isipin muna ang mga bagay na mahalaga.

"Salamat po," wika ko at iniabot sa driver ang bayad nang makarating na ako sa aking patutunguhan.

Bumaba na ako sa kaniyang kotse at naglakad na papasok sa simbahan.

Pagpasok ko naman sa simbahan ay naabutan ko sina Rose at Marco na nag-aayos ng mga bulaklak.

"Ready na ba ang lahat?" tanong ko kay Rose.

Tumango naman siya habang inaayos ang mga bulaklak sa altar.

Nitong mga nakakaraang araw ay naging abala kami dahil gusto ni Carrol na kami ang mag-ayos ng mga bulaklak para sa kaniyang kasal.

Sino ba naman ako para tumanggi? Pera rin kaya 'to!

Pero siyempre dahil mabait akong kaibigan ay binigyan ko ng discount si Carrol.

Inayos muli namin ang mga bulaklak sa simbahan lalong lalo na ang mga nasa altar hanggang sa hindi namin namalayan na unti-unti nang dumarami ang mga tao sa simbahan.

"Mukhang ayos naman na ang lahat, puwede bang mauna na muna kami ni Marco? Sayang din kasi kung isasarado natin ngayong araw ang flower shop," ani Rose.

Tumingin naman ako sa paligid bago ako tumingin sa aking relo. "Ah sige, magsisimula na rin naman ang kasal. Thank you sa tulong n'yo ah?"

"Wala 'yon, Ate! Masaya nga kami kasi may kinita agad tayo na malaki dahil sa event na ito!" pabulong na sabi ni Marco.

Bahagya naman akong natawa dahil sa kaniyang sinabi.

Matapos nito ay umalis na nga silang dalawa samantalang ako naman ay lumabas muna ng simbahan at inilibot ko ang aking tingin upang tingnan kung sino-sino ba ang mga kakilala ko na nandirito na.

"Ayana!" masayang wika ng isang babae.

Lumingon naman ako sa kaniya at nakita kong si Nelly pala ito.

"Nelly!" masaya kong sabi at niyakap siya.

"I'm so happy and excited na talaga para kay Carrol! Imagine! Ikakasal na siya!" kinikilig niyang wika.

"Ako nga rin eh, hindi ko akalain na isa sa atin ay ikakasal na!" sagot ko naman.

"Sana tayo na ang next!" biro naman ni Nelly na naging dahilan upang magtawanan kami.

Nagkuwentuhan pa kaming dalawa habang hinihintay ang mga ibang tao na darating pa. Nakipagkuwentuhan din kami sa mga kakilala at naging kaklase namin noong high school. Karamihan din sa kanila ay hindi makapaniwala na sina Nathan at Carrol pala talaga ang magkakatuluyan.

"Ikaw ba, Ayana? Kumusta na kayo ni Daven?" tanong sa akin ng dati naming kaklase.

Agad na naglaho ang aking ngiti at nagkatinginan kami ni Nelly na ngayon ay nakangiwi na.

"Ahh, matagal na kaming wala," awkward kong sagot.

Siniko naman siya ng isa ko pang dating kaklase. "Hindi mo pa ba alam? Nagcheat si Daven sa kaniya, tapos 'yong babaeni Daven si Hazel," bulong nito ngunit sa lakas ng pagkakabulong niya ay narinig ko ang mga sinabi niya.

Hindi ko na tuloy alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Bahagya rin kumirot ang aking puso lalo na noong maalala ko ang araw na niloko nila ako.

"Hala, sorry, Ayana! Hindi ko kasi alam!" paghingi niya ng tawad.

Awkward na lamang akong ngumiti sa kaniya. "Ayos lang," tipid kong sagot.

May bigla naman sa aming lumapit at sinabing umayos na raw kaming pila dahil magsisimula na ang kasal.

Sinunod naman namin ang kaniyang sinabi hanggang sa nag-umpisa nang tumugtog kantang pangkasal at nagsimula na ring maglakad papasok ang mga guests.

Habang naglalakad ako sa red carpet ay sumalubong sa akin ang mga nakakabulag na flash ng camera ganoon din ang mga ngiti ng mga ibang guest. Hanggang sa may hindi ako inaasahang mga mata na agad na nagpatigil sa akin at nagpawala sa aking ngiti.

"Soon magpapakasal din tayo, at papangakuan kita ng panghabang buhay sa harap ng Diyos at mga taong malalapit sa atin."

'Yan ang mga katagang binitawan niya sa akin noon, at 'yan din ang mga katagang pinanghawakan ko noon.

Our eyes met again after five long years.

I don't even know kung ano ba itong kakaibang nararamdaman ko, 'yong tipong bumibilis ang tibok ng aking puso at nakakaramdam ako ng hindi maintindihang pakiramdam.

"Uhmm, excuse me miss, puwede ka na maglakad, we are done taking pictures of you," bulong sa akin ng isang photographer.

"Ah! Sorry po!" nahihiya kong wika at nagpatuloy sa paglalakad.

Hindi pa rin nawala ang kakaibang pakiramdam na aking nararamdaman.

Nang makarating ako sa aking puwesto ay pasimple akong lumingon sa kaniyang puwesto. Nakita ko naman siyang nakangiting pinagmamasdan ang ibang mga guest na naglalakad sa gitna.

Agad ko namang iniwas ang aking tingin nang mapansin kong titingin na siya sa direksyon ko.

Hindi ko na talaga maintindihan ang nararamdaman ko! At mas hindi ko maintindihan kung bakit ko siya sinulyapan kanina!

Bakit ba kasi bumibilis bigla ang tibok ng aking puso? Dahil lang ba ito sa kaba? Eh bakit parang hindi ako mapakali noong magtagpo ang aming mga mata? Dahil lang ba 'yon sa natitirang galit ko para sa kaniya?

Hindi ko man maintindihan ang nararamdaman ko ngayon, pero siguradong sigurado ako na ganitong ganito ang nararamdaman ko five years ago noong masaya pa kaming dalawa, at ito rin ang pakiramdam na kahit minsan ay hindi ko naramdaman kapag kasama ko si Eric. Pero sa kabila ng ganitong pakiramdam ay hindi pa rin nawawala ang galit na aking nadarama.

I don't love you anymore, Daven, but why do I suddenly feel like this?

=END OF CHAPTER 9=

The Fragrance of Love (Love Potion Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon