Ayana's POV
Nagpalakpakan ang mga tao nang magbukas na ang pinto at maglakad si Carrol papunta sa altar kung saan naghihintay si Nathan.
Carrol looks so stunning in her white dress. Her make-up and accessories suit her too.
Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng kaunting inggit, hindi dahil sa ganda niya ngayon, kung hindi dahil pangarap ko ring maikasal sa taong mahal ko. Tingin ko nga impossible na matupad ang pangarap ko dahil hindi ko na alam kung papaano umibig muli, at hindi ko rin alam kung kakayanin ko pa bang umibig muli.
"Soon magpapakasal din tayo, at papangakuan kita ng panghabang buhay sa harap ng Diyos at mga taong malalapit sa atin."
Paulit-ulit kong naaalala ang mga katagang 'yan hanggang sa hindi na ako nakapag focus pa sa kasal ni Carrol.
Bakit ba kasi binabagabag nanaman ako ng mga salita ni Daven?! Dahil ba nakita ko siya ulit after five years?! Ni hindi ko na nga gustong makita pa ang pagmumukha niya eh!
Nakakainis lang din dahil sa bawat pag-ulit ng mga katagang 'yon sa aking utak ay ang siya ring pagkirot ng aking puso.
Hindi ko rin tulot maiwasan na mapaisip na what if hindi niya ako niloko? Kinasal na kaya kami?
"Ayos ka lang ba, Ayana?" bulong sa akin ni Nelly na aking katabi.
Tila naman nahimasmasan ako sa pag-iisip ng kung ano-ano nang dahil sa kaniyang tanong.
"Ah, oo," tipid at nag-aalangan kong sagot.
Mabuti na lang talaga at tinanong ako ni Nelly kung ayos lang ba ako, dahil magmula noong kinausap niya ako ay nawala na sa utak ko ang lalaking hindi ko na dapat pang iniisip pati na rin ang mga katagang binitawan niya noon.
Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay hindi ko namalayan na malapit na pala magtapos ang kasalan nina Nathan at Carrol.
"You may now kiss the bride," anunsyo ng pari.
Binuksan na ni Nathan ang belo ni Carrol at unti-unting inilapit ang kaniyang mukha, hanggang sa magdikit ang kanilang mga labi.
Matapos nito ay napuno naman ng sigawan at palakpakan ang buong simbahan. Kahit nga ako ay hindi ko napigilan ang mapangiti at pumalakpak sa sobrang tuwa, medyo naluluha na nga ako eh.
"Hindi talaga ako makapaniwala na nangyayari na ito. Sobrang saya ko para kay Carrol," umiiyak na wika ni Nelly.
"Ano ka ba naman! 'Wag ka ngang umiyak! Naiiyak na rin ako oh!" biro ko sa kaniya habang pinipigilan ang pagtulo ng aking mga luha.
Naluluha naman kaming nagtawanan ni Nelly habang nakatingin pa rin sa bagong kasal.
Hindi ko maipaliwanag ang saya na aking nadarama sa mga oras na ito.
Masayang masaya talaga ako kay Carrol, kaya nga lang ay may parang kung anong tumutusok sa aking puso. Dahil pa rin ba ito sa inggit? O dahil feeling ko male-left out na ako dahil halos lahat ng mga tao sa aking paligid ay kinakasal na at nagse-settle down na?
"Ayana! Picture na raw!" tawag sa akin ni Nelly na papunta na sa bagong kasal.
Sumunod naman ako sa kaniya at oras na nga para sa walang katapusang picture taking. Medyo naging matagal din ang picture taking, at pagkatapos naman nito ay pumunta na kami sa reception.
Lahat ay nagtatawanan at masaya para sa bagong kasal, ganoon din naman ako, kaya nga lang ay may hindi ako mapailiwanag na nararamdaman. Ni hindi ko nga maintindihan kung inggit ba 'to o kalungkutan.
BINABASA MO ANG
The Fragrance of Love (Love Potion Series #2)
RomanceSome relationships end without a proper goodbye, and that's what happened between Daven and Ayana. Ayana Valdez is a florist who inherited her family's flower shop and a girl who's not been into romance ever since she broke up with her ex-boyfriend...