8

4 1 0
                                    

"aalis ka?"

Napatingin ako. Nakita ko si Felix. May tasang hawak at nakapantulog pa ito. Halatang kababangon lang at inuna ang pagkape kaysa sa maghilamos. 

"Ah... Oo, e." Sagot ko. Pupunta kasi ako sa dati kong school kukunin ko ang mga record ko. Nakapasok kasi ako sa isang University dito sa Rizal. Hindi na ako tutuloy doon sa dati kong school. Malaki kasi ang chance na inaabangan nila ako doon. 

"Where are you going?" kunot noo niyang tanong. "I thought aalis ka na ng tuluyan dito."

Nasaktan ako ng nabagya sa sinabi niya pero sio ba naman ako para magreklamo o tablahin siya.

"kukunin ko ang mga records ko sa dati kong school." sambit ko. Hindi ko pinakita na na apektado ako sa sinabi. Sanay na ako... Ayaw kong madissapoint si Amelia, si Ayla kaya kahit anong sabihin niya. Hindi ko 'yon papansinin.

Tumango tango siya at naglakad palapit sa sofa. Umupo  siya ng pa-dekwatro."Goodluck."

Hindi ko alam kung para saan ba ang goodluck niya. Para bang may iba pa siyang gustong ipahiwatig. Tumango-tango ako,"Okay."

Naglakad na ako paalis. Sinikap kong makapag-ipon ng pera.Gusto kong matustusan ang sarili ng walang tulong ng kahit sino. 'Yon man lang ang magawa ko sa sarili. Pinag-igihan ko na makahanap  ng trabaho ng hindi nalalaman nila Amelia at Felix. Habang tulog na ang lahat sa  bahay doon naman ako aalis para pumasok sa trabaho. Mabuti nalang pumayag 'yong coffee shop na pinapasukan ko sa pinaki-usap ko. 10 ng gabi hanggang sa bago sumikat ang araw.

Marami akong nakikitang mga estudyante na papasok palang, ang iba sa kanila ay nagmamadali. Pasado Alas dies na ako nakarating dito sa dating university na pinapasukan ko. Pinapasok naman ako kahit wala akong dalang id. Kilala na kasi ako rito ng mga gwardiya. Sa tagal ko ba naman dito. 

"Long time no see, Ms. Atienza." ani ni manong guard.

"Hindi naman ganoon katagal, Manong." panunuya ko.

Natawa siya ng mahina, "Kamusta ka na?" 

"Okay naman po ako." walang pag-aalangan na sagot ko. "Kayo po, kamusta?"

"Gaya mo... Ayos lang din ako." malumanay niyang sambit kasabay ng pag-tango niya.

"Mabuti po. Natutuwa ako." napangiti ako. 

"Palagi ka nga palang tinatanong ng  kaibigan mo sa 'kin." banggit niya. Nakatuon na ang pansin sa mga estudyanteng nagsisigpasukan.Nawala bigla ang ngiti sa mukha ko. Nakaramdam ako bigla ng lungkot. "Kung na-ispotan ba raw kita."

Gelay... Sorry. 

"Manong, mauna na ho ako," paalam ko. 

"O, sige."

Tumalikod at naglakad na ako papunta sa registrar para kunin ang sinandya ko rito. Mabilis ang usad ng pila rito kaya ako na ang susunod sa pila. Ito na, ako na. May inabot lang akong nakasealed na envelope. Natagalan ako ng kaunti rito dahil seni-sealed pa ni Ma'am ang puting maliit na envelope. Kailangan ko pa ulit bumalik dito kasi may isang record na kailangan pang iprocess. 

Hindi muna ako  uuwi. Gusto kong makita muli si Gelay. Miss ko na siya. Baka nag-aalala na siya sa 'kin. Gusto kong sabihin sa kaniya na okay lang ako. Bigyan siya ng isang mahigpit na yakap.

Dumiretso ako sa pinagtatambayan namin, sa  library. Natigil ako sa pagpasok sa loob ng makita ko si Gelay. Nakatingin lang siya sa direksyon ko, sa 'kin. Gaya niya hindi ako nakagalaw. Nagmamadali niyang dinampot ang mga gamit niya at lumabas. 

"Leina!" agad niya akong niyakap. Hindi na niya pinansin ang ibang gamit niya na nalaglag sa sahig. Kumalas siya sa pagkakayakap at hinawakan ang dalawa kong kamay, "Saan ka ba nanggaling?" tanong niya

Scream of AffectionWhere stories live. Discover now