Way back natin... siguro mga almost 6years na itong nagyari pero gang ngayon di ko pa nalilimutan.
Ganito kasi yun... Ako pala muna si Tin, may asawa at isang anak na lalake, bihira akong mag kwento ng horror kahit kanino kahit marami na akong karanasan jan..
I share ko lang yung di ko nakakalimutan...
Ganito kasi yoon,
Lumipat kami ng asawa ko sa bagong apartment, almost 2months na akong buntis noon at di na nag wowork dahil sa maselan ang aking pagbubuntis. Mabait yung Land Lady namin (kasi kumpleto yung down at advance namin)
Almost 2days palang kaming nadoon sa apartment, makalat pa ang boong bahay dahil di pa namin naaayos lahat ang gamit namin, before pumuntang work ang asawa ko ibinilin niya na baka pumunta si Ate Nitz(Landlady) para ibigay ang duplicate na susi.
And then....umalis na siya with goodbye kiss.
Naiwan akong mag isa sa apartment na yon kaya't ako na ang namahalang mag ligpit ng mga gamit na di naman masyadong mabibigat.
lang oras ang lumipas, nakaramdam ako ng pagod.......
Naisip ko.. matulog muna dahil ganun naman ang mga buntis lagi antok.........
ZZZzzzzzzz..........zzzzzzz...
Maliit lang yung kwarto ng apartment namin halos kasya lang kaming 3 kasama yung magiging anak ko....,
Sarili ko ang higaan ng araw na iyon kaya't malaya akong matulog ng kahit anong pwestong gusto ko...
Ito na...........
Habang nakahiga ako...parang naalimpungatan ako sa nakita ko.....
Gosh....
May nakita akong babae sa may pinto sa mismong naka pwesto ang mga paa ko nang nakahiga ako...,
Hindi man ako gising na gising pero alam ko na naaalimpungatan ako na may babaeng nagpipilit na magsuksok ng susi sa kwarto namin...,alam mo yung gusto mong gumising pero sa sobrang antok mo eh di ko naising dumilat ang mata..... isang babaeng kamukha ng Landlady namin dahil yun din ang suot niya ng makausap namin kanina..
Naka lyt blue na damit at naka short na white yung babaeng nakita ko naririnig ko pa nga yung tunog ng mga susi niyang dala, di ko na lang siya pinansin dahil alam ko naman ang pakay niya kaya itinuloy ko naman ang pagtulog ko ng walang pag aalinlangan..
Hindi ako natakot ng oras na iyon dahil alam ko na Landlady namin yun dahil baka yun yung ibibigay niyang duplicate ng susi namin....
...............Nang magising ako............
Saka ko lang naalala na nakita ko si Ate Nitz (landlady namin) hinanap ko agad yung susi kung saan niya nilagay dahil baka nga di na ako ginising at ipinatong nalang niya kung saan yung susi.
Pero napaisip ulit ako...... bakit naman siya papasok dito ng di man lang nagpapa alam o di man lang ako ginising para ibigay ang susi..... doon lang ako simulang magtaka...
Hayzzzz.........
Dalian akong tumawag sa work nag asawa ko at agad ko naman siyang nakausap....
"Papa.... bakit naman pumasok si ate Nitz dito ng hindi nag papaalam man lang, natutulog ako eh bigla nalang pumasok at ng sukat-sukat ng susi dito sa kwarto e wala naman iniwan susi."
Sa kabilang linya....
"A ganun ba, siya cge pagsasabihan ko..."
AFTER A MINUTE............
"Hello...Ma... hindi daw siya pumapasok jan sa bahay, saka wala pa daw yung duplicate na susi dahil pinapagawa pa nila...baka naman nanaginip ka lang....
SHOckkks.......
Di agad ako maka pag salita...gang sa nakita ko ang pinto ko...super duper lock pala ako sa loob at wala talagang makakapasok sa apartment habang natutulog ako...
Tumayo ang mga balahibo ko alam ng asawa ko na nangilabot ako nag alala siya sa akin lalo nat buntis ako kaya't pinapunta niya yung Landlady sa apartment para makausap ako.
"Pa...hindi yun panaginip...totoong yung nakita ko, saka alam naman natin na nanaginip tayo ah, pag gising mo alam mo na nanaginip ka pero yun kanina hindi yun panaginip tototng may babae akong nakita dito sa may pinto ng kwarto natin..."
"Naku naman Mama... di ka ata nag dadasal bago matulog.. uli-uli magdasal ka na bago matulog.. baka kasi may alam at naka amoy sayo jan na buntis ka kaya may nag babalak sayo jan.
Naku ang asawa ko talagang naniniwala sa tik-tik....
"Wag ka na munang mag ot umuwi ka ng maaga ah...."
"Okey sige, saka tutulungan na kitang magligpit ng gamit jan...
Agad na nag paalam ang asawa ko over the phone, at maya-maya pa nga ay dumating na yung totoo kong landlady kasama yung asawa at anak niya.
Hindi daw sila pumupunta doon, pinagpilitan nilang nanaginip ako...,
Di nalang ako ngsalita...... basta ako lang nakaka alam ng nakita ko....
Umuwi ng maaga ang asawa ko..... Pinag usapan namin ulit ung kanina, buti nalang wala siyang panggabi oras na trabaho...,
Ang akala ko tapos na yung pagpaparamdam sa akin sa bahay na iyon..., Ngunit hindi pa... May kasunod pa ito... Next ko na yung isusulat.....
Thanx for reading.....................
Its me..................
Tin.
BINABASA MO ANG
Ang Susi ng Babae...
HorrorPaano kung may karanasan kang ganito ano gagawin mo.....