Chapter 1

8 2 0
                                    

Third Person's POV

May isang batang babae na sumisigaw dahil sa saya. Masaya ito dahil sa pagkakataong ito nakaramdam siya ng kalayaan at kapayapaan. Mahigit limang taon siyang nakakulong sa bahay nila dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan. Ninanamnam niya ang bawat minuto na nasa balkonahe siya. Pagkalipas ng ilang minuto bigla nalang napalitan ng kalungkutan ang nararamdaman niya dahil nakita niya ang kotse ng kanyang mga magulang. Nagtama ang paningin nila ng nanay nya na siyang kinatakot niya kaya pumasok na siya sa kanyang silid at maya maya lang ay dumating na ang kanyang ina na may nakakatakot na aura.

"Anong ginagawa mo sa balkonahe?" tanong ng nanay niya

"Nagpapahangin lang po saglit nay" mahinhing sagot nito

"May balak kabang tumakas sa bahay na ito kristel?" mapanghinalang tanong ng nanay niya

"Wala po sa isip ko na tumakas nay"

"Tss. Mabuti naman, baka maging malas rin yung mga taong lapitan mo. Halikana, kumain na tayo"

"Malas...malas ba talaga ako?" Tanong niya sa kanyang isip

"Kristel," Tawag ng isang maliit na tinig

"F-flor"

"Diba sinabi ko naman sayo na hindi ka malas. Wag monang pakinggan ang mga negatibong sinasabi ng nanay mo dahil lahat ng iyon ay walang katotohanan." Hinawakan ni Flor ang malambot na mukha ni Kristel gamit ang kanyang maliliit na kamay.

"Kristel!" sigaw ng nanay niya sa ibaba

"Maraming salamat dahil nandito ka Flor" Ngumiti si Kristel na siyang kinatuwa ni Flor.

Bumaba na si Kristel at nakita ang kanyang pamilya na masayang kumakain.

"Ate Kristel," Tawag pansin ng kanyang bunsong kapatid na si Claire na walong taong gulang lang "Upo kana ate" Nginitian lang ni Kristel ang kanyang kapatid at nagmano sa kanyang nanay at tatay bago umupo.

Kumakain lang sila ng tahimik ngunit ilang minuto lang ang lumipas ay nasira ang katahimikan na iyon dahil sa ingay na galing sa labas.

"Ano yun?" kunot noong tanong ng tatay niya

"Aba malay ko, kumakain lang ako dito eh, " sarkastikong sagot naman ng nanay niya "Kristel tignan mo nga kung anong ingay yun"

Tumayo si Kristel at tumingin sa bintana ngunit wala naman siyang nakitang tao o hayop doon. Kaya bumalik nalang siya sa hapag kainan at sinabi sa kanang mga magulang na wala siyang nakitang kakaiba doon. Pagkaupo palang ni Kristel ay may narinig na naman silang ingay, hindi kagaya kanina dahil ang ingay na naririnig nila ngayon ay galing na sa itaas. Hindi na bago sa kanina na may naririnig silang ingay mula sa bobong dahil malapit sa kagubatan ang bahay nila kay inaasahan na talaga nila ang kakaibang ingay, pero iba ang ingay ngayon, mas malakas kumpara sa ingay na naririnig nila kadalasan. Parang may nahulog na kung ano mula sa bobong na siyang kinatili nila

"Ahhhhh! Klient tignan mo nga sa itaas ano nangyari doon!" sigaw ng nanay ni Kristel sa kanyang tatay.

"Bakit ako?!" Angal ng tatay niya

Habang abala sila sa pagtatalo, hindi nila namalayan na umakyat na ang labing isang taong gulang na si kristel upang tignan ang pangyayari. Napanganga si Kristel dahil sa pagkamangha ng kanyang nakikita. Isa itong maliit na ibon na may mabalahibong dibdib, ulo at kuko ng isang agila, at likuran ng isang leon.

"Parang pamilyar ito sa'kin ah" Nilapitan ito ni Kristel, kaya napatingin ang maliit na ibon sa kanya. Natatakot na napaatras ang ibon kaya hindi na tinangkang lumapit ni Kristel. Nakarinig siya ng hakbang na siyang nagpataranta sa kanya kaya dali dali nyang kinuha ang ibon at itinago sa kwarto niya. Pagkasara niya ng pinto, saktong dumating ang kanyang itay.

The Enchansia (Enchanted Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon