The Dancer's Romantic Poet
By: M.R.
- Prologue -
Bago ang lahat, gusto ko munang magtanong.
Ano para sa inyo ang totoong meaning ng "Promise" at samahan mo pa ng "Forever"?
Base sa munting survey ko, 8 out of 10 people ang nagsasabing "it doesn't exist" well...
Totoo nga kaya?
Oh ito na. Naramdaman mo na ba minsan ang magmahal ng taong hindi mo naman masyadong nakakausap at sa minsan niyong pag uusap ay hindi pa kayo nagkakaintindihan o di kaya'y nag aaway?
Yung kahit anong gawin mong pag iwas sa nararamdaman mo meron talagang nagtutulak sayong patuloy na mahulog sa kaniya?
Ito ang kwento ng isang babaeng mananayaw at isang lalakeng misteryoso/nerd.
Sa tingin niyo pwede kayang maging sila?
- Chapter 01 -
"The Dancer"
Dominique M. Cervantes' PoV or Nique's PoV (Nique or Nick):
"Boring!" Sabi ko na lang nung napansin kong matagal na akong tumatambay dito sa room namin, ang aga ko naman din kasi, 7:08am pa lang tapos ang klase namin magsisimula pa mamayang 8am. Kainis naman oh! Bored na ako, nga pala ako si Dominique M. Cervantes mas kilala ako sa tawag na "Nique", at sa 15 years ko dito sa mundong ito nakapanalo na ako ng hindi ko na nabilang na dance contest. Oo, tama nabasa niyo, isa akong "magaling" na dancer (xD) na hindi pa nakakahanap ng ibang kateam mate sa bago kong school, hahaha! Transfer lang kasi ako dito sa school na ito, trip ko lang kasi lumipat dito, balita ko madami din daw talented people dito at higit sa lahat... (xD) masaya dito!
*blag!*
Ano yun?
Napalingon naman ako sa lumagabog bigla. Hmmmm... Meron na palang tao, medyo tanga pala siya, hahaha! Ang sama ko naman, kasi naman nabangga niya pa ang isang upuan kaya natumba.
"Sorry, nagulat ba kita?" Sabi naman niya sabay upo, hindi man lang tumitingin tong taong to. xD
"Ano, okay lang yun. Hindi naman ako nerbyosa talaga eh, hehehe! Ah, Dominique Cervantes pala" Sabay abot ko ng kamay ko para makipagkamay.
"Ah, Suzaku.."
Aba! Napataas naman daw ang kilay ko dun, ano yun? Hindi man lang niya kinuha kamay ko para makipagkamay? O_O Wala bang shake hands sa bukid nila?
Hindi ko na lang pinansin si Mr. Apat Mata, hahaha! Wala lang, gets niyo naman siguro kung bakit ganon ang tawag ko sakaniya. Isa-isa namang nagsidatingan ang mga classmates namin at wow lang ha, hindi naman kami masyadong konti noh? Imagine, 38 lang kami sa klase. Sabi naman nila ganyan talaga daw minsan sa 1st section. xD weird ha..
(FASTFORWARD)
Dahil nga kakasimula lang naman ng klase namin, ito kami ngayon sa malaki rin na auditorium sa school, may program kasi para sa nomination sa mga club officers, at ang sinalihan ko? Ano pa nga ba? Edi dance club, kakaiba lang club na ito kasi hindi siya kagaya ng ibang dance club na meron lamang isang genre sa pagsasayaw, ito lahat sinasayaw, meron silang representative sa bawat genre, ang galing!
"Now, it's time to meet the one that makes me amazed for the entrance exam in 3rd year. Ngayon pa lang alam ko na siya ang deserving sa pagiging valedictorian, he got perfect score for only 24 minutes, Mr. Suzaku G. Arcena"
Wow! Perfect? xD Grabe naman yan, hindi naman siguro siya gumamit ng kodigo diba? Haha!
Bigla na lang umakyat si Apat Mata sa stage, laking gulat ko naman na siya pala yun, kakaiba ang talino niya.. xD Creepy yata kung makikipagkaibigan ako sa mga ganyang tao, hahahaha! Suplado pa pati yan.
Dahil whole day ang program dahil sa hapon ay meeting na ng mga clubs, heto ako ngayon sa cafeteria at naghahanap ng mauupuan, -____- wala na yatang mauupuan ah...
Hmmmmm.... Si Apat Mata, mag isa lang siya, ang lungkot naman yata nun. Hehehe! xD masamahan na nga lang, ngayon lang naman din eh.
"Apa--- Ah, Suzaku, right? Pwede makipagshare? Wala na kasing bakanteng upuan eh.." Muntik na akong madulas dun ah! >_____<
Lumingon-lingon muna siya at "Okay, wala ka namang choice eh." tapos subo ng kinakain niya. Kelan ka pa kaya titingin pag nagsasalita?
Habang kumakain ako, napansin ko ang braso at ang kamay niyang merong mga sugat-sugat, parang sumuong yata siya sa bakbakan. Nakipagsuntokan kaya tong Nerd na ito?
"Nakatulala ka?" Napatingala naman ako, at... Ooops... xD Nakatingin pala siya sakin.. "Bakit ngayon ka lang ba nakakita ng sugat?" Aba't ang suplado talaga neto parang matandang walang asawa.. xD
"Ay, hindi naman po, curious lang ako kung saan yan galing, parang imposible naman kung ikaw-ikaw lang ang gumawa niyan sa sarili mo"
"Pakialam mo?" Bigla siyang tumayo at iniwan ang pagkain niya, hindi pa niya tapos to ah, kahit na malapit na rin itong maubos.. Tsk sayang pera niya, tsaka sayang pagkain, mayaman siguro yun..
(Dismissal)
-A/N: Pasensiya na kung parang nilahad ko buong nangyari sa kaniya at medyo mabilis ang pangyayari, ganun talaga. xD-
Nakita ko na naman siya, at ayos lang ha.. Kasama siya sa photography club, akala ko sa mga club like science and math club or whatever that includes academic activities, pero hindi.
Teka! Napansin ko lang. Bakit ba lagi ko na lang siyang napapansin? Kainis naman, ayoko ng ganito baka mahulog pa to sa "crush".
Naglalakad na ako para makapunta sa sakayan ng jeep, wala kasi akong service xD nakakahiya naman kay Papa kung aabalahin ko pa siya sa trabaho niya para lang masundo ako at mahatid sa bahay.
"HOOY! SUZAKU! BAKLA KA LUMABAN KA DITO WAG KANG DUWAG!"
Ano yun? O___O
Bigla ko naman nakita si Apat Mata without his glasses na naglalakad sa direksyon ko at nakapamulsa pa. Ang galing lang ha, parang wala lang sakaniya ang pag pro-provoke ng mga lalakeng yun, grabe! Kung lalabanan niya yang tatlo baka hindi niya yan kayanin.
"Uy! Sino sila? Sila ba dahilan ng mga sugat mo?" Aish! Bakit ko sinabi yun? Kainis naman oh! Bakit pa kasi meron akong lahing medyo madaming tanong sa buhay... xD
"Wag mo kong kausapin.." tapos dinaanan niya lang ako..
Naglakad na lang ako at...
"HOOY! SUZAKU! BEBOT MO BA 'TO?! AKIN NA LANG HA?!"
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!!!" B-bigla akong niyakap ng isa sa mga lalake kanina..
*BOOG!*
O_______O
"TAKBO!"
Tumba ang lalake, sa suntok ni S-suzaku...
O______O Anong klaseng tao ba siya? Parang ang galing-galing niya at walang alinlangan niyang sinuntok yung lalake kahit na yakap-yakap ako nito.
Wala na akong imik at tumakbo na lang ako...
Sino ka ba talaga? Suzaku Arcena...
- End of Chapter 01 -
BINABASA MO ANG
The Dancer's Romantic Poet
Teen FictionItong kwentong ito ay hindi about sa isang exaggerated na mga tao, ito ay para sa mga taong simple lang pero hindi naman yung type na parang naghihirap talaga. Sana kagiliwan niyo din ito, at pasensya na in advance kung hindi ako makakaupdate ng ara...