NNP 19 - Birthday

161 1 1
                                    



Nasa dress making class kami ni Ciello pagkatapos ng last subject namin. Monday, Wednesday and Friday ang class namin dito. Three to four pm for extra curricular activity. Hindi ko nga alam kung paano ako napapayag dito ni Ciello.

I think it was the time when I was so preoccupied with Evan's transferring. I said yes to Ciello when she ask me if we could sign up to this class. I just nod with an absent mind. So, here we are trying our catch with Ms. Fely's instructions.

Pati paggupit ng tela at pag-sketch hirap na hirap ako. My eyes move to my seatmate, I can only feel her agony. Nang makitang nakatingin s'ya sa'kin mabilis akong umirap.

"Akala ko kasi mai-enjoy na'tin 'to eh . . ."

Mas lalong sumama ang timpla ko. Hindi ko lang pinahalata dahil umiikot si Ms. Fely, tinitingnan ang mga gawa na'min.

Naramdaman kong nag-ring ang phone ko pero hindi ko pinansin. I doing my cutting for a dress the will be submitted for our first project. Mahirap magkamali sa paggupit. Ayaw kong madisturbo.

After we dismissed from Miss Fely, agad kong kinuha ang phone ko. Tiningnan ko ng mabuti ang screen ng phone ko, Lantis called me twice and send tons of message in my messenger.

Anong kailangan n'to?

Bago ko pa mabuksan ang message n'ya, he called again. Atat na atat.

Huminto ako sa paglalakad sa gitna ng oval kaya natigil din si Ciello.

Nagtatanong ang mga mata n'ya pero agad naman n'yang nakuha ng makita ang phone ko.

Is not the first time Kuya's friends contact me. But it goes with two people, Lantis or Travis. Hindi gagawin 'yon ni Conrad, or Evan before.

"What?" maldita kong bungad.

"Ang taray mo 'te!" narinig kong reklamo ni Ciello sa harap ko.

I just rolled my eyes and focused on my phone. Hindi talaga ako mabait sa kaibigan ni Kuya. Sinusungitan ko sila kasi, grabe kasi nila ipamukha dati sa'kin na hindi ako magugustuhan ni Evan. My brother sometimes will laugh at them, kadalasan walang reaksyon.

"Tama ang kaibigan mo, ang taray-taray mo, Ramirez!" narinig ko ang malakas na tawa n'ya kabilang line.

"Thanks, that's a good compliment by the way."

"Mabuti 'di ka napapa-away d'yang sa school n'ya 'no? Sabagay sinong magtatangkang umaway sa unica hija ng mga Ramirez? Ang weak ng mga classmates mo 'no?"

"Tang-ina mo, Lantis! Anong kailangan mo?" asik ko.

"Alam ba ng Kuya at ni Evan na ang lutong mo magmura?"

"Hindi nila kailangan malaman dahil puputulan kita ng dila bago ka pa makapagsalita. Ang sombongera mo 'no?"

"Ba't mo ba ako inaaway ha? Teka nga, nalalayo 'yong topic eh. Nakalimutan lo 'yong sasabihin. Tang-ina, ako muna Paige, shut up ka muna!"

"Para kang bakla, Lantis!" singhal ko sa kabilang linya. "Okay, my ears are all yours, spill.."

"Ang dirty mo." I just laugh upon hearing his side comment. "Magsa-samal kami ngayong weekend sa Resort nila Conrad, hindi ka makakasama kung hindi kasama ni Gia."

Island Garden City of Samal is one of the most precious tourists spot in the Region. It's not part of the City anymore, located na s'ya sa Davao De Norte. But when your living in Davao City, very accessible na sa'min ang Isla. The Island has a lot of Resort to offer and one of them is owned by Conrad family.

Nakaw Na Pagsinta [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon