Mutya
TW: This chapter contains content about sexual abuse, rape
"I-ikaw""Ako nga, Mutya..."
Siya yung pinatawag na albularyo ni Hakashi.
"Hindi ko inaakalang magtatagpo tayo mul-"
"Manang Ermita!!" Sigaw ni Clarencia, kitang kita ko sa muhka niya kung gaano siya kasaya. Tumakbo siya papalapit kay manang Ermita at niyakap ng mahigpit ang matanda...
"Dalagita ka na hija" Tuwang-tuwa na sabi ni manang Ermita, parang napakalapit nila sa isa't isa. Pinaupo kami ni manang Ermita sa salas at naghain ng mga makakain para sa aming dalawa. Pagkatapos non ay kwinento lahat ni Clarencia ang mga nagaganap sa kaniyang buhay.
"Buntis ka?!"
"O-opo..."
"Sus Maryosep na bata talaga to! Wala na tayong magagawa dahil andiyan na ang bata. Kaya kailangan niyong alagaan ito ni Mateo hanggang sa maging dalagita na din siya kagaya mo." Ngiti ni manang Ermita.
Wala na ba talagang magagawa pag ika'y nabuntis? Paano naman kaya ang mga taong ginahasa? Wala na bang ibang paraan para ipalaglag ang bata? Ngunit ang sabi ni ina na ang pag-papalaglag ng bata ay isang kasalanan.
"Mutya bakit apaka tahimik mo ngayon?" Tanong ni Clarencia. Hindi ko napansin na nakatulala lang ako at nakatingin sa kawalan. Ayaw pa din umalis sa aking isipan ang katanungan na iyon. Bakit may mga taong kayang gumawa ng mga masasamang bagay? Pagpapatay ng mga taong inosente. Pag-gagahasa, panglalait sa kapwa, minamaliit ang isang tao dahil mas mataas ang posisyon niya sa kaniya, at ang mga taong inaabuso ang kaniyang kapangyarihan. Bakit kaya may mga taong ganoon nalang kasama? Bakit ganoon ang takbo ng kanilang isipan?
"Mutya?" Tanong muli ni Clarencia.
"Ay- P-pasensiya na, may naisip lang kasi ako"
"Tungkol saan?"
"Ah..A-ano kasi, nag-aalala ako sa mga tao na naiwan sa-"
Hinawakan ni Clarencia ang aking kamay, samantalang si manang Ermita, ay nakatitig lang ng malalim saakin.
"Huwag ka nang mag-isip ng mga bagay-bagay. Alam mo ba ang makakatulong para mawala ang takot at kaba?"
"Hindi ko alam..."
"Kape!!" Ngiting tugon ni Clarencia.
Kinabukasang Araw ay maaga akong nagising dahil tumulong ako kay manang Ermita mag-luto. Nag-hahalo ako ng ipang sasangkap sa ulam, nagulat kami ng may narinig kaming kumatok sa labas."Hija, dito ka lang sa kusina at may aasikasuhin muna ako sa labas ng bahay"
"Sige po." Nagtataka ako kung ano ang kailangan niyang asikasuhin sa labas. Mas lalong lumakas ang katok kaya nagmamadaling naglakad si manang Ermita. Humarap muna siya saakin at ngumiti saka sinara ang pintuaan sa kusina.
Kailangan niya ba talagang isara ang pintuaan?
"O' hijo! Anong pakay mo ngayon rito? Umupo ka muna, mabuti nalang at dumalaw ka, sakto ka lang sa oras dahil malapit na maluto ang inihain kong putahe"
"Ahh, ganoon po ba? Nako muhkang masarap po iyan, nasasabik na akong matikman ang iyong putaheng ihahain." Tugon ng pamilyar na boses. Narinig kong tumawa din ito ng mahina at gayon na din si manang Ermita.
Teka, saan ko nga narinig yung boses na iyon? Wala akong maalala.
Teka-
Siya kaya si-
BINABASA MO ANG
Something about Love and Us (ONGOING)
Historical FictionPilipinas 1941, taong sinakop nang mga Hapon ang Pilipinas. Disyembre 8 1941 ng biglang inatake nang mga hapon ang Pilipinas. Dinukot ng mga hapon ang mga pamilyang opisyal, at ang mga taong may kasangkutan sa gobyerno. Isa na doon and pamilyang Rox...