Chapter 29: Queen Olivia

49 16 0
                                    

Egleia

Nakakalungkot lamang isipin na may mga taong handang dungisan ang kanilang pangalan at dignidad para lamang maging mas angat at mas makapangyarihan. Hindi iniisip ang kalalabasan ng ginagawa nila sa kasalukuyan. Nakatutok sila sa kung paano sila mas makalalamang sa iba.
Kahit makaapak ng iba, kung ito ang paraan para umangat sila, gagawin nila.

Dinarama ang malamig na simoy ng hangin, nakaharap sa isang bagay na magdadala sa amin kung saan kami nanggaling, hawak-hawak ang kamay naming haharapin ang panibagong yugto ng aming buhay. Tumalikod ako kung saan sila nakaharap upang tanawin ang hindi nakakasawang ganda ng kalawakan.

Inilibot ko ang aking paningin. Narito kami sa sirang mansyon ng mga taksil. Itinayo nila ang kanilang panandaliang tirahan malapit sa portal kung saan kumukonekta ang mundong Santinakpan. Hinawakan ko ang kwintas sa aking dibdib. Hindi ako makapaniwala na ito lang pala ang makatatapos sa kasamaan ng taksil.

“Teka lang.” Pinitas ni Godfrey ang rosas sa gilid ng mansyon nila Elle. Lakad-takbo siyang nagtungo sa kung saan binawian ng buhay si Elle. Iniligay niya ito at yumuko. Mayamaya ay tumayo ito at ngumiti sa amin. Pinahid niya ang natitirang luha sa pisngi niya.

“Sa wakas, makababalik na rin tayo kung saan kayo karapat-dapat na mamuhay,” biglang sambit ni Almiro.

Bumuntong-hininga si Lolo Arnold saka nagsalita. “Hindi na ako makapghintay tignan ang mga ngiti sa mga labi ng ating mga tao sa kaharian.”

Hinawakan ko ang kamay ni Godfrey. “Ayos ka lang ba?”

Marahan niyang hinablot ang kaniyang kamay sa akin. “Ano ba! Porket wala na si Elle, aabusuhin mo na ang pagkalalaki ko! Please, Egleia. Nasa puso ko pa rin si---”

Hindi na niya natapos ang kaniyang sasabihin nang malakas ko siyang hinampas sa balikat. Ang kapal naman ng apog nito. Inis akong tumalikod at humarap ulit sa portal.

“Oy, biro lang naman ʼyon, Egleia. Parang hindi ka na nasanay sa akin,” panunuyo pa ni Godfrey.

Nilingon ko siya at itinuro sa mukha. “Ikaw manahimik ka riyan kung ayaw mong ipatuka kita sa higanteng agila ko.”

“Bakit ba kasi ang seryoso mo ngayon, Egleia!”

“Eh kasi maganda ang panahon tapos maganda rin ako, Godfrey! Pero ikaw ʼtong naninira ng magandang araw ko!”

Hindi na pinansin ni Leonox ang alitan naming dalawa. Nilingon niya ang dalawang matanda saka nagsalita. “By any chance, do you still happen to remember what path we must take in order to finally arrive in our kingdom?”

Tumango si Almiro. “Kay dali lamang matunton ang inyong kaharian, mahal na Hari.”

“Aish, cut the honorific, Almiro. We've been together for years and yet you still sometimes use that formality.”

Yumuko siya. “Pasensya na, Leonox. Sinasanay ko lamang ang sarili ko kasi nararamdaman ko nang malapit na kayong mamuno sa inyong kaharian.”

Hinawakan niya ang balikat ni Almiro. “Then, I, Leonox Torres, King of Leogardo, allow you to call me by name.”

Binatukan ko siya sa likod ng ulo niya. “Gaya-gaya ka. Ganyan sinabi ko ʼyan  noʼn kay Roger, eh.”

“What the hell?” gulat na usal ni Leonox.

“What the hell?” panggagaya ko pa sa kaniya.

“Oh, siya, mga bata kayo, oo. Humayo na tayoʼt baka maabutan pa tayo ng kadiliman.” Nagpasiunang pumasok si Lolo Arnold sa portal.

Pinagmasdan ko ang portal. Isa itong hindi perpektong bilog na gawa sa kahoy, may mga lumot na rin nakayakap sa kahoy. Sa unang tingin mo ay parang isang salamin lamang ito ngunit kapag nilapitan mo ito ay may mga maliliit na bagay na gumagalaw. Iyon ay ang portal.

Ascendance Of The Ruined Kingdoms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon