ONE SHOT STORY

2 1 0
                                    

Isa rin lang akong simpleng babae madaling mapasaya kahit sa maliit na bagay, may mababaw na luha at higit sa lahat madaling masaktan.

Naranasan nyo narin bang mainlove?
Love brings you happiness.
Loving a right person brings you to the right path. Pero kahit nagmahal ka nang tamang tao pero sa maling oras wala ring saysay. I do experience being in love with a right man but in a wrong timing, and I do regret that I did not even try to tell my feelings about him.

Simoy ng hangin ang siyang dumampi sa aking mga balat, kay tahimik lang ng paligid sapagkat hindi pa nagsisisdatingan ang mga estudyante galing pananghalian sa labas ng paaralan. Masarap pagmasdan ang mayalang paglipad ng mga ibon sa himpapawid, ang mga ulap na parang kay lambot at ang sinag ng araw na nakakasakit sa mata kung pagmamasdan.

"Tulala ka nanaman. Ano iniisip mo?" Isang tinig ang syang pumukaw sa aking natutulog na diwa nang tinginan ko ito si Alfie ang kapwa ko guro dito sa paaralang pinapasukan kung unibersidad.

"Wala" maikli ko lamang na tugon.

" Wala daw pero hindi mo nga napansin na kanina pa ako nandito sa tabi mo" turan nya bago may inabot na sobre.

"Ano to?" Tanong ko bago buksan upang matingnan ang nada loob nito, ngunit tila natuod ako nang makita ang laman nito, parang until - unting binibiyak ang aking puso.

" Invitation para sa kasal namin ni joy sa susunod na buwan, sana makapunta ka" sagot nya habang makikita mo sa mga mata nya ang ningning kung gaano sya kasaya.

"S-sige p-pupunta ako, congrats sa inyo" sagot ko habang habang nangingilid ang luha at pinilit ngumiti kahit nagmumukha nang peke.

Unti-unti na akong tumalikod sakanya upang hindi nya makita ang pagbagsakan ng masasaganang luha dahil sa pait na nararamdaman. Dali - dali akong pumunta sa cr para doon iiyak ang sakit na nararamdaman, ibuhos ang lahat ng sakit. Nang mahimasmasan inayos ko Ang aking sarili, nagpahid ako nang lipstick sa namumutla kung labi pilit tinatabunan ng concealer ang namamaga kung mga mata galing sa pag iyak. Nang makitang maayos na ang sarili ay lumabas na ako nang cr at hinanda ang praktisadong ngiti bago bumalik sa loob ng aking silid aralan. Mga masisiglang mukha ang bumungad sa akin pagpasok ko sa aking classroom, maayos na pagkakasalansan ng libro sa lamesa, maayos at malinis na blackboard at masiglang pagbati mula sa aking mga estudyanteng tinuturuan.

Sana katulad nila akong na kayang maging masigla, ngumiti nang umaabot sa mga mata at maging masaya.

"Pakibuksan ang aklat sa pahina isang daan dalawamput' lima at basahin ang akda na pinamagatang NGITI" pagsisimula ko, mabilis nilang binuklat ang kanilang mga libro sa pahina na aking sinabi at nagumpisang magbasa.
Hinayaan ko muling maglakbay ang aking diwa habang hinhintay na matapos silang magbasa.

" Lea! Sandali sabay na tayong kumain" sigaw ng kaklase kung lalaking si Alfie Santiago, inis akung bumaling sakanya dahil sa kanyang sigaw.

"Bakit nanaman ba, hindi kaba makakain kung hindi moko kasabay ha? Nasaakin ba ang pagkain?" Inis kung turan sa kanya.

" Grabe ka naman, gusto lang kitang kasabay hindi ba pwede yun?" Sagot niya habang nagpapacute at nilalapit ang mukha sa mukha ko dahil sa naiinis ako tinulak ko ang kanyang mukha gamit ang mga kamay ko at muling naglakad papuntang canteen.

"Lea! Love! Hintayin moko" sigaw nanaman niya at humabol sa akin sa paglalakad

Yahooo!

Mga sigaw ng kaklase kung ng tumunog na ang bell hudyat na uwian na dahil tapos na Ang panghapon na klase. Habang nagliligpit ng mga gamit nasulyapan ko si Alfie na mukhang hindi mapakali, balisa, at parang nenenerbyos ngunit hindi ko nalang pinansin, pagkatapos kung ligpitin ang mga gamit ko ay lumabas na ako ng classroom kahit pa tinatawag ako nina aicel para sumama mamasyal at magmerienda sa plaza ng sta. barbara. Nakalabas na ako sa gate ng paaralan at nag aabang ng masasakyan ng biglang may humila sakin, sisigaw na Sana ako upang humingi ng saklolo kung hindi lang nagsalita ang humila sakin.

"Lea"

Si Alfie ang siya humila sakin.

" Ano ba naman yan Alfie papatayain mo ba ako sa nerbyos ha!" Sigaw ko sakanya habang hawak ng kabilang kamay ang dibdib ko na sobrang lakas ng tibok dahil sa takot.

"Pasensya na gusto lang naman sana Kita maka usap, may gusto Lang Akon ipagtapat sayo" parang nahihiya niyang sabi habang may pagkamot pa nang batok.

"Ano ba iyon pwedeng bilisan mo Lang kasi ayoko kung gabihin mapapgalitan na naman ako ni nanay sa bahay" saka ko siya inaya umupo sa may upuan malapit paradahan ng tricycle.
"Ano sabihin muna"

"A-ano kasi ahmm gu.......ta
"Ano? Pakiulit hindi ko kasi narinig" saad ko dahil talagang maingay dahil sa tunog ng mga dumadaang sasakyan.
" Lea naman eh"
"Iwan ko sayo Alfie, sinasayang mo oras ko" tumayo na ako at handang umalis dahil may sasakyan na papuntang baranggay namin ng muling magsalita si Alfie na ikinatigil ko

"Lea gusto kita ay hindi.....hindi lang kita gusto mahal rin kita kaya sana payagan mo akong ligawan ka"

"Sorry hindi kita gusto at kahit kailan hindi kita magugustuhan kaya wala kang mapapala sakin" mga katagang aking binitawan bago sumakay sa naghihintay na tricycle.

Simula nang umamin si Alfie sakin at tinanggihan ko siya unti- unti na siyang lumayo hanggang sa grumaduate na kami sa kolehiyo at lumipat sila nang kanyang pamilya papunta US.

"Ma'am Lea? Tapos na po naming basahin ang akda" tinig na pumukaw sa aking naglalakbay na isip.

"A-ah sige maaari nyo bang ibahagi ang aral na inyong napulot mula sa akda?"pagtatanong ko naman

"Ma'am ako po"
"Sige Shane maaari mo bang ibahagi dito sa unahan?"

"Ang aral na aking napulot mula sa akda ay hindi lahat ng bagay ay naitatago sa pamamagitan ng pagngiti, sabi nga sa akda "you can hide your pain through smile but it will not last forever" kaya kahit anong ngiti man ang iyong ipakita hindi parin maipakakaila ang yung tunay na nararamdaman dahil nakikita rin ito sa mga mata, at yun ang aking natutunan mula sa aking pagbabasa nang akdang pinamagatang NGITI. That's all and thank you ma'am" natulala ako saglit dahil sa kanyang sagot, tama nga naman kahit anong pilit mong ikulbi nang iyung ngiti Ang tunay na nararamdaman sumasalamin parin ito sa mga mata.

Matamlay akong umuwi sa bahay at pagkapasok sa loob nang kwarto ang tanging lugar kung saan ko ipinapakita ang tunay na ako ay dali - dali akong dumapa sa kama at ibinuhos lahat ng luha mula sa mabigat na damdamin. Pagsisisi sa mga maling desisyon at paghihinayang dahil hanggang ngayon hindi ko parin nasabi sa kanya ang tunay kung narararamdaman.

"Congratulations to the both of you" I smiled as I give my gift to the newlywed. No one will ever know what I felt right now because it's true, smile would always hide your true feelings.


My feelings for Alfie will be my forever hidden secret that will forever be buried so no one knows...


Her hidden secretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon