Ayana's POV
Nagpakawala ako ng malalalim na mga buntong hininga bago ako tumuloy sa aming table.
Kaya nga lang, isang surpresa naman ang bumungad sa akin pagbalik ko sa aming table.
Akalain mo nga naman! May ahas na nakisali sa table namin!
"Oh? Okay ka na ba, Ayana?" tanong ni Nelly sa akin nang makabalik na ako.
Hindi pa rin mawala wala ang titig ko sa babaeng nakisali sa table namin, hanggang sa naisipan kong hayaan na lang siya. Kaya nga lang hindi ko alam kung ano nanaman bang kaahasan ang iniisip nito.
"Okay lang naman," sagot ko naman kay Nelly at pilit na ngumiti.
Patay malisya na lamang akong umupo sa aking upuan habang sumusulyap sulyap pa rin sa babaeng nakikisawsaw.
"Sorry, Ayana ah? Nagulat din ako na bigla na lang din siyang umupo kasama sa table natin," bulong sa akin ni Nelly. Nahalata niya siguro na medyo uncomfortable ako dahil nasa harap ko ngayon ang ahas kong kaibigan na si Hazel.
"Ayos lang, hayaan na lang natin siya," bulong ko naman kay Nelly.
Muli kaming nagkuwentuhan na magkakaklase, ngunit hindi ko inasahan na hindi iimik si Hazel. As in hindi talaga siya nagsalita, para bang invisible lang siya ngayon.
Ano? Hindi rin ba siya comfortable sa presensya ko? O nakokonsensya na siya sa kaahasang ginawa niya noon?
"Oh! Hazel! Nandito ka pala! Buti hindi mo kasama 'yong boyfriend mo?" sarcastic kong sabi.
Nanlaki naman ang kaniyang mga mata sa gulat, ganoon din ang naging reaksyon ng iba naming mga kasama sa table.
Alam naman kasi nila na ayaw ko kay Hazel dahil nga sa nangyari noon, tapos pumayag payag naman sila na makisali siya sa table namin! Sinasabotahe ba nila ako o ano?!
"Boyfriend?" painosente niyang tanong. "Wala ako no'n."
Sarcastic naman akong natawa dahil sa kaniyang reaksyon at sagot. "Ah talaga? Wala ka no'n? Eh nasaan na 'yong inagaw mo sa akin?"
Bahagya naman siyang napaatras nang dahil sa aking tanong, samantalang halos lahat naman ng kasama namin sa table ay ramdam na ramdam na ang namumuong tensiyon na namumuo sa pagitan namin ni Hazel.
"A-Ah! Kakain na pala! Time na para pumila tayo!" kinakabahan at hindi mapakaling singit ni Nelly.
Agad namang nagtayuan ang lahat ng nasa table namin maliban na lang sa amin ni Hazel.
"T-Tara na, Ayana!" taranta pa ring wika ni Nelly at hinahak na ako papatayo.
Habang naglalakad ako papalayo sa aming table ay hindi pa rin nawawala ang tingin ko kay Hazel, nakita ko pa tuloy kung papaano magbago ang kaniyang ekspresiyon.
Kung kanina kasi mala inosenteng anghel ang mukha niya sa harap naming lahat, ngayon naman mala demonyita na ang itsura niya pagtalikod namin.
Ano pa ba ang bago? Nagawa niya nga akong traidorin dati 'di ba?
Tahimik kaming kumuha ng pagkain ni Nelly at bumalik sa aming table.
Sunod na kumuha ng pagkain si Hazel nang makabalik kami sa aming table, nagkasamaan pa nga kami ng tingin bago siya umalis.
"Kalmahan mo lang ah?" bulong sa akin ni Nelly.
"Hindi ko ba siya puwedeng sabunutan ngayon?" natatawa kong biro.
BINABASA MO ANG
The Fragrance of Love (Love Potion Series #2)
RomanceSome relationships end without a proper goodbye, and that's what happened between Daven and Ayana. Ayana Valdez is a florist who inherited her family's flower shop and a girl who's not been into romance ever since she broke up with her ex-boyfriend...