Ayana's POV
My tears fell as soon as I got home.
I sometimes wonder how can I be so strong and weak at the same time.
Kanina lang kasi ay pinahiya ko pa ang babaeng 'yon at may lakas pa ako ng loob na taas noong tingnan ang dalawang 'yon, tapos ngayon pag-uwi ko umiiyak na agad ako.
Ganoon ba talaga ako napagod emotionally?
Kung sabagay, sino ba naman ang hindi mapapagod kapag nakita mo ang dalawang taong trumaidor sa'yo dati.
Pero ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit ko pa rin ito nararamadaman? I mean naging okay na ako sa loob ng limang taon at tanging 'yong trust issues lang ang naiwan nilang bakas sa akin, ang hindi ko nga lang talaga maintindihan ay kung bakit bigla na naman akong naging affected sa kanilang dalawa.
"I hate this feeling!" I said as I harshly wiped my tears.
"Ate?" wika ng isang lalaki.
Kahit na madilim ay alam kong si Nalin ang nagsalita kaya naman agad kong pinigilan ang aking mga luha at pinunasan muli ang aking mukha.
"Umiiyak ka ba, Ate?" nag-aalala niyang tanong at binuksan ang ilaw.
Agad naman akong yumuko at nagkunwaring wala lang ito. Ayaw ko naman kasi na makita ako ng kapatid ko na umiiyak.
"Wala 'to, napuwing lang ako sa labas," patay malisya kong sabi at tinanggal na ang aking sapatos.
"Weh? Halatang halata sa boses mo eh! Ano bang nangyari?! May umaway ba sa'yo sa kanyto?! Sabihin mo lang!" nag-aalala niya pa ring sabi.
"'Wag ka ngang maingay! Baka mamaya magising pa sina mama! Ano oras na oh!" sita ko sa kaniya.
Hindi pa rin ako tumitingin sa kaniya at nanatili lamang akong nakayuko.
"Umiiyak ka kasi!" pagpupumilit niya pa at hinawakan ang aking baba upang iangat ang aking ulo. "Tingnan mo! Umiiyak ka!"
I guess wala na talaga akong lusot sa kapatid kong mala-detective ang galawan.
"'Wag ka nga sabing maingay! Baka magising sina mama!" muli kong sita sa kaniya.
Tinabig ko naman ang kaniyang kamay at muling pinunsan ang aking pisnge gamit ang aking palad.
"Ayos lang ako, 'wag kang mag-alala. Naiyak lang naman ako dahil nagbigay ako ng speech kay Carrol," pagsisinungaling ko.
Kumunot naman ang noo ng aking kapatid at mukhang hindi benta sa kaniya ang pagsisinungaling ko.
"Bahala ka nga! Ang secretive mo naman!" inis niyang sabi.
Ginulo ko na lamang ang kaniyang buhok at naglakad na papunta sa aking kuwarto. Bubuksan ko na sana ang pinto ng aking kuwarto nang bigla akong matigilan sa sinabi ng aking kapatid.
"Dahil sa mokong na Daven na 'yon noh?" walang pag-aalinlangan niyang salita dahilan upang manigas ako sa aking kinatatayuan. "Idagdag pa natin 'yong ahas mong kaibigan na si Hazel. Nakita mo sila sa kasal na pinintahan mo, tama ba?"
Agad kong kinagat ang nanginginig kong labi at pilit na pinakalma ang aking sarili, pinigilan ko na rin sa pagpatak ang mga luhang kanina pa nagbabadyang pumatak.
"Anong ginawa nila sa'yo, Ate?! Sabihin mo!" mangiyak ngiyak na wika niya. "Alam mo naman na nasasaktan din kami kapag nakikita ka naming nasasaktan ka dahil sa kanila 'di ba?! Kaya sabihin mo! Anong ginawa nila sa'yo!"
BINABASA MO ANG
The Fragrance of Love (Love Potion Series #2)
RomanceSome relationships end without a proper goodbye, and that's what happened between Daven and Ayana. Ayana Valdez is a florist who inherited her family's flower shop and a girl who's not been into romance ever since she broke up with her ex-boyfriend...