Chapter 17

11 2 0
                                    

Because of what happened between me and Monique nagkaroon ng bad blood. Hindi ako sanay makipagplastikan but I need to be civil with her.

Pareho kaming nakatayo sa harap ng university officials. They're congratulating the two of us dahil sa pagkapanalo namin. They gave us the cash prizes na excited din si Mapple dahil pinangakoan ko siyang ililibre ng samgyupsal at isasama namin si Kiro.

We both smiled at the officials and said thank you.

Nang makalabas kami ng office, Monique called me.

"Julia... about last time... I'm really sorry." I don't know if she's sincere or napipilitan lang.

I faced her.

"Monique, stop dragging me to whatever problem you have with Adrellano. I don't want to get involved. But trust me... i don't want to meddle with other people's relationship... And for the record, Kiro is just my friend while Adrellano... he's... he is no one to me." Monique was too stunned to talk kaya iniwan ko na lamang siya roon.

Dumiretso ako sa broadcasting room kung na san si Mapple. Busy ito sa kanyang cellphone.

"Mapple..." tawag ko sa kanya pero hindi niya pa din ako pinapansin.

"Mapple!" mas malakas kong tawag sa kanya.

Lumingon ito sa akin mukhang nagulat pa.

Pinakita ko sa kanya ang envelope at biglang umaliwalas ang kaninang busangot niyang mukha.

"Samgyup!!!" sigaw niya, lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"Taposin ko lang tong last broadcast ko." aniya.

"Sige antayin kita sa may lounge area." She nodded and I smiled.

Nang bubuksan ko na ang pintoan biglang bumukas ito at nag materialize sa harap ko si Adrellano.

Nahinto ito sa paglalakad at napaawang ang mga labi.

Napakurap kurap ako dahil sa nangyari.

"Hoy Joven Teron, bilisan mo nga diyan. Para matapos na tong walang kwentang interview ko sayo." si Mapple na halatang galit pa din kay Adrellano.

Adrellano nodded to me. I was too stunned kaya hindi ako nakapagreact sa ginawa nito.

Nilagpasan ako ni Adrellano. I heard Mapple is telling him what to do. Based sa narinig ko it's an interview kasi madami daw interested sa kanya.

After all, Adrellano is very popular.

Nakaupo lamang ako sa lounge pinapakinggan yung live broadcast ng interview kay Adrellano. All of the students here in the lounge are very attentive in the interview.

Madami talagang humahanga sa isang to.

"Now let's proceed to another set of questions." si Mapple sa speaker. I can imagine her face right now.

Narinig namin ang pagtikhim ni Mapple. "This is a message slash question from twitter people. Disclaimer, I have nothing to do with these questions."

Naalala ko nagpatwitter party si Mapple using the hashtag AskJT kagabi. Para dito pala yun.

"First from @iloveJT. Wow fan mo." I know Mapple is being sarcastic. "Hello JT! sobrang idol kita... so this is my question for you, how does it feel to be you? ang perfect mo kasi... Nobody's perfect mga mamsh" dinaan sa tawa ni Mapple ang last statement niya.

The chattering around the lounge disappeared. Everyone is waiting for his answer.

"Being me is sometimes tiring... I'm tired of reaching peoples' expectations. I still feel blessed, but really sometimes it's tiring to be me. I'm not perfect, I have so many flaws." napaawang ang mga labi ko dahil sa sinabi nito. Nakakapagod maging siya...

Through Wattpad: FrustrationWhere stories live. Discover now