Chapter 15

36 2 0
                                    

Chapter 15


Hatred



The strong wind blew my hair from the south, kasabay ng pagdaan ng dalawang babae at umupo sa kabilang vacant table. Yumuko ako at nagpatuloy sa pagsusulat sa notebook ko habang ang buhok ko ay nakaipit ang mga hibla sa likod ng tenga sa kanan at sa kaliwa naman ay tinatabunan ang paningin ko sa isang vacant table.


"Wala na raw sila?" panimula ng isa.


Umiling na lang ako dahil ang tsimosa talaga ng mga tao. Nagpatuloy ako sa pagkokopya ng assignments ko patungo sa isang kalahating piraso ng papel. Sinabi kasi ng guro namin na roon na lang daw. Kaya naman last minute rin kaming nilipat ito. Umiling ako ng makita ko na marami na akong mali sa papel. Nilukot ko ito at tiningnan ang aking Rolex na relo at malayo pa pala ang simula ng klase. Suminghap ako sa kawalan.


"That girl has a petty mind. Akalain mo naman inaway pa kanina si Benj. Tapos sa publiko pa talaga nakipag-break. Jusko naman. Aminin niya na kasi na KSP siya, kulang sa pansin. Akala niya naman na natutuwa tayo sa ginawa niya. Humanda siya mamaya."


Napatigil ako sa aking pagsusulat ng pangalan ko sa unang linya ng papel. Nag-angat ako ng tingin at tumingin sa mga babae na nagbubulong-bulongan daw kuno pero rinig na rinig ko.


Isa lang naman ang maarining makipag break kay Benj. Iyon ay ang girlfriend niya na si Charlotte. Nagpatuloy ako sa pagkokopya ng answer ko sa papel na ito habang iniisip ko ang pinag-uusapan nila.


Hindi naman pwede na may iba si Benj. Based on what he said to me a month ago, I can sense he only loves one person, and that is my ex-bestfriend. Kung iisipin ay narinig at nakita ko rin silang nag-aaway sa kung anong bagay. I know she may be petty, but she has a point sometimes. Ewan ko lang kung malabo na sila noong panahon na 'yon. But if they really love each other, they can fight for it. It was a challenge, and they had to conquer it. If you let that pain eat you, then you lost. If you don't have the energy to make this survive, then you lost in the middle of the battle. If it was the end of their relationship, maybe it would last that way.


Huminga ako ng malalim at nakalahati ko na pala.


"Ang O.A naman kasi. May pa..."You don't love me anymore, Benj," but the way she speak. Bisaya masyado. 'Di bagay sa kanya 'yon,"sabay halakhak no'ng isa.


Bumaling ako sa kanila at nakita ko ang babae na nag-apir sa kasama. They high-fived and laughed again, causing passersby to look in their direction.


"'Isa pa roon. Kung mahal mo ako. Bakit hahyaan mo akong umalis.' Girl, kung mabuti siyang tao. Kung understanding siyang tao. Sana 'di sila umabot sa ganito. Benj is a nice person. Everyone will flock in his direction. Hay nko sarap niyang sabunutan."


I looked away and maintained my eyes on my paper. It was an accurate statement. People will flock to Benjamin, and yet Chralotte lost that. Ano? Porket siya ag pinili may gana na syang mang iwan.


"You know what? She just made Benj cry. Naku naman...kung ako pa sa kanya, kung may gana pa siyang makipagbalikan, go na. Kaysa naman makahanap ng iba."

Home of Hopes (Caledonia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon