Chapter 13: Greatest Regret

6 0 0
                                    

Daven's POV

Pabalang kong sinara ang pinto ng aking apartment ng ako'y makauwi na.

"Wala na tayong dapat pang pag-usapan, Daven. It's been five years at natapos tayo magmula noong hinalikan mo siya."

"F*ck!" I muttered.

Pabalagng ko ring hinubad ang aking sapatos at umupo sa aking kama habang hinihilot ang aking sintido.

"Wala na tayong dapat pang pag-usapan, Daven. It's been five years at natapos tayo magmula noong hinalikan mo siya."

"F*ck it!" I cursed again.

Kanina pa talaga paulit ulit na umaandar sa utak ko ang mga katagang 'yan. Hindi ko talaga inaasahan na 'yan ang sasabihin sa akin ni Ayana sa muli naming pagkikita matapos ang limang taon.

Pero ano pa nga ba kasi ang inaasahan ko?

"I can't blame you, Ayana. Alam kong kasalannan ko kung bakit naging ganoon ang pagtingin mo sa akin." I sobbed. "You used to look at me so dearly as if I was the greatest thing that ever happened in your life. It pains me that you now look at me full of pain and hatred."

I couldn't blame her though, and all I can blame right now was myself.

*FLASHBACK*

I was mesmerized when I first saw her.

Her beauty is out of this world, and her golden heart made her more beautiful.

Hindi ko maipaliwanag ang saya na naramdaman ko noong malaman ko na magiging magkaklase pala kaming dalawa. Matagal ko na talaga siyang tinitingnan mula sa malayo kaya hindi ko talaga inaasahan na magiging magkaklase kami.

"P're! 'Di ba crush mo si Ayana since first year?" panunuksong tanong sa akin ni Nathan.

"Oo. Bakit? 'Wag mong sabihin na crush mo rin siya!" wika ko naman.

"Hindi ah!" pagtanggi niya. "'Yong kaibigan niya ang crush ko."

Siniko siko ko naman si Nathan para asarin siya. "Ikaw ah! Pormahan mo na! Baka maunahan kang iba!" biro ko pa sa kaniya.

"Ikaw rin noh! Pormahan mo na si Ayana! Balita ko may nagbabalak na sa kaniya manligaw! Sige ka, baka maunahan ka rin," nakangising wika ni Nathan.

Simula noon ay tumatak sa aking isipan ang kaniyang sinabi, kaya naman hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at gumawa na ako ng paraan para maipakilala ang aking sarili sa babaeng matagal ko nang minamahal mula sa malayo.

Mabait siya, malambing, maganda, matalino pa, halos lahat na lang yata ay nasa kaniya na, nagpapasalamat din talaga ako at palakaibigan siya dahil naging malapit agad kami sa isa't isa, hanggang sa nagkaroon ako ng lakas ng loob para ligawan siya.

"Ayana!" tawag ko sa kaniya.

"Bakit?" nakangiti niya namang tugon at lumingon sa akin.

"May sasabihin ako sa'yo," nahihiya kong sabi.

"Ano 'yon?" tanong naman niya.

"Matagal na kasi talaga kitang gusto. Puwede ba kitang ligawan?"

Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang excitement at kaba na nararamdaman ko noong sinasabi ko ang mga katagang 'yon. Mas lalo rin akong kinabahan nang hindi niya ako agad binigyan ng sagot, pero dahil isa akong mabuting manliligaw ay hinintay ko ang sagot niya.

Hindi rin naman nagtagal ay binigyan niya ako ng pahintulot na ligawan niya, nanghingi na rin ako ng permiso sa kaniyang mga magulang at pumayag din naman sila.

The Fragrance of Love (Love Potion Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon