Prologue

16 0 0
                                    

"Uuwi ka na?" Tanong sa'kin ni Ashton habang inaayos ko ang gamit ko.

Kakatapos lang ng klase at nagsisi-alisan na iba naming classmate.

Naayos ko na gamit ko at humarap ako sa kanya, sinukbit ko ang bag sa likod.

"Oo, sabay ka pauwi?"

"Tara."

Binunggo niya ako sa balikat bago sabay kaming lumabas ng classroom. Habang naglalakad kami pauwi ay nag ku-kuwento siya tungkol sa nililigawan niya.

"Alam mo 'di ba nag date kami no'ng nakaraan, niyaya niya ako pumunta sa bahay nila tapos tinuruan niya ako mag luto" kuwento niya na animo kinikilig pa.

Natawa ako sa kanya. Halatang kinikilig. Namumula ang maputi niyang mukha.

"Welcome to hell, Ashton" natatawa kong sabi sa kanya.

"Gago. Anong welcome to hell? Baka welcome to heaven kamo"

"Ewan ko sayo, loko"

"Uy gagi, daan nga pala tayo saglit kay Mang Ramon. Bili tayo ng kwek-wek"

Hindi na niya ako binigyan ng pagkakataon umangal. Hinatak agad niya ako para bumili ng kuwek.

Nakng, gusto ko na umuwi e.

Pagdating namin kay Mang Ramon ay maraming bumibili. Karamihan ay estudyante. Dito kami madalas bumili ng kwek-kwek tuwing uwian. Masarap kasi.

"Mang Ramon, ba't hindi kayo sa tapat ng school nag benta ngayon." Si Ashton

"Pinaalis ako ng Guard. Dadating daw kasi may ari ng school."

Hindi na ako nadinig sa usapan nila nang may nadinig akong nag bukas ng pinto sa harapan namin. Lumabas ang dalawang magjowa na may bitbit na kape.

Mga demonyo, nag kalat.

Tumingala ako "Wilflover Cafe" basa ko sa pangalan sa itaas.

Kailan ba huling kape ko?

"Hoy!" Nabaling ang tingin ko kay Ashton. Nakatingin siya sakin. Tinaasan ko siya ng kilay kung bakit. "Gusto mo?"

"Ayaw ko, diet ako."

"Diet ampota. Mukha ka na ngang nag shashabu."

"Tang-"

"Biro lang. Di naman mabiro hehe" Tinaas niya ang kamay niya na may hawak pang baso na may kwek-kwek.

"Tsk tsk" iling ko sa kanya. "Ash, do'n muna ako. Bibili lang ako ng kape" turo ko sa harapan ko. 

Hindi ko na inantay sagot niya. Naglakad na agad ako papunta sa Wilflover Cafe. Pagbukas ko ng glass door ay mabangong amoy agad ang bumungad sakin. Pinaghalong amoy mapait na matamis.

"Good afternoon, Sir." Tumango ako sa bumati sakin na Barista.

Tumingin ako sa menu nila. Ano ba masarap.

"Hmm, one cappuccino please."

"Cold or hot, Sir?"

"Cold kahit hot ako" biro ko.

Pero di ako nag bibiro na hot ako.

Napailing sakin na natawa si Ate "What's your name, Sir?"

"Interested huh?" Natawa ako "Just kidding. My name is Kio."

Sinulat niya sa cup "Like this, Sir?" I nod "Nice name... Tatawagin nalang po namin kayo kapag tapos na po."

Inabot ko ang bayad bago ako tumalikod. Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng coffee shop... Ang kisama ng cafe ay puro bulaklak na kulay pink na may halong green. Sa tapat ng barista ay may tatlong upuan na nakaharap sa labas. Karamihan ng upuan ay nasa likod na part. May apat na malaking sofa din na may table sa harapan. Napatitig ako sa nag iisang duyan sa gitna ng cafe.

Nababalutan na parang baging ang dalawang tali na naka supporta sa duyan. Kasya ang dalawang tao. Sa likod ng duyan ay may nakasulat na "It was rare, I was there, I remember it all too well." na LED LIGHT na napapalibutan ng mga pink roses.

That line is familiar...

"Sir Kio"

Nawala ako sa tinitingnan at napalingon. "Yes?"

"Your coffee, Sir." Kinuwa ko ang kape ko bago ako nag hanap ng bakanteng upuan. Umupo ako sa isang bakanteng sofa.

Sumipsip ako sa cappuccino ko. Sarap, humahagod sa lalamunan.

Lumipas ang ilang minuto at halos makahalati ko na nang biglang tumugtog ang speaker sa cafe shop.

'Song: All Too Well by Taylor Swift'

~I walked through the door with you
The air was cold
But something about it felt like home somehow
And I, left my scarf there at your sister's house
And you've still got it in your drawer even now~

Shit. Bakit yan pa.

Napatingin ako sa likod ng duyan. Now, alam ko na kung bakit familiar.

Nilabas ko ang cellphone ko at nilibang ang sarili. Busy akong picturan ang cup na may pangalan ko ng may nakaagaw ng pansin sa gilid ng mata ko.

She's wearing red newsboy cap. Bumagay sa black turtleneck and brown pants na suot niya. I can't see her face properly. Kausap niya yung Barista na kausap ko kanina. Parang close sila.

I didn't notice that I was staring at her until she looked in my direction... My hands feel so cold.

Kung may tao man sa tabi ko, buhusan na ako ng malamig na kape sa ulo!

~'Cause there we are again when I loved you so
Back before you lost the one real thing you've ever known
It was rare, I was there, I remember it all too well~

Those eyes... hindi ako pwedeng magkamali.

°   °   °

Almost 10 minutes na ang nakalipas simula nang nakaalis na siya. Hindi pa din ako makapaniwalang nandito siya.

Ilang beses kong cinonvince ang sarili ko na hindi siya 'yun. Na nag kakamali lang ako. Baka hindi siya 'yun.

Memories start flashing like a broken dam. Where I first saw her. Where I first saw those eyes and how she put a curse on me.

They always say that I'm forgetful. Lagi daw akong makakalimutin. Mabilis makalimot. But I knew they were wrong because I didn't forget about this one. I remember this one. This cursed.

I remember it all too well.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 14, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SecretWhere stories live. Discover now