Epilogue

111 15 0
                                    

Egleia


Muli, hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman ngayon. Bata pa lamang ako simula noong huli kong pagtanaw rito sa beranda ng silid ko. Naalala ko pa ang unang pagkikita namin ng higanteng agila rito mismo sa aking beranda. Ngunit iba na ang sitwasyon ngayon, nasa labas na ng aking kaharian ang higanteng agila, hinayaan nitong paglaruan ng mga bata ang kaniyang pakpak.

Bumalik na ang sigla at kulay ng aking mga mamamayan ngayon. Muli kong nasilayan ang kanilang matatamis na ngiti, ang hagalpakan ng kababaihan dahil sa kanilang pagtitipon, at ang habulan ng mga bata. Kagaya ng malayang agila, malaya silang nakakaliwaliw sa kaharian nila. Walang kinakatakutan sa paligid at hindi nakararamdam na anumang panganib. Ito ang pinapangarap ko sa aking pagbabalik; ang pagsasama-sama ng aking pamilya at ang aking mamamayan.

“Laki ng ngiti, ah?”

“Ay, palaka!” gulat na sambit ko.

Nakita ko si Godfrey na tinapos ang kaniyang pag-akyat sa beranda. Nang magtagumpay siya sa kaniyang ginawa ay inayos niya kaagad ang suot niyang korona. Nakasuot siya sa kaniyang pang-hari na kasuotan. Napalingon ako sa likod ni Godfrey nang may tumulak sa kaniya. Si Leonox. Kahit anong man ang kaniyang suot ay bumabagay talaga sa kaniya. Bagay na bagay sa kaniya ngayon ang Hari na kasuotan niya. Kagaya kay Godfrey, suot-suot niya ang gintong korona. Ang kaibahan lang sa aming korona ay may ulo ito sa bawat higanteng mayroon kami.

“I'll never trust you again, Godfrey. Ever,” reklamo ni Leonox.

“Anong nakain mo Godfrey at naisipan mong diyan dumaan?” Tinanaw ko ang layo ng beranda. Walang normal na tao ang makakapag-akyat dito. “Ikaw naman Leonox, uto-uto ka talaga kahit kailan.”

Napasinghal siya. “In addition to what has been said, who was this girl that fell on Roger's trap in---”

Natahimik siya nang buong bibig niya ang tinakpan ko. “Ang ganda ng labi mo, ano, Leonox? Magkasing-pula ng mansanas.”

Binangga ako ni Godfrey sa balikat habang ang kaniyang dalawang kamay ay nasa bulsa niya. “Asus, gumagalaw ka na ngayon, Egleia, ah? Masarap mabuhay na may minamahal, Egleia. Baka nais mong subukan.”

Dinampot ko ang likod ng kanilang damit at kinaladkad palabas sa silid ko. Pagbukas at pagbukas ko sa pinto ay saktong papasok si Ina. Mabilis na inalis ko ang kamay ko sa likod ng dalawa. Baka magaya ako kay Stephanie na piningot ni Josefina.

“Oh, naparito na pala kayong dalawa. Sakto at magsisimula na ang pagdiriwang sa inyong pagdating,” pagbati sa kanila ni Ina.

Yumuko sila nang sabay at saka bumati kay Ina. “Napakabait niyo po sa amin. Sana si Egleia rin.”

Palihim kong siniko si Godfrey. Sinamaan ko siya ng tingin. “Ina, papunta na rin po kami sa mesa. Susunod na lang po kami.”

“Ganoon ba, anak. Oh, siya, sige. Mauuna na muna ako sa inyo at tutulong na muna ako sa pagbati ng ating mga bisita. Baka mayamaya ay darating na rin ang magulang nitong dalawa.”

Nagpaalam na si Ina. Sumunod naman kami para maabutan ang pagsisimula ng pagdiriwang.

“Ang mahuli, pangit!” anunsyo ni Godfrey.

Nagpasiunang tumakbo si Godfrey. Ewan ko kung pinapatunayan ba ni Leonox ang kaniyang pagiging uto-uto at mabilis din siyang humabol kay Godfrey.

Natawa na lang ako sa ginawa ng dalawa. Mga loko.

Natigil ako nang marinig ko na naman ang isang kakaibang ungol mula sa kagubatan. Nakita ko sa labas ng bintana na nagsiliparan ang mga ibon sa kagubatan.

May naikwento si Ina noon na may nawawalang isang higante. Iyon ay ang uso. Hindi ko mapigilan na kabahan sa naisip ko. Sana hindi ito kagaya sa ibang pinagkalooban ng makapangyarihang hayop na sakim sa kapangyarihan. Sana hindi siya magdulot ng kaguluhan sa masaya nang kaharian namin.

Tumalikod na ako at tumakbo nang mabilis upang makahabol sa dalawa.

Ako si Egleia Aguilar, mula sa kaharian ng Agilyana, ang maswerteng nilalang na pinagkalooban ng kakaibang abilidad na galing sa higanteng agila.


***

END!!!

Ascendance Of The Ruined Kingdoms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon