Ayana's POV
Umaga na naman at pagod na naman ang aking mga sa kakaiyak kagabi.
Kailangan ko na talaga tigilan ang pag-iyak tuwing gabi, pagdating kasi ng umaga ang haggard kong tingnan at halos hindi ako magising dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod ako lalo na ang aking mga mata.
Same routine pa rin naman ang aking ginawa, pero sa pagkakataong ito ay nagising ako ng medyo maaga, kaya naman naisipan kong kumain na rin kahit kaunti lang. Kadalasan kasi talaga ay hindi ako kumakain tuwing umaga dahil lagi akong late na nagigising.
"Aga mo yata nagising ngayon ah?" manghang wika ni Mama habang naghahain ng pagkain sa hapag.
"Inaantok pa nga po ako eh." Napahikab ako. "Kakain lang ako ng kaunti."
"Bakit hindi ka muna natulog pa, Ate? Mukhang pagod ka eh," singit ni Nalin.
Makahulugan naman kaming nagkatinginang dalawa.
Sinabi ko kasi sa kaniya kagabi na 'wag na 'wag na niyang sasabihin o babanggitin sa mga magulang namin ang nangyari kagabi, baka kasi kung ano pang kaguluhan ang mangyari kapag nalaman nila na iniiyakan ko nanaman si Daven.
Tahimik na lamang kamin kumain samantalang ako naman ay binilisan ko ang pagkain ko para naman matapos ako kaagad at makapunta na sa flower shop.
"Tapos na po ako," wika ko kasabay ng aking pagtayo matapos kong lunukin ang pagkain na nasa aking bibig.
Naglakad na ako papunta sa banyo at nagtoothbrush muna bago kinuha ang aking bag sa aking kuwarto.
Bago pa ako makalabas sa aking kuwarto ay nakita ko ang pabangong galing kay Madam Divina kaya naman nagpabango muna ako.
Mukhang ito na nga ang naging paborito kong pabango eh! Ang bago kasi talaga kahit na minsan ay medyo weird ang amoy.
Matapos kong magpabango ay lumabas na ako sa aking kuwarto at inabutan ko pa ring nag-aalmusal ang aking pamilya sa hapag kainan.
"Aalis na po ako," paalam ko sa kanila.
"Ingat ka," tipid na sagot ni Mama.
Tumango naman si Papa samantalang tiningnan na lamang ako ni Nalin.
Lumabas na ako sa aming bahay at inayos na ang aking bike bago ako sumakay rito at nagsimulang magpedal.
Nakakaginhawa at nakakagaan ng loob ang pagdampi ng sariwang hangin sa aking balat. Nakakarelax din kapag nalalanghap ko ang sariwang hangin na nasasalubong ko sa bawat pagpedal ko sa aking bike.
"Rose!" masaya kong sigaw ko nang matanaw ko na si Rose na nakatayo sa labas ng flower shop na nagdidilig ng mga bulaklak.
Agad na naglaho ang aking ngiti nang lumingon siya sa akin na may malungkot na aura sa kaniyang mukha.
"Oh? Bakit? May problema ba?" kunot-noo kong tanong kasabay ng paghinto ko sa aking bike.
"Uwi ka na lang muna siguro, Ate," singit naman ni Marco.
Mas lalo namang nangunot ang aking noo nang dahil sa kanilang sinabi.
"Bakit? Ano ba ang problema?" muli kong tanong at bumaba na sa aking bike. "Bakit parang may tinatago kayo sa akin?" tanong ko pa at sumilip sa kanilang likod kaya nga lang ay mas lalong tinakpan ni Marco ang kung ano mang nasa likod nilang dalawa.
Mas lalo tuloy akong nagtataka kung ano ba talaga ang nangyayari at kung ano ba ang kanilang tinatago mula sa akin.
"May nabasag na naman ba kayong flower pot?" natatawa kong tanong sa kanila.
BINABASA MO ANG
The Fragrance of Love (Love Potion Series #2)
Lãng mạnSome relationships end without a proper goodbye, and that's what happened between Daven and Ayana. Ayana Valdez is a florist who inherited her family's flower shop and a girl who's not been into romance ever since she broke up with her ex-boyfriend...