IV

14 0 0
                                    

Elyza's POV

"Can I taste yours?" tanong ni Jasmine habang nakatingin sa kinakain ko.

Dito nalang kami sa Mang Inasal naglunch since malayo raw mga restaurants, baka raw malate kami ng lunch. That was according to Simon.  I was kinda shock when he said that, I was expecting an expensive lunch or something. But what makes me shock more is people looks so used seeing them in public places like this. The sons of the President and their Mayor is here but they don't look bother or surprised.

"Here you go." inabot ko sa kaniya ang kinakain ko at saka nagpatuloy ng pagkain.

"Parehas na halo-halo lang naman 'yong inyo ah? Why do you need to taste hers pa?" napatingin ako kay Simon ng magsalita ito.

Si Jasmine lang kanina pa ang dumaldal na nang dumaldal rito. Lahat kame ay tahimik lang at nakikinig sa mga sinasabi niya. Kung may magsasalita man ay si Simon lang 'yon, babarahin niya si Jasmine tapos magbabardagulan na sila.

"Why are you so epal ba ha? It's not yours naman!" sagot sa kaniya ni Jasmine, umirap pa.

"Sinabi ko bang akin? Diba sabi ko hers? Meaning, I was talking about "her" halo-halo." Pakikipagtalo pa ni Simon sa kaniya, may pa action pa sa kamay.

Alam ko na patutunguhan nito kaya sumingit na ako. Nakakapagod makinig sa pag-aaway nila. It's the first time they met pero parang laki ng sama ng loob nila sa isa't isa. Akala ko ba crush ni Jasmine si Simon? Bat nagkakagulo sila?

"It's fine, I don't mind it naman." nginitian ko siya at saka sumubo na ulit.

"You're spoiling her, di naman na siya 3 years old, eh" pagpapatuloy niya parin. As far as I know, he's a CEO and not a lawyer.

"Mind your own business nga!" sagot sa kaniya ni Jasmine, medyo pikon na'to.

Napailing nalang ako dahil mukang wala silang balak magpatalo sa isa't-isa. Isang competitive na pikon at isa namang namimikon. Walang katapusang away na. Di na sila nahiya, maliliit na bagay pinag-aawayan tapos parang hindi Mayor 'yong kasabay namin dito sa lamesa ah. Ay kuya nga pala niya iyon, pero nasa public kame. 

"Ok, kids. Stop na, we're on public." saway sa kanila ni Mayor, di manlang sila tinapunan ng tingin. "I'll buy you ice cream later, don't fight na" pagapatuloy pa niya.

Di ako makapaniwalang napatingin sa dalawa nang tumigil nga sila. What the hell? Ice cream lang pala gusto nila eh, 'di pa sinabi kaagad. 

"Tama na yang pagtitingan niyo ng masama." saway niya ulit nang mapansin ang tinginan noong dalawa. Tumigil naman sila, mga takot pala kayo ha. What if isumbong ko na nagsisipaan sila sa baba?

Napatawa ako sa sarili kong iniisip. I can imagine their face na agad. Mga takot kay Mayor.

"Hey, look at her, she's smiling alone. Is she crazy or what?" 

Napakunot ang noo ko ng marinig ang bulong ni Simon. Natawa lang si Jasmine at saka nag lagay ng isang daliri sa labi. Napatingin ako sa kanilang dalawa kaya tumigil silang dalawa ng pagtawa. Ako pa daw 'yong baliw eh sila nga nag-away tas ngayon nagtatawanan na. Hinayaan ko na sila at saka kumain na ulit. 

"Thank you for the lunch Mayor" I smiled at Sandro. Kakatapos lang namin kumain pero heto na ulet kami sa drive-thru ng McDonald's para sa ice cream nung dalawa. Gusto daw nila McDo pa.

"You already thanked me 12 times but again no worries HAHA" he looked at me then smile. To be honest, he's kinda cute nga. "Do you want ice cream too?"

His Hidden WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon