Chapter 15: I don't know

5 0 0
                                    


Ayana's POV

"If that's what you want," malungkot na wika ni Daven.

Nagpalitan pa sila ni Eric ng matatalim na tingin bago siya tuluyang umalis.

"Daven? 'Di ba ex mo 'yon?" tanong ni Eric sa akin nang makaalis na si Daven.

"Oo, bakit?" sagot ko naman.

Nakuwento ko na dati kay Eric ang tungkolkay Daven, isa rin siguro 'yon sa naging dahilan kung bakit naiintindihan ni Eric ang hindi ko paligoyligoy na pagkilos lalo na pagdating sa pag-ibig.

"'Di ba siya 'yong ex mo na niloko ka?" Kumunot ang noo ni Eric. "Ano ang ginagawa no'n dito? Binubulabog ka ba niya?!"

"Oo, siya 'yong ex na tinutukoy ko, siya lang naman ang naging ex ko eh, wala naman na akong ibang naging ex," natatawa kong biro kay Eric. Alam kong ang weird dahil nagawa ko pang magbiro o tumawa man lang sa mga oras na ito, pero ginagawa ko lang talaga 'yon para gumaan ang ambiance ng paligid, kaso nga lang ay mukhang nagfail ako na gawin 'yon dahil hindi pa rin nagbago ang expression ni Eric.

Napabuntong hininga na lamang ako. "Hindi naman niya ako ginugulo, gusto niya lang na mag-usap kaming dalawa," paliwanag ko kay Eric.

Mas lalo namang kumunot ang kaniyang noo. "Limang taon na kayong hindi nagkikita 'di ba? Limang taon na ring naputol ang komunikasyon ninyo, at limang taon na ring wala kayo 'di ba?" sunod-sunod niyang tanong.

Imbes na sagutin isa isa ang kaniyang mga tanong ay tumango na lamang ako. "Tama ka sa lahat ng sinabi mo."

Sa totoo lang ay ngayon ko lang talaga nakita na maging ganito si Eric, madalas kasi ay mahinhin at tahimik lang siya kapag magkasama kaming dalawa. Sa palagay ko ay naging ganito ang kaniyang mood dahil kay Daven.

Sino ba naman ang hindi maiinis kay Daven? Maski ako nga ay naiinis din sa presensya niya.

"Bakit ka nga pala nandito?" tanong ko kay Eric.

"Gusto ko lang sanang puntahan ka sa trabaho mo at ihatid ka pauwi sa inyo," sagot naman niya.

Well bakit pa ba kasi ako nagtanong eh obvious naman na. Ginagawa rin naman kasi ito ni Eric sa tuwing hindi siya busy.

"Hindi ka ba busy?" tanong ko naman sa kaniya.

Umiling siya. "Hindi naman, maaga rin akong natapos sa trabaho ngayon."

Tumango tango naman ako.

"Tara na? Iuwi na kita sa inyo," aya niya at tumalikod na.

"Sandali!" mabilis kong sigaw.

Napalingon naman siya sa akin at nagtataka akong tiningnan.

"Bakit? May nakalimutan ka pa ba?" tanong niya.

Napalunok naman ako dahil hindi ko talaga alam kung papaano ko ba sasabihin sa kaniya na ayaw ko munang ihatid niya ako pauwi ngayon dahil mas gusto kong maging mapag-isa.

Wala lang, feel ko lang talaga mag emote ngayon.

"'Wag mo na muna ako ihatid pauwi sa amin ngayon," walang gana kong sabi.

Nangunot naman ang noo ni Eric. "Ha? What do you mean? May gusto ka pa bang puntahan?" naguguluhan niyang tanong.

Umiling naman ako. "Gusto ko lang umuwi mag-isa ngayon," sagot ko.

"Pero gabi na, tsaka baka mamaya nandyan pa sa kanto ang ex mo," nag-aalala naman niyang sabi.

Sa hindi naman malaman na dahilan ay nakaramdam ako ng kaunting inis nang dahil sa pagbanggit niya sa salitang ex.

The Fragrance of Love (Love Potion Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon