Rex POV
Nakahilata ako ngayon sa kama. Sheyt lang pag naalala ko yung Mae na yun. Packsheyt siya akala naman niya kagandahan, ganda ganda lang sa sarili eh.
Nakakainit talaga ng ulo yung babaeng yun. Ayon tuloy sa isang Mae ko na naibubuntong ang init ng ulo ko. Magkapangalan kasi sila.
Sana pala nakinig na lang ako sa mga kaibigan ko. Sabi kasi nila na pinipirahan lang ako nong babaeng yun, na kapag na ubos na ang pera ko sa wallet iiwan na ako. Pero sh*t lang, ang walang hiya hindi lang wallet ko ang naubos ang laman, pati na rin ang laman ng atm ko, bulsa ko, piggy bank ko. Wala na talaga ako. Mabuti nalang may mga kaibigan ako.
"Rex buksan mo tong pinto." Nandito na sila? Umalis na ako sa kama at lumabas na. Nakita ko si Kevin na nakapasok na at yung iba naka tunganga sa labas. O anong nangyari sa kanila?
"Hoy mga gago pasok na kayo." Highblood talaga tong isang to.
Actually Kevin Fernandez is his full name. Isang big boss ng isa sa malaking mafia dito sa pilipinas. Masungit, madaling uminit ang ulo pero sobrang talino. Mag isa ngang naglalaro ng chess. Creepy.
Yung mga gago pumasok nga. Bumaba na ako sa hagdan "Mga bro nandito na pala kayo."
Lumapit sila sakin nong malapit na ako sa ibaba ng hagdanan at nakipag handfist sa kanila.
"Bakit nandito yan?" Kahit kailan talaga protective tong isang to. Simula pa nong bata kami ganyan na yan eh.
"Ano naman sayo kung nandito yan?" Walang ganang sagot ko. Maka upo nga muna sa sofa.
Tapos yung iba umupo na rin. Heh mga gaya gaya.
"Talaga dude. Ano bang nakain mo at nandito yan?" Wala na galit na yan. Ang sarap namang asarin nito.
"Ano ka ba naman Kev, baka nagkabalikan na sila."
Ano ba naman tong si Sky, kahit kailan napaka palaboy nito, este playboy nito. Pero nagsimula lang yun ng maranasan niya daw ang heartbreak.
Sky Cruz galing din sa pinaka mayaman na tao sa Pilipinas, at takot sa responsibility.
Actually sa isang araw may pumupuntang babae sa bahay nila at nagsasabing buntis sila, ok lang sana kung isang babae lang sa isang araw kada linggo, pero hindi eh, halos hindi bababa limang babae araw araw ang pumupunta dun. Like what the pack. Mabuti na lang walang nag mamatch na DNA sa kanya.
"Tanga." Tapos binato ko kay Sky yung napulot kung remote ng t.v. "Hindi siya yung babaeng yun." Sheyt nagagalit talaga ako sa Mae na yun. Walang hiya talaga. "Maid ko siya gago."
Lumaki ang mga mata ng mga kaibigan ko. Akala siguro nila bumalik na ako kaagad sa pambabae ko. Ano naman ngayon, single naman ako ha.
"Ooowwwwwsssssss." Sila rin lahat yan. Pero nakabawi kaagad si Sky. At tumayo. For sure lalapitan niya si Mae. Walang babaeng pinapalampas niyan. Mabuti nga at hindi nagkakasakit.
"Alam mo Rex. Wag munang ipa trabaho siya dito. Akin na lang siya pwede." Loko talaga oh. May maid ba na pwedeng hindi ipa trabaho.
"Tumigil ka Sky, akin lang siya kaya tumigil ka." Walang ganang sabi ko.
"Oy posissive si lover boy, matapos sa isa, isa na naman." Tapos nagtawanan sila.
That was Arnold, Arnold Clavio, joke Arnold Gonzales. Isang hardworking na tao, walang girlfriend since birth. Oo wala talaga, pero lakas mag biro.
Actually yung mga girls na nga ang nanliligaw sa kanya. Pero basted lahat. At isang sentence lang yung sinasabi niya sa nanliligaw sa kanya para tumigil. 'Pag sinagot ba kita yayaman ako' eh sa walang makasagot eh. Kaya ayan young business man, kahit nag aaral pa.
YOU ARE READING
Mr. Missionary and Mae
Humor"Oo mahal mo siya, Mahal kita. Ang tanong, mahal ka ba niya?" Meet Mae Chaves, a beautiful creature, (sabi niya), who wants to be loved. Kahit na sinong lalaki basta't gwapo, mabait, at matalino gagawin niyang boyfriend. And she will gonna get tha...