Maulan sa labas. Mabuti nalang at hindi ako naabutan ng ulan habang papasok dito sa trabaho. Sana tumigil din ka-agad, wala pa naman akong dalang payong.
Nag-angat ako ng tingin ng tuunog ang pinto. Hindi ako makagalaw ng ilang sigundo.Napatalikod ako ng matauhan ako. Anong ginagawa niya rito? Si Felix... Siya ang unang costumer namin ngayong gabi.
Alam kaya niya na wala ako sa bahay...
Rinig ko ang mga yabag niya, papalapit. Palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko sa kaba. Lumapit si Analyn sa pwesto ko. At kunot-noo lang itong nakatingin sa 'kin bago tumingin sa papalapit na costumer na si Felix.
"Pwedeng ikaw muna rito? Magbabanyo lang ako. Sandali lang 'to." palusot ko at dali-dali akong lumabas ng counter patakbo sa c.r.
"Mabilis lang ha!" paalala niya. Malakas ang boses niya.
Agad akong pumasok sa cubicle at na-upo sa naka-ibabang takip ng bowl at nagpalipas ng oras. Nahihimas ko ang sariling tuhod dahil sa kaba. Hindi ko maiwasang mapatingin sa relo na suot-suot ko. Dinaig ko pa ang nakagawa ng malaking krimen sa pagtago.
Napahugot ako ng isang malalim na hininga at tumayo. Napagdesisyonan ko ng lumabas, bahala na kung makita niya ako. Madalas naman 'yon walang pake lalo na sa 'kin. Inayos ko ang sarili at saka lumabas ng c.r.
Dahan-dahan akong sumilip, tinitingnan kung narito pa rin siya. Nakahinga ako ng maayos matapos makita na wala ng bakas ni anino niya ang shop. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa kaba na naramdaman ko.
"Sabi mo saglit lang."
Halos mapatalon ako sa gulat. "Analyn naman! ginulat mo ako!" hindi kumalma ang kabog ng dibdib ko dahil doon.
Ngumuso siya. Napangiwi ako. "Sabi mo kasi sandali ka lang. Akala ko nilamon ka ng banyo, e."
"Sorry na," nahihiyang ngiti ko. Bumalik na ako sa counter.
"Ano ba kasing ginawa mo sa c.r.?" curious na tanong niya.
"Naglabas ng sama ng loob..." bulong ko.
"Malaki siguro 'yong sama ng loob mo 'no,"sarkastikong sabi niya. Tumango ako kahit hindi ko gets ang sinabi niya. Bumalik na siya sa loob ng kusina dahil may costumer na pumasok.
Bumati ako, "Good evening, Ma'am, Welcome to Night's Cafe." ngumiti lang ang babae sa akin. Kinuha ko ang order niya at na-upo siya para hintayin ang order niya.
Walang gaanong costumer ngayong gabi kaya nagawa ko pang matulog ng naka-upo sa sahig. Hindi nakakapagod ang ganitong trabaho. Mas marami pa ang pahinga ko kay sa mga nagpupuntang costumer.
Natapos na ang shift ko pero wala pa rin ang kapalitan ko. Hinintay ko lang ang kapalitan ko at pagdating na pagdating niya ay naggayak na ako.
"Ang hirap sumakay, grabe..." palusot ni Nicole, ang kapalitan ko.
Tumango-tango ako, "ah, talaga..." sarkastikong ani ko. Nagpa-alam na ako sa kanina. Uma-ambon pala... Napatigil ako dahil wala akong payong. Balak ko sanang patilain ang ambon pero wala atang balak na tumila kaya sumugod na ako.
Malayo pa ang sakayan kaya kailangan kong lakarin papuntang sakayan. Napapahinto ako. Mayroon sasakyan sa likuran ko, pakiramdam ko kasi sinusunda ako. Huminto ito ng huminto rin ako. Biglang bumilis ang tibok ng dibdib ko. Bigla akong kinabahan.
Binilisan ko ang lakad ko. Sa sobrang kaba ko hindi ko na marinig ang nasa paligid ko tanging ang napakalakas na dagabog ng dibdib ko. Natatakot ako... Pakiramdam ko nahanap nila ako. Paano kung sila 'yong tinatakasan ko. Paano ako? Ayaw ko ng bumalik doon. Gusto ko ng umuwi.
YOU ARE READING
Scream of Affection
Fiksi UmumTwo different person who had to deal in affliction. Same pain but not same scene.