Bente-uno: My Fiancé

2 1 0
                                    

(AMIAH'S)

*Sigh

Ba't parang nawawalan ako ng gana ngayon? Wala naman akong sakit, kumain naman ako, ang kaso nga lang wala akong masiyadong tulog mga ilang gabi narin simula nung lechugas na favor ni Sir Rowan jusko na hahaggard na'ko.

"Hoy okay ka lang? Kanina pa kita napapansin ah, naka ilang buntong hininga ka na ba?"

Tanong sa'kin ni Eya tapos hinawakan niya yung mukha ko at sinuri ito na para bang isa siyang derma.

"Ano ba yan Miah hindi ka ba natutulog?!" Tangvna naman kailangan ba talagang sumigaw?

"Hala oo nga Miah may problema ka ba?"

"Hala Miah may pimple ka na oh."

"Malapit na yung founding anniversary Miah ready na ba yung ipeperform mo?"

Napatayo't nahampas ko na talaga yung mesa ko sa sobrang ingay nila tapos lumapit pa talaga sila sa'min jusko para naman 'tong mga amaw.

"Gusto mo ikaw nalang mag perform ha?" Inis na tanong ko at pinandilatan pa siya.

Akala ko sasagot pa talagang magkakagulo kami rito, kita na ngang wala ako sa mood dadagdagan pa, baka gusto nila akong maging kriminal.

"Oy chillax lang, dapat umabsent ka nalang muna kung masama yang pakiramdam mo."

Kalmadong sabi naman ni Eya pagkatapos niya akong pinabalik sa upuan ko. Oo nga noh at baka kung ano pang magawa rito pero wala rin naman kasi akong gagawin sa bahay.

"Di okay lang ako." Sabi ko nalang at ibinalik na sa ginagawa ko yung atensyon ko, inayos ko pa kasi yung ipapasang design for the jewelries na gagamitin rin sa darating na fashion show.

"Excuse me! Where's Gael's office?!"

Nabulabog naman ang katahimikan ng aming opisina nang may bigla nalang dumating na isang babaeng... Maganda naman pero mukhang maldita, at walang manners ah, wala man greeting jan? Isa pa ba't kailangan niyang sumigaw eh hindi naman kami mga bingi?

"Sa kabila ma'am." Sagot naman nung kasamahan namin na nasa unahan.

Tapos alam niyo yung nakakakulo ng dugo? Yun yung wala man lang thank you! As in umalis na agad bigla pagkatapos niyang umirap aba aba sino ba yun?!

"Wow ah napaka feelingera naman nun." Sabi nang isa pa naming kasama na sinang ayunan naman ng iba.

"Kilala niyo yun?" Tanong ni Eya na nakataas ang kilay.

"Ako kilala ko, siya yung minsan nang nakasama nina Sir Gael sa photoshoot sa... Canada yata yun."

Ah kaya pala ganun nalang kung magtanong kung nasaan ang opisina ni Gael may pinagsamahan pala.

"Sus kaya pala feeling eh di naman kagandahan amp."

Tugon ni Eya at nag cross arms, tapos napatingin rin naman agad siya sa'kin.

"Okay ka lang?" Baling niya sa'kin habang at napansin kong nakatingin siya sa kamao ko, kaya sinundan ko rin yung tinging yun.

"Kunti nalang mababali na yang lapis." Sabi pa niya, ewan ko ba di ko napansin na pinang gigilan ko na pala yung lapis.

"Di naman ah." Tugon ko nalang at bumalik na ulit sa pagdedesinyo.

Ano nga palang pangalan nung babaeng yun? Ay teka nga pakialam ko ba kung anong pangalan ng nilalang na yun?!

"Ladies tapos na kayo?" Sakto namang pagkatapos ko ay ang paglabas ni Boss Mawi sa opisina niya, tapos ayun isa isa na ulit niyang kinuha yung mga gawa namin.

Cornelia StreetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon