Twitter: @ikyraching
ASHLEY CARRACIO
"If I hold on to the memories and use them to guide me, will you be right here beside me. Everything I know is behind me, I'm starting a new life I just don't want to say goodbye."
Feeling ko tamang tama sa akin yung Graduation Song namin. Hold on to the Memories. Kaylangan nga siguro gawin kong lesson sakin yung mga naranasan ko. Yung mga panget na nangyari sakin gawin kong inspirasyon na nakabangon pa rin ako. Na kaya ko palang mabuo kahit may nawala na.
"Ashley, naka move on ka na ba talaga?" Tanong ni Georgina.
"Kahit papano George. Kasi hindi ko na ganon hinahanap si Ethan."
"People Change nga naman," ani nya. "Kaya ako man proud ako sayo!"
***
"Bes, ano kain tayo kay Ka Mers ng siomai. Miss ko na yun.
Lumabas na kami ng school at kumain na ng Fried Siomai. Ka Mers is the best! She never fails me to say, 'yummy' hehe. Kumain din kami ng hotdogs. Dirty ice cream at suman. Matakaw ba? Hm, namimiss ko kasi 'to lalo na't malapit na kaming grumaduate.
"Bes, una na ko ha? Walang kasama si Lola sa bahay e. Bye, Love you. Rade ikaw nang bahala dyan a."
Pagpapa alam ni bes sakin, mabait na bata talaga no? Ayaw iwan yung Lola nya at bukas absent sya kasi susunduin nya na si Tita sa Airport.
RADE SANCHEZ
"Ash anong gusto mo?" Tanong ko kay Ashley, mukha kasing may gusto syang sabihin pero nahihiya lang sya, "Don't be shy."
"Uh sa P-play ground tayo?" Asus gusto pala mag laro.
"Tara magpaka saya tayo." Sabay hila ko sa kanya sa may playground malapit lang naman dito yun e, at dun kami lagi naglalaro ni Gabbie ng bata kami. Ang laro namin? Barilan. Tapos iiyak si Gabbie pag natalo ko sya.
"Huy Rade? Bat ka tumatawa?" Nagtatakang tanong ni Ash.
"Wala wala, naaalala ko lang dati umiiyak si Gab pag natatalo ko sa Barilan."
"Gabbie will be Gabbie, ang babaw din ng luha nya. Kaya siguro kami nagkaka sundo."
Nung nakarating kami sa playground swing agad ang unang pinuntahan ni Ashley. Parang bata! But she looks cute, actually.
"Rade, swing tayo tara!" Aya nya sakin.
"Ikaw nalang itutulak nalang kita."
"Tulak? Baka mahulog ako!!"
"Eh kung sakin naman, walang problema!!"
"Ang kulit mo talaga tara na swing na tayo!" I love the way she smiles.
"Uh Rade. Bakit mo nga pala ako kiniss nung Prom?" Tanong nya, "Sorry curious lang ako."
"Wala I find you attractive kasi e."
"Haaaay mysterious ka talaga."
***
ASHLEY CARRACIO
"Bye Rade. Thank you sa pag hatid sakin, ingat ka pala."
"No problem!" Nag wave ako kay Rade hanggang maka alis na sya.
"Naks naman may pa hatid hatid pa si Rade ngayon?"
"Mama, friendly hatid lang naman yon! Para kang ewan."
"Sinasabi ko lang sayo Ashley ha. Hindi porket walang boyfriend hindi ka na sasaya, tandaan mo bata ka pa ha! Ienjoy mo ang pagiging bata mo."
Si Mama talaga yun? Hehe nakaka taouch naman. First time yun ha!
Dahil nasa kwarto na ako kinuha ko yung iTouch ko tapos chinat ko sya..
To: Mama
'Yes ma. Alam ko po yun hindi ako magpapaloko pa.'
Seen: 6:45pm
Seen zoned?! Shit ma! Seriously?
*ting*
Fr: Mama
'Pinaalalahanan lang kita na hindi lahat ng lalaki kilala mo na.'
To: Mama
'Yes ma. Alam ko po 'yun.'
Seen: 6:55pm
Sige na na seen zoned nanaman ako! Hm. Okay na touch ako kay Mama, hindi ko inaasahan yun e. Unexpected kumbaga!
*kring kring kring*
Bwiset! Sino ba 'tong tumatawag?!
'Hello?!'
(...)
'Hay nako kung sino man 'to! Puta wag istorbo tulog ako, bye!'
Then I end the call.. Walanjo natututlog yung tao e! Tsk.
Time check: 1:30 am
Gahd! 1:30 na?! Pucha nakakatakot naman 'yon, tatawag tapos walang sasagot huhu! Paano kung rapist or mamamatay tao pala yun? No, kaylangan ko pang maka graduate..
Napa paranoid na naman ako! Wooooo. Hm, maka inom na nga lang ng gatas tapos kakainin ko yung brownies, nakakagutom din ha.
Bumaba ako at nag punta sa kitchen, feeling ko nga kahit naka pikit kabisado ko na 'tong kitchen namin e! Hehe, nagtimpla na ako ng gatas tapos kumuha ako ng brownies chaka banana bread, dito magaling si Mama sa pag gawa ng banana bread..
"Sarap talaga, shet. Makapag baon nga nito bukas."
Kinakausap ko nanaman ang sarili ko, naaalala ko nanaman yung pagkausap ko sa tanga'ng part ko! Well. Ashley will be Ashley.
"Uwaaaaaaa! Uwaaaaaaaaaa!"
Oh si baby! Umakyat ako sa taas para icheck si Bebe Marie, nakita ko na nagising pala sya base kay Ate na tulog tulog pagod ito!
"Uhhh bebe ko, don't cry. Nandito na si Tita Ninang, hmmmm. Kiss kiss na!"
Tapos tumigil na sya sa pag iyak binaba ko na sya sa crib nya. Lumabas na ako at pumasok sa kwarto puyat nanaman ako at 2am na! Ugh, mga 6am na ako gigising. Para medyo maka bawi.
***
"Ashley 7am na, baka gusto mong tumayo na dyan?!" Tsk! 7am pa lang naman pala e si Mama istorbo..
Okay..
Okay..
OK-?!
"7am na?! Mama ba't di mo ko ginising?!"
"Kanina pa akong 6am tawag ng tawag sayo e, tutulog tulog ka dyan."
"Hinele ko po kaya si Marie kagabi, kasi pago na pagod ang Ate."
Speechless tuloy si Mama! Hehe, kala mo Ma ha..
"Papa hatid mo na ako, pls? Malalate na talaga ako e."
"Oo na sige na kukunin ko lang yung mutor, Madam!" Loko naman 'tong si Papa e.
"Bye Pa, ingat! Pasok na po ako.."
Ang ginawa namin ngayon ay tumanga actually! De, nag practice kami ng pag march namin. So far so good naman. Bukas recollection na, at feeling ko babaha ng luha nanaman..
BINABASA MO ANG
Break Free
RomanceAkala ko sya na. Akala ko sya na yung taong bubuo sa pangarap kong Happy ending. Bu-buhay sa lovelife kong walang saysay. Pero isa rin pala sya sa pinaka matinding sisira nito. Paano ako babangon sa pagkakalubog sa matinding lungkot? At paano kung...