Cyrus' POV
Hanggang ngayon hindi pa rin ako kinakausap ni Sab. Nagkaka-eyebags na nga ako kasi hindi ako makatulog sa gabi. Nagalit ata talaga siya sa akin noong nakipagbalikan ako kay Nadine. Mahal ko pa talaga si Nadine kaya nakipagbalikan ako. Siya na ang lumapit at kusang nag-sorry. Sabi niya rin eh nakipag-break na siya doon kay Henry.
Syempre ako, naniwala naman.
Pero hindi ko talaga kaya na ganito kami ni Sab. Ayaw niya akong kausapin. Minsan nga kinakausap niya ako kaso oo, hindi at mga one word replies lang ang natatanggap ko sa kanya. Minsan naman isang sentence nga kaso binabara niya lang ako.
"Sab, maglalagay ka na ba ng gamit sa locker?"
"Ah etong mga libro ko? Itatapon ko na sa basurahan. Hindi ko ito ilalagay sa locker."
"Sab, sabay tayong umuwi ah..."
"................................................................................"
Tapos umalis na siya.
"Sab, partner tayo sa project sa ELA."
"..............................................................................."
Di ba? Ang sakit kaya niyan. Parang alikabok lang ako na pakalat-kalat dito sa classroom.
"Sab, anong sagot sa assignment sa Math."
"Ewan ko, tanong mo sa syota mo."
Tapos magwa-walkout na naman siya. T_______T Pero ang pinakamasakit sa lahat eh kapag nakikita ko silang dalawa ni Red na magkasama. Masaya sila, tawa pa ng tawa si Sab. Ako na classmate niya na at lahat-lahat andito lang sa tabi at nakaw tingin na lang.
"Honey..."
"Ah. Nadz, andyan ka na pala."
"Yep, sino ba yang tinitingnan mo?"
"Tinitingnan? Wala naman."
Pagtingin ko wala na sina Sab doon sa pwesto nila kanina. Baka umuwi na silang tatlo.
"Shall we go?"
"Sure, hon."
Naglakad na kaming dalawa ni Nadine. Sabi ko nga mag-trike na kami pero maglakad na lang daw kami para magkaroon kami ng quality time with each other.
"Hon, you know Red di ba?"
"Oo, friend ni Sab." Friend nga ba?
"That son of a tipaklong na mabaho! He made my bff Paula cry!"
"What?"
"Yes, hon. He made her cry! I'll make him pay, big time!"
"Nadz, paano mo nasabi yan? Ano bang nangyari?"
"Eh kasi sabi sa akin ni Paula na... na... na niloko siya ni Red! That bastard! He looks like a sweet guy pero iba pala ang ugali niya! Mukha talagang babaero! I don't know why Sabine is hanging out with a guy like that! I bet he'll just make her cry! Alam mo ba why he transferred here? He was rumored to be a gangster! At ang nakakatakot he was a leader of their gang pa daw! Like OMG di ba? Why did our school accept him?"
Hindi na lang ako sumagot. Tumango lang ako. Hindi ko naman akalain na gangster pala yung si Red. Oo nga, mukha talaga siyang babaero at hobby ang magpaiyak ng babae pero ang maging leader ng isang gang? Ang linis ng mokong na yun eh. Mukhang hindi pa marunong makipaglaban.
Kaya noong try-outs namin sa varsity, siniguarado ko na matatalo ang mokong na ito. Hindi pwedeng makapasok sa team namin. Yun nga lang may hidden talent pala si ungas kaya ayun imbes na kami ang manlampaso eh kami ang nalampaso. Mainit na tuloy ang dugo ko kapag nakikita ko siya.
Ang isa pang nakakainis eh nalilink siya kay Sab. Lagi ba naman silang magkasama. Lagi din silang sabay umuuwi. Minsan hinintay ko si Sab sa may kanto ng street nila laking tuwa ko naman nung siya lang mag-isa ang umuwi.
"Sab...."
"Wala dito si Nadine."
"Sab naman..."
Tapos tumakbo na siya papunta sa bahay nila. Susundan ko sana kaso baka malaman ng Mama niya na nag-away kami tapos sasabihin sa dakila kong Tatay tapos papagalitan ako nun panigurado!
Kaya nandito ako sa may classroom namin nakatingin sa malayo. Ang boring naman ng buhay ko ngayon. Bakit kailangang maging ganito? Bestfriend o girlfriend? Anong pipiliin ko? Kailangan ko ba talagang pumili?
"Cyrus! Ui!"
"Hon, ikaw pala. Bawal ka dito ah?"
"Like I care? I want to be with you! I don't care sa mga rules na yan."
"Kinilig naman ako."
"You should be. Hehe. So, what's your plan?"
"Plan? For what?"
"For our anniv! Don't tell me, nakalimutan mo?"
Shit. Nakalimutan ko. Malapit na pala anniv namin. Tagal na rin pala namin. Kapag tumatagal na talaga nakakalimutan na yung mga ganitong bagay. Nawala talaga sa isip ko. Ang dami ko kasing iniisip eh. Aral na din ako ng aral ngayon. Yung Red ba naman eh matalino pala! Na-insecure tuloy ako kaya todo aral na rin ako. Ayoko kayang magpatalo sa ungas na yun!
"Bakit ko naman sasabihin sayo? Syempre secret yun!" tapos nag-smile ako. Hala. Ano naman kayang gagawin ko? Ang arte pa naman nitong si Nadine. Kailangan talaga special ang mangyari.
"I'm sure it's going to be special, right?"
"You bet!"
Oh no.
Oh no.
Patay na.
"Hon?"
"Yes?"
"I wuv you!"
"I wuv you too!" tapos pinisil ko yung cheeks niya.
"Oh great." Tapos pumasok si Sab at Jasmine sa classroom namin.
"My gahd! Gawin ba namang Luneta park ang classroom natin?" sabi ni Jasmine
"Inggit kayo?"
"Bakit naman kami maiinggit? Sab, naiinggit ka ba?"
"Ako? Maiinggit? Omg. I'm so jelling jelling! Ahahahahaha"
"Ahahahaha. Mag live show pa kayo ni Cyrus dito eh. Who cares?"
"Ano ka ba, Jasmine! Ang buong student body lang naman minus one!"
"Make that two! HAHAHAHAHAHA"
Leche. Ang sakit nun ah. Nag walk-out na ako kasi hindi ko kaya yung mga sinabi sa akin nina Jasmine. Hindi ko nga alam kung bakit lagi nang nag-aaway yung tatlong yun.
"Hon, okay ka lang?"
"Oo naman. Sus, yun lang."
"Ay naku. I think this is for the best. Wag mo ng lapitan yang Sabine na yan! Nakita mo na? She's so rude! Bakit mo ba naging bestfriend yun? Isama mo pa yung bestfriend niyang talak ng talak! Simula pa noon, hadlang na sa atin yang Sabine na yan. You know what? I'm really jealous of her kasi lagi mo siyang inaalala. Kahit magkasama tayo walang araw na hindi mo siya ikkwento. Like Sab is ganito, Sab is ganyan. I felt lonely kaya... na-attract ako ni Henry. I'm really sorry..."
Ganun pala yung nangyari? In the end kasalanan ko pa rin pala.
"Hon, mag bestfriend lang kami. Araw-araw ko din namang pinapaalala sayo yun di ba? That's all we'll ever gonna be."
"I know. I trust you kaya lang may mga times talaga na hindi maiiwasan..."
"I love you, okay? Isn't that enough? I'm always with you. I'm yours."
Tapos nag-smile siya.
"I love you, too!"
[A/N: Yay! Thanks for reading! Wag naman kayo magalit kay Cyrus. HAHAHAHA. Update ko na muna bago mag-MLKI ulit. LOL Comment, vote etc! THANKS!]
BINABASA MO ANG
You Belong With Me
Teen FictionNakasulat na sa palad natin na tayo ay nakatakda para sa isa't-isa. Teka. Sa palad ko lang ata?