"Bes!" sigaw niya mula sa malayo. Pa-lapit sa'kin. Tumatakbo. Kumakaway-kaway. Nakangiti pa.
Takte, ano gagawin ko? Kakaway din ba ako? Ngingiti? Putek, hirap ata nito eh!
"Bakit?" tanga ko. Putek, aakalain na naman niya na nagsusungit ka!
Na-iilang siyang tumingin sa'kin, "Ano kasi--.."
"Ano ba! Mag-ingat ka nga! Buti hindi ka sa sahig tumama!" --sa'kin lang.
Clumsy. Hay.
Putek, pigilin mo hininga mo! Maririnig niya kabog ng dibdib mo putek!
Langya, nagpapawis na ako. Ilang segundo ba kaming ganito? Sana may forever at palagi siyang nasa tabi ko.
"Ano kasi Bes," tsaka siya umayos ng tayo. Ano ba 'yan, panira ng moment!
Pero ayos na rin, baka marinig niya kabog ng dibdib ko.
"Sinagot ko na siya. Sinagot ko na siya!" ngiting-ngiti niyang sigaw.
Oh. . . talaga?
"Putek. Ansakit. Kaso ano? Bestfriend lang ako eh!" sigaw ko sa isipan ko.
"Ah, okay." putek, sakit eh.
Nawala ngiti sa labi niya, "Mukhang 'di ka masaya para sa'kin, Bes?"
"Ganito lang ako, sus."
Putek, hala sige! Magdahilan ka!
Tumango-tango siya. Halatang malungkot.
"Patunayan niyong may forever."
Tsaka ako tumalikod.
Alam mo 'yung masakit?
Kahit corny ang dating. . . "Bes, in-love na ata ako sa'yo."