NNP 23 - Confused

138 1 0
                                    

"Sa'yo na naman ang unang tikim!" 

We're eating out in Arbor Farms and when the they served our food, he immediately took a bite my food without letting me picture it first. Magkaiba kami ng order pero paglapag pa lang ng pagkain ko kumuha na s'ya agad sa plato ko! 

D'yan s'ya talaga magaling, sa ilang buwan namin bawat kain namin sa mga restaurant and coffee shop. Ginagawa n'ya 'yan sa'kin, iba ang ooderin pero kumakain ng pagkain ko dahil mas masarap daw tingnan 'yong akin. Ang ending naubos n'ya 'yong pagkain n'ya tapos ang kalahati ng pagkain ko nasa kanya rin.

Sabi n'ya order daw ako ulit, pero nabusog na'ko sa pagtanaw lang sa kanyang inuubos ang food ko. 

Arbor Farms is mainly a vineyard and ornamental garden with a restaurant inside. The place is huge, we used his nmax as we always do when we eat out...bihira n'ya lang gamitin ang car n'ya. Apart from the main restaurant, they also have a open hall and few "payags" for the guest who love a picnic style dinning. 

Nasa isang maliit na payag kami ngayon, may isang maliit na puno sa tabi neto. Nala-L shape ang upuan at may lamesa na gawa sa  kawayan lahat. May mga halaman din sa paligid, parang nasa bukid ka talaga kahit located pa naman sa syudad, sa Toril lang kami. 

Tumawa lang s'ya at kumuha ulit ng pgkain sa plato ko. 

Pagkatapos namin kumain pinakuha na namin agad ang kinainan. Tumayo s'ya at pumunta sa pwesto ko. He hug from behind and let me my back rest to his broad chest. The place is actually nice, this is both our first time here. Sunday ngayon kaya nagyaya s'yang pumasyal. 

Ganito kami lagi kapag weekend, sakay ng motor n'ya. Maglilibot sa buong syudad at magtitingin ng makakainan. 

His weekends are for me, palagi akong naka-abang kasi magkasama ulit kami tuwing weekends.

Mabuti na lang masyadong tao kadalasan nasa open hall. 

We can hug and be sweet without being shy. 

"Naka-usap ko sila Chief noong isang araw." marahan n'yang panimula "Mukhang aalis na naman ako sa San Pedro." 

"Bakit saan ka pupunta?" kinakabahan kong tanong.

Sa Sta. Ana ba s'ya i-aassign? Bakit s'ya ita-transfer ulit ng presinto? Hindi ko mapigilan ng kabahan dahil baka i-assign na naman uli s'ya, baka mas malayo ang lilipatan n'ya. Mas mahirap kaming magkita, baka pati ang weekends na pagkikita namin ay maapektuhan.

Hindi ko mapigilang i-blame ang sarili ko, I made a stupid mistake that's why these things happened to him. Ang mga kaibigan n'ya nasa dating presinto pa rin naka-assign pero s'ya palipat-lipat? 

Humigpit ang kapit ko sa kanya. I feel bad for him, panibagong adjustment na naman ito sa kanya. Should I talk to Daddy about this? Pero kay Kuya pa lang hindi na ako makakapalag. 

"Ililipat ka ba ng mas malayo? Ang unfair naman nila! Ilang beses ka bang ililipat ng presinto ngayong taon? We need to do something about this, Evan! I can talk to Daddy...if you want." lumiit ang boses ko sa huling sinabi, I can talk to my father but...certainly, I cannot make changes. 

Hindi ko mababago ang pasya kahit pakiusapan ko ang ama. 

Hindi na ako mapakali sa kinauupuan unlike him, may tinatago s'yang ngiti. Tinatago n'ya ito gamit ang pagtaas ng kilay habang nakatingin sa ibang direksyon.

What? I glare at him. 

"Aren't you too happy too for the re-assignment? Gusto mong mas mapalayo sa'kin." Malungkot kong sabi. "Kapag na assign ka sa mas malayo, mahihirapan ka ng makabalik sa dating presinto." 

Nakaw Na Pagsinta [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon