Dahan dahan kaming pumasok sa gate ni Mark. Dahan dahan din naming binuksan yung pintuan ng bahay para walang ingay. Pero di kami nakaligtas.
Bumungad agad sa harap namin si Tita Lorie. Halatang galit. Napatingin tuloy ako kay Mark. Nakuu. Patay ako nito.
Tita Lorie: Saan kayo nanggaling?!
Tinignan ko lang si Mark. Natatakot akong sumagot.
Mark: Nagpahangin lang sa labas, Ma.
Tita Lorie: Totoo ba Wendy?!
Sinenyasan ako ni Mark na sumakay nalang ako sa dahilan niya. Kaya sige na nga..
Wendy: Opo. Opo. Naglalakad lakad lang po.
Tita Lorie: Sige. Sa susunod na lalabas kayo, mas agahan niyo naman kesa sa alas otso. Naiintindihan niyo?
Wendy: Opo.
Tita Lorie: Dapat alam niyo yan. Lalo ka na Wendy. Hindi maganda sa isang babae ang gumagala ng ganito kadilim.
Wendy: Opo tita. Pasensya na po.
Tita Lorie: Sige. Magpahinga na kayo.
Sabay naman kaming tumaas ni Mark sa hagdan. Pagdating namin sa second floor kung saan andun ang kwarto niya, pumasok na agad siya sa kwarto niya.
Hindi man lang ako inimik. Nakakainis.
Pero nung pataas na rin ako sa attic, tinawag niya yung pangalan ko.
Mark: Wendy... Salamat.
Mahina niyang sinabi. Nginitian ko lang siya. At isinara na niya ulit yung pinto ng kwarto niya. Ganun lang yun.
--------
Mark's POV
FRIDAY. FRIDAY. FRIDAY.
Malapit na ang monthsary namin ni Ashleen. Kailangan mapaghandaan ko yun. Pupunta ako ng Maynila bukas para hanapin yung tirahan nila. Para rin makapagcelebrate na kami ng monthsary namin ng mas maaga.
Tinignan ko yung phone ko. Nagbabakasali na sana may text na si Ashleen. Pero tulad ng dati, WALA pa rin. Di na ko umaasang magtetext pa siya. At okay lang. Bukas, magkakausap na kaming dalawa.
Kahit masakit, pinilit ko nalang maging masaya. Okay na rin. Kailangan kong maging malakas para sa kanya. Mahal ko eh.
Habang inaayos ko ang sarili ko sa salamin, kinakausap ko ang sarili ko.
"Mark Justin Gemeniano. (Sabay hinga ng malalim) Hindi ka niya iiwan, Okay? Wag kang panghinaan ng loob. Lumayo lang siya dahil gusto lang niya mapagisa pero di ibigsabihin nun, WALA NA. Hindi. Hindi. Hindi. Mahal ka niya."
Pampalakas loob lang. Bahala na. Kumplikado na naman kami. =( Pero mas masakit na yata ngayon.
-----
Sa school.
Naisipan ko na ring magsorry sa barkada sa mga nasabi ko kahapon. Di ko naman sinasadya. Nadala lang ng emosyon. Ako na magbababa ng pride. Okay na yun.
Mark: Guys. Sorry nga pala kahapon ha. Nabigla lang talaga ako. Naiintindihan niyo naman sana ako di ba?
Lumapit sa akin si Paul.
Paul: Oo naman pare. Alam ko, hindi rin madali para sayo yung sitwasyon ni Ashleen. Katunayan nga, kasalanan talaga namin... Dahil oo nga.. Karapatan mo naman talaga malaman yun eh.
Mark: Hayaan niyo na. Tapos na eh. =)
Grace: Ibig sabihin ba nito... Okay na sayo?
Mark: Malapit na ang monthsary namin. =) Mag aanim na buwan na kami.
BINABASA MO ANG
Sa Isang Sulyap Mo
JugendliteraturLove at first sight. Falling for a friend. Break ups. Letting go. Moving On. Hanggang saan ang kaya mo para sa taong mahal mo?