Chapter 7

320 8 0
                                    


Flashback..

"Papaaa." sinalubong ko si papa ng yakap pagdating nya galing trabaho.

"Hijaaa why? You look so tired?" pinaglinis ba naman ako maghapon ni Tita Lyn kahit malinis namn tong bahay pero hindi ko sinasabi kay papa ayoko na dumagdag pa ako sa problema nya.

It's been 1 year nung nawala si mama I'm 19 years old na nakakamiss si mama pero alam kong masaya na sya sa langit wala na syang sakit na nararamdaman.

"Pagod lang po papa sa school." ngiti kong sabi sa kanya.

"Honey anjan kana pala." kahit hindi ako lumingon alam ko na kung kanino galing ang boses na yun.

"Yes honey kakarating ko lang." Pumunta sya kay tita Lyn at hinalikan sya sa pisnge.

Dati ganyan ginagawa ni papa kay mama ngayon sa iba nya na ginagawa hindi ko maiwasan malungkot.

"Let's eat na nagluto ako ng favorite mo." ngiting sabi ni Tita Lyn hindi nya manlang ako binalingan  ng tingin.

"Okay honey." Lumingon sakin si papa at ngumiti." Flaire tawagin mo si ate Yumi sa taas sabihin mo kakain na."

"Opo papa." ngumiti ako sa kanya at akmang aalis ng hinawakan ni tita Lyn ang braso ko.

"Samahan ko na sya may kukunin din ako sa taas." napalunok ako ano na naman ba gagawin nya.

Tumango na lamang si papa at nauna na sya sa dining area.

"Wag na wag kang magsusumbong sa Papa mo Flaire." Bulong nya sakin ngunit halata ang galit nito.

"O-opo tita."

"Hindi lang yan ang kaya kong gawin sayo Flaire kaya tandaan mo sinabi ko"

Hindi ko nalang sya pinansin at pumunta na ako sa kwarto ni ate Yumi pagtingin ko sa likod nakasunod parin pala si Tita Lyn sakin.

Kumatok muna ako sa pagkatok ko ng tatlong beses bumukas na ang pinto bumungad sakin si ate Yumi na bagong gising.

"Sorry ate na storbo yata kita kakain na kasi."

"Okay lang Flaire let's go na I'm hungry na'rin naman." ngiti nyang sabi sakin.

"Hi Mom anjan ka pala." hinalikan ni ate Yumi si tita sa pisnge. Sweet girl kasi tong si ate Yumi.

"Yes baby sabay na tayong bumaba naghihintay na ang daddy nyo." tsk plastic hindi bagay sa kanya na mabait muka syang demonyo.

Until the End (Ongoing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon