Prologue

13 0 0
                                    

Prologue

After I passed the paper for our final exam I excused myself and went to the common room of our school building.

May tiwala naman ako na pasado ko ang finals dahil wala naman akong ginawa kundi ang mag review. Wala akong kaibigan kaya lagi akong nasa library.

Huminga ako ng malalim habang naghuhugas ng kamay. Hinihintay ko lang tumunog ang bell para bumalik sa classroom. Hangga't maaari, ayokong naroon ako habang uwian dahil makaka rinig nanaman ako ng kung ano mula sa mga kaklaseng babae.

Unti-unting napuno ng estudyante ang common room, do'n ko napagpasyahang umalis na at tumambay sa gilid ng room kung saang alam kong hindi dadaanan ng mga kaklase ko. Nang tumunog ang bell, ang naging hudyat para marinig ko ang ingay na nagmumula sa loob ng aming silid aralan.

"Aalis na sila," bulong ko sa sarili ko.

Maya maya pa, narinig ko ang tawanan mula sa grupo ni Marina. "She's really annoying."

Tinignan ko ang black shoes ko. Nag-echo sa aking tainga ang tawanan nila.

Pasalamat nalang ako na hindi ako sinasaktan nang pisikal ng grupo niya. Marina is one of the prettiest girl in our school. She popular and rich. She has a lot of friends kahit na tingin ko ay hindi ganoon kaganda ang ugali niya.

I'm not ugly. I don't know why she's angry at me.

Nakayuko akong bumalik sa classroom at dumeretso sa upuan ko. I sigh as I look at the crumbled papers on my desk. Kinuha ko ang isa at binasa ang nakasulat.

"You cheated."

Ayon ang nakasulat. 'Yon lang ang kaisa isang papel na may sulat, the rest are scratch papers na ginamit kanina during our math exam.

Tinignan ko ang mga kaklase kong natira sa loob ng room. Tinignan din nila ako bago nag-iwas at inayos ang kani-kanilang gamit.

They don't hate me, they don't like me either. I heard it is because I have this "arrogant" air especially every time I look at them.

Kinuha ko ang bag ko at ang mga papel na nagkalat sa desk ko. Itinapon ko 'yon bago lumabas.

Lumunok ako, nahilo sa dami ng mga estudyante sa hallway. Naninikip lagi ang dibdib ko tuwing nasasama sa malaking crowd. I heard a group of girls laughing from afar. Kinuha ko ang cellphone sa bag ko at walang lingon na mabilis umalis.

Nakahinga lang ng maluwag nang nasa parking lot na ako ng school. Sa dulong shed ako nag-aantay kay Mommy. Dito madalas tumatambay ang mga senior high.

Inilagay ko ang earphone sa aking tainga. Nilakasan ko ang volume at nag set ng alarm. Thirty minutes, kung wala pa si Mommy ay magbo-book ako ng cab pauwi.

Gano'n lagi, itetext ko nalang siya kung sakaling naka alis na ako.

As time went by, I felt peaceful. Nakapikit ako habang nakikinig sa tugtog. Dumilat ako ng may maramdamang tao sa paligid.

"You asleep?" Tanong niya.

I know this guy. He's a senior, matangkad, gwapo, basketball player. I heard he's smart too kaya mabenta sa mga babae kahit pa ang mga nasa kolehiyo.

Umiling ako at tinignan ang oras. Ilang minuto nalang.

Tumango siya, lumapit at umupo malapit saakin. Umusog ako at nakatingin ng deretso sa mga paalis na kotse.

Hindi na siya nagsalita, siguro, nag-aantay din ng sundo. Tumunog ang alarm ko, pinatay ko ito at nag-book ng masasakyan.

Nang may tumanggap, nag-text ako kay Mommy.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 10 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Our Summer EscapadesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon