Chapter 36

2.1K 55 12
                                    

Kinabukasan ay sumasakit ang ulo kong pumasok ng opisina, hindi ako nakatulog kaiisip kung paano ko kakausapin si Xevier. Lalo na't alam kong hindi imposibleng mahalungkat 'yung nakaraan.

"Malu." Tawag ko sa secretary ko.

"Yes, ma'am?" Lumapit siya sa akin bitbit ang iPad.

"Clear all my schedules for today," I ordered.

Alangang napatingin sa akin ang sekretarya ko.

"Ma'am, namumutla ka po... May nararamdaman po ba kayo?" Alalang tanong no'ng secretary ko.

Umiling ako, "I'm fine, just clear my schedules."

Mabilis siyang tumango at lumabas ng office ko para i-inform ang ibang empleyado na hindi tuloy ang meeting mamayang 9am.

Tumayo na din ako at mabilis akong napahawak sa pader nang muntik na akong matumba.

Isang linggo na ako dito sa Pilipinas, kaya isang linggo na din akong hindi maayos ang tulog. Dahil kadalasan ay inuuwi ko pa 'yong ibang paper works kapag hindi na talaga kaya dito tapusin sa opisina.

Nang makabawi ako ay tumindig muli ako ng tayo ay pinakalma ang sarili bago tuluyang lumabas ng office.

Pero parang gusto kona agad bumalik sa loob ng opisina, si Xevier, nakikipag usap kay daddy!

Nakatagilid sila sa gawi ko sa di kalayuan kaya hindi nila ako napansin, hindi nila ako napapansin hanggang sa napalingon sa 'kin si daddy.

Kumunot ang noo ni daddy na tinawag ako.

"Kracielle?"

Dahil do'n, pati si Xevier ay napatingin na sa gawi ko.

Isang makatunaw ngiti ang sumilay sa labi niya nang makita ako.

Teka, ano ba itsura ko? hindi ba gulo-gulo 'yung buhok ko o ano?-

"Kung totoong gusto mo siyang kalimutan, huwag kang umiwas, huwag mo siyang iwasan, harapin mo hanggang sa masanay ka at maging normal sa'yo. Dahil habang iniiwasan mo, mas mangungulila ka sa presensya ng isang tao."

Otomatikong nag-recall ang sinabi ni Raizen sa utak ko.

Kaya bumunot ako ng malalim na hininga at taas noong nginitian siya pabalik at nag-lakad palapit sa kanila.

"What's our today? Miss Acedre." Kinilabutan ako sa paraan ng pag-tawag niya sa 'kin.

I mean, normal sa aking matawag akong Ms. Acedre pero sa kanya- nasanay akong Kracielle lang. Iba sa feeling kapag mula sa kan'ya.

"As usual, with a bunch of paper works surrounding me." I mumbled and chuckled.

He also gave me a chuckle as daddy spoke.

"Well then. I'll leave you two now since the girl you're looking for is already here."

Ramdam ko ang init ng mukha ko dahil sa sinabi ni daddy, hinahanap ako ni Xevier?

Nang maiwan na kaming dalawa ay taas noo padin akong humarap sa kan'ya, at siya naman itong umiwas ng tingin.

"May problema, Mr. Mirvalles?" I asked, he's cute.

"Nothing... shall we visit the construction site?"

I nodded to his question while smiling.

Why the heck is he turning red?

You Can't Just Buy Love (MMxMB) - JX Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon