Chapter 8

378 10 0
                                    


Continuation!!

Nagising ako na wala ng liwanag sa labas hindi pa'rin ako pinapalabas sa lugar na'to baka hinahanap nako ni ate Yumi o kaya naman ni Papa.

Hindi ko alam kung ilang oras na'ko tumagal dito sa loob ng bodega basta madilim na sa labas ng magising ako.

"Hijaaa." narinig ko ang boses ni manang.

"M-manang andito p-po ako." pinilit kong tumayo kahit hindi kaya ng katawan ko.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto nakita ko si manang kaya niyakap ko sya agad

"Sorry hija wala akong nagawa." umiiyak na sabi ni manang.

"O-okay lang p-po ako manang."

"Halika na hija ilalabas na kita dito." hinawakan ni manang ang kamay ko akmang ilalabas nya nako ng pinigilan ko sya.

"Wag po manang hayaan nyo po si Tita maglabas sakin d-dito baka po madamay kayo natatakot ako."

"Pero hija baka kung anong mangyari sayo." bakas sa muka ni manang ang pagaalala.

"Wala po m-manang kaya kopo ito."

Magsasalita na sana si manang ng may nagsalita mula sa likod nya.

"Wtf Flaire, anong nangyari sayo?" tumakbo si ate Yumi sakin at hinawakan ang braso ko.

"A-ate." hindi ko na mapigilan ang pagiyak para akong batang umiiyak sa kanya. Niyakap ko sya.

"Who did that to you? Tell me? Who?!" bakas sa kanyang muka ang galit umiling ako ayoko syang madamay.

"Manang sinong gumawa nito kay Flaire? Sino!"

"Ang Mommy mo Yumi." nakita ko ang gulat sa muka ni ate Yumi.

"What? Hindi kayang gawin ni mom to hindi." hindi makapaniwalang sabi nya umiiling pa sya.

"Pero ginawa nya na Yumi." Sabi ni manang pinunasan nya ang pumatak na luha sa kanyang mata.

"Let's go Flaire." alam kong galit si ate Yumi bakas palang sa kanyang boses at sa kanyang muka blanko ito.

"A-ate wag na please." pagmamakaawa ko.

"Nooo! I said let's go!" hinila nya nako ng tulayan kumatok sya ng malakas sa kwarto ni Tita Lyn.

Until the End (Ongoing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon