ASHLEY CARRACIO
5:30am pa lang gising na ako kasi 6:45 sharp kaylangan nasa Simabahan na. Pag dating ko don nakita ko agad si Gabbie ang lakas kasi ng boses e, sa Parish hall pala ang recollection namin. Kaya nasa labas pa kami.
"Hi bes, good morning!" Bati sakin ni Gabbie, bukas nya pa pala susunduin Mommy nya. Akala ko ngayon.
"Uy parang may hinahanap." Dagdag ni Niko, hindi a. Hindi ko hinahanap si..
"Hi Ash."
"Rade!"
"Masyado kang halata Ashley!" Tapos sabay alis ni Niko at Gabbie.
"Bes kayo na dyan ha? Una na kami. Sunond sa taas ha, tandaan mo bata ka pa para sa mga kababalaghan."
"Gago!!"
Naka upo na kami sa harap at ang upo namin..
Georgina - Gabbie - Niko
Kurt - Rade - Ako
Kaya nga lingon ng lingon sa akin si Gab kasi gusto nya akong asarin. Ugh bestfriend ko ba talaga 'to? Unang pina gawa samin ay mag drawing ng 12 things that represents the given color. Then after mass pa namin ibibigay yun sa mga classmates namin. Oh! Sa 'peace be with you' pala yun..
Tapos kumain kami ng Pancit with Puto cake. Heaven! Ang rich kid nga ng school namin e. May pa miryenda pa!!
Sunod non pumasok na si Fr. Edgar. At ang topic? Kaibigan mong inahas ang boyfriend mo. Fr. Edgar be like this,
(Now Playing: Kapag Tumibok ang Puso by Toni Gonzaga)
"Kayo naman ay nasa adolescent stage na. At dyan natin mararanasan yung mga Firsts sa buhay natin, tulad ng 1st Crush! Dyan mo unang makikita yung magpapa tibok ng puso mo. Yung taong tingin nya lang feeling mo matutunaw ka at sasabihin mong, 'pwede na akong mamatay'. Dito mo rin mararanasan ang iyong 1st Date! Yung tipong aayain kang mag date ng Crush mo at ikaw naman ay hindi alam kung ano ang isusuot. At sa sobrang pagmamadali magiging epic ang lahat para sa 'yo."
I love this Priest huh, hindi lahat ng Pari ganito magpa recollection! I thought iiyak ako ngayon. But I think matatawa at makaka relate yata ako.
"Dyan mo din syempre mararanasan yung 1st Heartbreak mo."
"Uhhhhhhhhhhhhhh!!!"
"Masasaktan ka ng sobra at akala mo hindi ka na sasaya pang muli," napapa ngiti na lang ako! "Iiyakan mo sya mula umaga hanggang hapon. At ang dahilan pala ay inahas sya. Inahas sya ng Bestfriend mo para maagaw ang boyfriend mo!"
"Woaaaaaaaaaaaah!!"
"At ang masasabi mo lang sa traydor mong kaibigan ay, 'Tinuring kitang parang kapatid tapos ikaw lang pala ang sisira sa amin. How dare you?' Nagbalat kayo lang pala sya para maagaw ang pinaka mamahal mo. At mapapasabi ka pa ng, 'Ang mga basura talaga naka tadhana sa basura!' At sa tingin mo hindi mo na sya mapapatawad pa!"
"Meron din naman na 1st time nating maba busted, hindi ba? Pag inayawan ka nung una. Madami pang iba dyan, pero pag lahat inayawan ka, nako bigyan mo na sila ng eye glasses. Malabo na 'yon. Malabo na ang mata, dahil hindi makita kung gaano kaganda ang intensyon mo sa kanya."
Tapos binigyan ako ni Rade ng Eye glasses. Kay Gabbie 'to e.
"Bakit?"
"Hindi ka ba nakikinig? Diba sabi ni Fr. Bigyan daw salamin!"
"Ts, Rade ha. Dumadamoves ka!"
***
Nag start na yung mass at lahat kami naka upo na. Nagmimisa na si Fr, at nung pag aalay na dun pala nya kami papaiyakin ng sobra.
BINABASA MO ANG
Break Free
RomanceAkala ko sya na. Akala ko sya na yung taong bubuo sa pangarap kong Happy ending. Bu-buhay sa lovelife kong walang saysay. Pero isa rin pala sya sa pinaka matinding sisira nito. Paano ako babangon sa pagkakalubog sa matinding lungkot? At paano kung...