Chapter 3

165 18 0
                                    

Chapter 3

Kay bilis ng panahon isang linggo nalang at magsisimula na ang klase namin. May nahanap rin na mga bagong empleyado ang amo ko kung kaya naman may kapalit ako ng oras sa pagtatrabaho. Napag-usapan na namin ng bagong empleyado na cashier, na sa hapon ako hanggang sa alas dose ng gabi samantalang siya alas sais sa umaga naman ang pasok.

Day off ko ngayon at nasa bahay lang  gumagawa ng upuan dahil nasira na yung mga upuan dito sa bahay samantalang si Gio naman nagpapahinga at nag-aaral sa loob ng kwarto.

Nang matapos ako sa paggawa ng upuan maging sa mga gawaing bagay saka ko naman kinuha ang ipon ko sa alkansya para bumili ng mga school supplies na magagamit ko sa pasukan. BSHM ang kinuha kong course kaya doble rin ang pag-iingat ko sa pagbabudget ang mahal pa naman ng uniporme ko. Isang malaking binder notebook, tatlong gel pen at isang yellow pad ang nabili ko. Nadaanan ko pa sina Openg, Domeng, at Trio abalang abala sa pagbubuhat ng mga hollow blocks para sa ipapatayong bahay ni Aling Mersing. Sandali lang kami nakapag-usap pagkatapos ay umuwi na din ako sa bahay at nagfacebook nalang muna para mawala ang pagkabagot.

Nadaanan pa ako ni Tiyo sa sala na ngayon ay nakasuot ng formal attire, mukhang may pupuntahan ata siya-- ay este sila. Maging si Tiya ay nakasuot rin ng formal attire, sa palagay ko importante ata ang pupuntahan nila.

"Anak, Kio ikaw na muna ang bahala dito ha?"

"Ah...sige po Tiyo."

"Day off mo ba ngayon ,Kio?" sabat ni tiya habang ang mga mata ay nakatingin sa salamin at tinitignan kung bagay ba sakanya ang kanyang kasuotan.

"Opo, Tiya. Day-off ko po nakahanap na kasi ng pamalit sa dalawang empleyadong naglayas yung amo ko."

"Naku naman! Liliit na naman yang sweldo mo sana man lang nakiusap ka nalang sa amo mo na kaya mo naman gawin ang lahat---"

"Merin, alam mo namang mahirap pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho kapag inilaan niya ang buong oras sa pagtatrabaho mawawalan naman siya ng panahon sa pag-aaral. Atsaka ang payat na ni Kio halata sa katawan na bugbug sarado sa mga gawain ni wala na nga siyang pahinga sa trabaho maging dito pa sa bahay kaya hayaan mo na."

"Bahala siya."

Napairap si Tiya saka nakapamewang na dinuro ang asawa gamit ang luma niyang pamaypay. Palihim akong natawa sa posisyon niya saka tumikhim at isineryoso ang pagmumukha.

"Alam mo namang ang iniisip ko lang ay ang bayarin natin dito sa bahay. Paano na ang tubig, kuryente at tuition ni Gio? Gamitin mo din iyang utak mo paminsan minsan, Elios. Mabuti at hindi nagmana ang pamangkin mo sayo!"

Natahimik si Tiyo at napaupo nalang sa gilid at hindi na sinabayan pa ang galit niyang asawa. Makalipas ng ilang mga minuto nakalabas na si Gio, gaya nila ay nakasuot din siya ng magara. Tinanguhan ko lang siya nang ikaway niya ang kanyang kamay sa aking direksyon. Ang ganda ng ng kanyang kasuotan at ang gwapo niya.

Hindi nakakapagtaka kung bakit marami rami ang nagkakagusto sa kanya sa Manila maging dito na rin sa lugar namin. Pero kahit na marami ang mga dalagang nag-aasam sa atensyon niya alam ko namang si Eva pa rin ang nilalaman ng puso niya kahit na minsan ay hindi siya pinapansin nito. Hindi kasi sila magkasundo sa ibang bagay. Ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon ay tila ayaw pa din makipagbati ni Eva sakanya. Siguro ay nagtatampo.

Umalis rin sila kalaunan sumakay sa magarang kotse na kanina pa pala nakahintay sa labas. Ang sabi ni Tiyo ay inimbitahan sila ng dating amo niya sa kaarawan ng anak nito. Kaya pala may hawak hawak siyang regalo kanina. Biniro pa niya ako na titirahan niya ako ng ulam doon at iuuwi dito sa amin para kahit papaano ay makakain din naman ako ng kinain nila doon. Si Tiyo talaga.

Breathless (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon