On My Way To Tomorrow

8 1 0
                                    

~
Third year college tayo noon. Nagmamadali ako palabas ng cafe sa school nang mabangga kita. May kausap ka sa phone.

"On the way na ako."

Yun yung sabi mo sa kausap mo. Nakayuko ako nun kaya hindi kita nakita. Iniangat ko ang tingin ko para makita ka.

"Uhm... S-sorry." Nahihiyang sabi ko.

"Okay lang." Sabi mo saka ka nagmamadaling umalis, palabas ng school.

Alam mo ba? Sobrang nahiya ako sa'yo nun, para sa akin isa kang unreachable. Varsity player ng basketball team ng school natin. At ako isang hamak na normal at simpleng estudyante lang. Hindi pansinin at hindi mo makikilala kung hindi kita makakasama ng ilang beses. Sabi ko pa sa sarili ko, kakausapin ulit kita para humingi ng dispensa. Nakakahiya kasi talaga, natapunan pa yata kita noon.

Minsan, natiyempuhan kita sa likod ng school sa ilalim ng puno. Mag-isa ka noon. Nilapitan kita para sana mag-sorry, kaso nung malapit kana, hinugot mo yung phone mo sa bulsa mo. Tinapat mo yun sa tenga mo saka mo sinabing.

"On the way na ako."

Sayang, hindi kita nakausap. Pero siguro mahalaga yung pupuntahan mo. Kaya ayun, nagmamadali ka papuntang parking lot. Tinanaw kita habang pinaharurot mo ng takbo yung sports car mo.

Tatlong linggo matapos ang senariong iyon, nakita na naman kita sa ilalim ng puno. Pero, umiiyak ka. Nagtaka ako, kilala ka bilang King of The Jungle sa buong school pero, ngayon nakikita kitang umiiyak. Lumapit ako, sakaling makatulong. Iniabot ko sayo ang panyo ko. Iniangat mo ang tingin mo, kaya naman ngumiti ako. Tinganggihan mo yun. Umupo ako sa tabi mo.

"Peace offering. Ako yung nakabangga mo, three weeks ago. Sa tapat ng cafe." Paliwanag ko. Kaya naman kinuha mo yung panyo. Nahiya ka pa yata nu'n ang cute mo e.

"A-ah alis na ako ha? B-baka kailangan mo ng alone time. Ano, huwag kang mag-alala hindi naman ako gossip girl, hindi ko ipagkakalat." Patayo na ako nu'n. Pero hinawakan mo ang kamay ko. Hindi ko alam kung dahil sa nerbyos o kilig kaya mabilis ang tibok ng puso ko na parang lalabas na sa ribs ko.

"P..p-please s-stay." Ramdam ko ang pagmamakaawa mo kaya naman naupo ako sa tabi mo. Hindi ako umiimik dahil bukod sa hindi ako marunong mag comfort, nahihiya rin ako sayo. Ilang minuto tayong tumagal ng walang nagsasalita, hanggang sa nag-umpisa kang nagkwento.

"I thought magiging okay siya. Halos mag-skip ako sa lahat ng klase ko at practices para mag-stay sa tabi niya. Akala ko magiging ayos siya. Akala ko gagaling siya. I'm always on my way para puntahan siya, akala ko makakasurvive siya. Hindi pala." Nagtataka akong tumingin sayo. May ilan akong tanong pero pinili kong manahimik dahil wala naman ako sa posisyon pas manghimasok kaya hinintay oa kitang mag kwento.

"Si mom. My mom was suffering from ovarian cancer. Stage 2 lang siya last year. I thought mapapagaling siya dahil stage 2 palang naman. Pero hindi. Wala na siya. W-wala na s-si m-mom." Nagulat ako sa mga narinig ko mula sayo. Marahil yung mga beses na nakita kitang may kausap sa phone ay pupunta kang ospital.

"U-uhm s-sorry." Paghingi ko ng paumanhin pero tumawa ka at tinignan ako.

"Hindi naman ikaw yung cancer cells eh. Ba't ka nagsosorry?"

"A-ah. Hehehe."

"Pasensya ka na ha? Parang sasabog kasi ako kapag wala akong pagsasabihan."

"Ano, okay lang. Ako si Audrey. Pasensya ka na alam kong kailangan mo pa ng kasama kaya lang may klase pa ako. Sorry mauuna na ako. Magiging okay rin ang lahat, Amiel."

On My Way To TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon