CHAPTER FIVE: Meeting Him

12 0 0
                                    

Tyrone's POV


Ngayon ang pagsali sa mga organizations. Ayokong sumali wala naman akong gagawin sa mga yun eh.


"Sali tayo sa Music Theater" sabi ni Jasper. Second section sya dati. Matalino kaya napalipat sa section namin. Medyo masungit pero tropa naman kami.


"Ayoko. Wala naman akong hilig sa mga ganyan eh."


Pero dahil pinilit din ng iba kong katropa, yun napasali ako ng wala sa oras. Hindi pa naman simula kaya dito muna kami sa room.


Kanina ko pa iniisip yung bbae na nakabunggo ko. Chelsea ata pangalan nya. I want her to be my friend. She's pretty. She looks kind as well.


I went to her. Mukhang naramdaman nya ang presence ko kaya she looks at me.


"Oh Tyrone. May kailangan ka?"


"Uhhmm... Wala naman. Gusto lang ki—"


"Tyrone! Halika tawag ka ni Emy. Yieee" Panira naman si Floyd oh. Nakikipagkaibigan na lang eh mangiistorbo pa. Tsk.


"Chelsea, wait lang ha." Tapos nakita ko syang tumango. Bumalik ako dun sa upuan namin. Andoon kasi sila tapos nakita ko si Emy.


"Bakit?!" Iritable kong tanong. Simula kasi nung pasukan lagi na lang akong kinakausap. Don't get me wrong. Hindi naman sa ayoko syang kausap kaso sobrang daldal. -_-


"Wala naman." Pacute. Psshhh. Di bagay.


Nagusap usap na lang uli sila. Babalikan ko sana si Chelsea para ituloy ang sasabihin ko kaso nakaalis na naman. Bad trip!


Maya maya ay umalis na din kami papunta sa Music Theater. Naghanap kami ng upuan tapos nagsisimula na yung audition. Dito pala sumali si Chelsea at yung kaibigan nyang Sofia.


I can say that they have talents. Magaling din silang kumanta. Nakatapos na ako tapos pinakalast ay si Jam.


"Ok. Thank you sa lahat. We'll just post sa bullerin board kung sino yung mga nakapasok."


Umalis na kami. Nakita ko si Chelsea pauwi na. Sinundan ko sya para sabihin sana yung hindi natuloy kanina. Gugulatin ko sana sya kaso...


"Achooooooo!" May bumahing sa likod ko. Hindi ko na sya magugulat. She saw me. I smiled at her.


"Ikaw pala yan Tyrone. Kanina ko pa kasi nafefeel na may sumusunod ikaw lang pala ^_^"


"Ah.. ehh.. uhmm.. ..."


"Bakit?"


"Uhmm. G-gusto k-ko l-lang ka-kasing ma-ma-kipag-f-friends." Ambading. Ba't ba ako nauutal? Nakikipagkaibigan lang naman?

Fairy Tales Do Come TrueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon