Tayuman Station : I

25 0 0
                                    

I.


Malumanay, Mahinahon.

Unti-unting nang lumulubog ang araw.

Parang isang empliyadong nang-hihina sa sobrang pagod sa maghapon.

Dahan dahang humihiga sa malambot na kama ng kawalan.

Tulad ko, tulad nila.


Tulad ni manong na galing sa maalikabok na construction site.

Tulad ni ate na bakas sa mata ang pressure sa eskwela.

Kagaya ng karamihan ng tao na nakapila dito...

...sa Tayuman Station.


Naghihintay sa susunod na tren.

Naghihintay sa susunod na mangyayare.

Umaasa sa maluwag na masasakyan.

Umaasa sa wala.

Tulad ko, tulad nila.


Araw araw kong nakikita ang ganitong eksena 'pag pauwi ako galing sa trabaho.

Minsan na-imagine ko na parang isang higanteng LRT Station ang buhay ng tao.


Minsan lalagpasan ka ng mga tren, kasi puno na.

Nakaka-dismaya sa una pero mari-realize mo na, meron pa namang dadating na iba.


Minsan naman, hihinto ang pagkakataon sa harap mo, kaso siksikan ang mga tao at medyo choosy ka pa kaya mauunahan ka ng iba.

Tapos, maiisip mo na sayang pala.

Sayang.


Pero laging may naka-reserbang lugar at panahon para sa mga taong matiyagang naghihintay.

Tulad ng pag-ibig, tulad ng tren...

Tulad nito, hindi ko na papalagpasin 'to.

Sasakay na'ko.

Tayuman StationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon