"what the hell are you doing there?" our class president asked, looking down to my feet up to my head.
"ano pa nga ba? edi nakatayo... parusa nanaman ah malamang" umirap ako tsaka inayos ang pagtayo
"late ka nanaman?" natawa niyang tanong
"hindi lang ako, pati si eunice kamo" sabi ko tsaka tinuro si eunice sa tapat ko na nasa kabilang side ng room na halos katapat ko lang
"Mr. Angelo" pagtawag ng aming guro kaya lahat sila ay napalingon sa likod
agad namang natahimik si pres. kasi hindi niya akalain na nandon na pala si prof. kadi sa harap.
nagpigil lang ako ng tawa habang nakatingin sa ibaba. patatayuin din toh panigurado
"pano ba yan? tatlo na tayong tatayo" bulong na pang-aasar ko sa kaniya.
"take a sit" utos ni prof. sa kaniya
nagulat ako at nawala ang ngiti sa bibig nang marinig ko ang sinabi ni ms. kadi sa kaniya.
tumingin ako kay ma'am tsaka kay gelo na nakatingin din sa akin. bigla niyang nilabas ang dila niya bilang pang-aasar.
umupo siya sa harap katabi ng bintana habang nagpipigil ng tawa.
biased ampot--
mahigit anim na minuto na kaming nakatayo ni eunice at nangangatog na agad ang mga paa ko.
walang hiya kasi tong bakulaw na toh, charr
lagi na lang siyang galit sa mundo bakit hindi na lang siya lumipat sa jupiter nang maka-engkwentro niya mga kaibigan niya doon.
sana nga pagkatapos ng klase ko kay ms. kadi hindi ako madatnan ni jeonghan na nakatayo dito.
buti nga late lang ako eh pano pa kaya kung umabsent ako sa klase niya edi mas malala parusa ko kesa dito.
tahimik lang kaming nakatayo ni eunice habang nakikinig ng mabuti. bigla na lang kami nagtinginan ni eunice sa isa't isa at iniwas din agad at nagpigil ng tawa.
ilang minuto din ang nakalipas at nakita ko si jeonghan sa gilid ko na dumaan papasok sa loob.
nakatayo ako malapit sa pintuan sa likod kung saan doon dumaan si jeonghan.
shet sabi na eh...
patapos na kasi ang klase namin kay ms. kadi at sunod naman si jeonghan na magtuturo sa amin.
hanggang ngayon hindi niya pa rin ako napapansin na nakatayo. pinapanood ko lang ang likod niya nang humila siya ng isang upuan upang doon umupo.
agad akong umiwas ng tingin at nadako ang tingin ko kay eunice na nakatikom ang bibig na parang inaasar ako dahil kay jeonghan.
tumayo ako ng tuwid at tumingin na lang sa harap para hindi ko makita si jeonghan na ngayon ay nakatingin na sa akin.
pano ba toh? gusto kong magtago para hindi niya ako makita.
pwede bang ilipat niyo ako sa hindi ko nakikita si jeonghan? hindi ako makafocus sa lesson eh
lumunok muna ako bago lumingon sa kaniya ng pasikreto pero huli na nang makita ko siya na nakatitig sa akin.
TANGINA!? PWEDE BANG HIPAN NA LANG AKO NG HANGIN PARA MAGVANISH AGAD AKO DITO?
tumayo ng kaunti si jeonghan at inayos ang upuan at tumapat sa akin.
ngayon ay nakaharap na siya sakin habang nakakros ang mga kamay niya sa dibdib niya.
pinagpawisan ako agad....
ayaw akong nadadatnan ni jeonghan na may parusa na lang palagi sa tuwing siya na ang susunod na magtuturo pero anong bago, mainit ang ulo sakin ng teacher na toh eh.
di ako mapakali...
hindi ako makatingin sa kaniya ng derekta sa mata...
gusto ko nang umupo at magtago para makaiwas sa mga titig niya...
umusog ako ng kaunti paharap para tapatan ang isang kaklase ko.
tumingin ulit ako kay eunice at tinuturo niya si jeonghan na pahanggang ngayon ay nasa akin pa rin ang tingin.
pwede bang tapusin na agad etong lesson para makaupo na kaming dalawa.
pero teka!! ayokong asarin ako ni eunice about kay jeonghan *cries in pabebe way*
dalawang minuto ang nakalipas at buti naman nadismiss na ang klase...
nakita ko si jeonghan na tumayo na agad para pumunta sa harap.
may lagnat siya di ba? bakit kailangan niya pang magturo?
paano kung mabinat siya tapos babalik nanaman lagnat niya? hirap niya kayang alagaan, napakakulit. hindi siya sumusunod sa alituntunin ko bilang girlfriend niya.
"you two can sit down" utos niya tsaka tinuro kaming dalawa.
pumunta na ako sa upuan ko at si eunice naman ay tumatakbo papunta sa akin para tabihan ako.
kinalabit niya ang braso ko pero hindi ko siya nilingon.
"hoy pakipot mo naman" asar niya
busy si jeonghan sa pag-aayos ng mga gamit sa harap kaya pwede pang makipag-usap.
lumingon ako sa kaniya na nakakunot ang noo na kunwari ay naaasar ako.
"porke nandyan si prof. yoon--" tinakpan ko agad ang bibig niya para hindi niya ituloy ang sasabihin niya.
"subukan mo lang, tatadyakan ko puson mo" banta ko sa kaniya pero syempre biro lang yon.
inalis ko ang kamay ko sa bibig niya at inirapan lang ako.
nagsimula ng magdiscuss si prof. yoon at nakikinig naman kaming lahat sa kaniya.
naa-out focus ako sa lesson kasi nakatitig lang ako sa kaniya.
bakit ang pogi niya?
naalis lang ako sa walang kwentang iniisip ko nang marinig ko ang pangalan ko mula sa harap.
tinatawag ako ni jeonghan.
"ms. salazar, would you mind if you answer this question?" nakatingin lahat ng mga kaklase ko sa akin kaya marahan akong tumayo at naglakad papunta sa harap para sagutin ang nakasulat sa white board.
kinuha ko mula sa kamay niya ang pentelpen at binuksan ito para isulat ang sagot sa board.
habang sinusulat ko ang sagot, bigla siyang umubo at bumulong....
"sa office ko mamaya" bulong niya at humarap sa mga estudyante niya para tignan kung may nakapansin ba pagkatapos niya akong bulungan.
hindi agad ako nakafocus sa sinasagot ko pero tinapos ko pa rin ito. buti naman at tama ang sagot ko pagkatapos niya akong pakabahin.
bumalik na agad ako sa upuan ko at nahuli ko si eunice na nakangiti sa akin.
nang-aasar nanaman siya kasi hindi siya makapaniwala sa nalaman niya.
"favoritism ha" bulong niya tsaka tumawa ng tahimik.
baliw ata itong kaibigan ko
YOU ARE READING
Professor's Secret Relationship
FanfictionA story wherein jeonghan and a social filo reader na makulit, pasaway at maalaga na estudyante ay girlfriend ng isang teacher na si jeonghan. Kayanin kaya ng guro ang kakulitan ng estudyante na ito?.... Started: 06-04-22 End: 00-00-00