Chapter 25: Memories.

834 49 37
                                    

A/N: Sorry guys, nahack tong wattpad account ko. Ngayon ko lang naayos. Kung sino ka mang nagpalit ng pass ko. GodBless you.
~~~~~~~~~~~

Miguel Pov:

"Kuya sigurado kana ba diyan sa desisyon mo? Aalis kana?" malungkot na sabi ni Barbie. Nandito kami ngayon sa airport.

"Oo. Kailangan ko tong gawin eh." Nagdadalawang isip parin ako kung itutuloy ko ba ito o hindi eh.

"Eh Kuya pano si Ate Bianca at Ate Bea? Iiwan mo nalang sila? Tyaka pati na rin yung issue kay Kuya Luigi? Paano na?" Worried na sabi ni Barbie sakin. Alam niya na kasi ang lahat nung una palang.

"Kailangan ko tong gawin Barbie." Sh*t! Ang hirap magdesisyon. :3

"Kuya? Ano ba kasing plano mo?"

"Basta. Basta, hintayin mo nalang tawag ko. Aalis na yung eroplano baka maiwan pa ako. Bye." Madiin kong sabi na pinanlumo naman niya. Naglakad na rin ako patungong loob.

Linihim ko ang pag alis ko. Si Mom na ang nag asikaso ng lahat sa school para makalipat ako ng school.

Tanong pa nga siya ng tanong kung ano ba daw ang nangyari. Tyaka nabanggit niya rin yung tungkol sa pagbalik dito ni Bea.

Wala naman silang nakuhang sagot sa akin. Magulo parin kasi yung utak ko.

Sana tama tong desisyon ko.

Fast forward:

Nakarating na ako dito sa America. Grabe! Ang lamig talaga. Nandito ako ngayon sa kwarto ko.

Naglibot libot ako pero naisip kong tawagan muna si Bea para makibalita sa nangyayari ngayon sa Pilipinas. Pinasubaybayan ko rin si Bianca sa kanya.

Kamusta na kaya yun? Miss na miss ko na pagsusungit niya. Hayyts. I couldn't imagine na masasaktan ko siya.

"Hello? Hello Kuya? Ikaw ba to?!!!" Tanong sa akin sa kabilang linya.

"Oo. Kamusta diyan?" Sabi ko sa kanya na sobrang nananabik na malaman yung balita.

"KUYAAA! OMUGOSH! KUYA! ANO! SI ATE BIANCA! ANO EH. HALA KUYA. SI ATE BIANCA MY GOD!!!" Sigaw niya sa akin. Medyo linayo ko onti yung phone sa tenga ko. Ang lakas kasi ng boses niya eh. Pero kinabahan ako. Anong nangyari sa kanya? Damn. Napahamak ba siya?

"Anong nangyari kay Bianca? Tell me Barbie? Anooo?" worried kung sabi. Ayts. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung sakaling may mangyari na masama sa kanya.

"KUYAAA! MY GOD! GANUN PALA SIYA. MY GOD KUYA!!" Nainis naman ako kasi marami pa siyang paligoy ligoy. Kinakabahan at di na ako mapakali dito.

"ANO NGA?! JUST BE STRAIGHT FORWARD OKAY? MAY NANGYARI BA SA KANYA?!!! ANONG GANUN? ANO BARBIE?!" Tinaasan ko na siya ng boses. Kaasar kasi eh.

"Kuya? Oa lang? Walang nangyari sa kanya. I mean, ganun pala yung ugali niya? Kuya. Madalas siyang makipag away dito pero nakikita kong palaging mugto yung mata niya. Kuya. Umuwi kana. Hindi mo maaayos yung problema kapag tinatakbuhan mo ito." sabi niya sa akin. Nawala yung kabang naramdaman ko pero worried parin ako.

Lagi siyang nakikipag away? Laging mugto ang mata? Sh*t. Ano ba tong nagawa ko.

"Eh si Bea? May balita ka ba sa kanya? Kay Luigi?" Tanong ko ulit. Simula kasi nung umalis ako wala na akong naging balita sa kanila.

"Ahm kuya, never ko ng nakita si Ate Bea eh. Pero si Luigi.. laging kasama si Ate Bianca." Parang may halong inis at lungkot nung sinabi niya yun.

"Panong kasama?" Akala ko galit din siya kay Luigi? Ano na bang nangyayari?

"Ewan ko Kuya eh. Sorry ah. Hindi naman kasi ako makapasok sa school mo." Tama siya, hindi niya kayang sabihin lahat sakin kasi home schooling siya.

"Sige Barbie. Mamaya nalang tayo mag usap. Bye na. Salamat. " Sabi ko nalang.

"Okay Byeee Kuya." at pinatay niya na ang tawag.

Hinilot ko naman ang noo ko, feeling ko hindi tama ang desisyon ko.

Naglakad ako dito sa bahay na binili no Dad at Mom. Napadpad ako sa isang bodega.

Panay mga lumang gamit. Maraming lumang gamit pero isa lang ang nakatawag pansin sa akin.

Isang larawan ng batang lalaking bulag. Teka? Parang nakita ko na to ah.

Pinilit kong alalahanin kung sino tong batang to at ng maalala ko na biglang lumakas ang tibok ng puso ko.

Sumakit ang ulo ko at unti unti kong naalala ang lahat.

Unti unting bumalik ang ala ala ko.

Teka? Ako si Miggy? Ako at siya ay iisa?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Art Of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon