A/N : Short update ig, siningit ko lang talaga 'to kahit sobrang busy ko ngayong buwan sunod sunod ang pt at report na pinapagawa sa'min.
Goodluck sa'tin, laban lang alaxan!
-
"Dalian mo!" sigaw ko sa kaibigan kong ang bagal tumakbo, late na kami sa first subject namin.
Kasalanan n'ya talaga 'to, napuyat kakanood ng bl. Nagpa-intay pa ang gaga, ang bagal n'ya gumalaw kaya ito kami ngayon tumatakbo sa hallway.
Buti na lang talaga walang naglilibot na officers dito sa campus ku'ndi lagot kaming dalawa.
"T-teka beh, piste nakakapagod." hinihingal na sagot nito at huminto sa kakatakbo.
Bumuntong hininga ako at huminto sa paglalakad, hindi naman siguro magagalit ang professor namin at pag sasabihan lang kami dahil late kami.
"Okay kana? Baka gusto mong dito na lang tayo forever, wag na tayong mag-aral." sarkastikong saad ko na ikinantuso niya.
"Tara na nga! Ang sabi ko pahinga lang duh. Gusto ko pa maging engineer." mataray na asik n'ya at hinila na ako papuntang classroom.
Sana naman talaga hindi magalit ang propesora namin kung sino man siya.
Nakarating kami sa tapat ng classroom, nakasarado ang pinto kaya nagtuturuan kami kung sino ang may lakas loob na kumatok.
"Ikaw na, daanin mo na lang d'yan sa kulay ng mata mo beh. Maganda ka naman, kindatan malay mo hindi tayo pagalitan." pamimilit ni Jesa sa'kin.
Napailing na lang ako dahil, lagi niya namang sinasabi yan. She always saying na nadadaan ko sa asul na mata ko ang mga tao at lalo na daw kuno sa kagandahan ko na hindi ko naman makita pag naka harap ako sa salamin.
Parang normal lang, may mata, ilong at bibig.
Huminga muna ako ng malalim bago kumatok, huwag naman sanang gurang na masyadong strict. Ayoko makarinig ng rap, ang tinatanggap ko lang na rapper ay ang nanay ko.
Dahan dahang bumukas ang pintuan, ang iniluwa ang magandang babae. She's wearing a white sleeves and pencil skirt na sobrang hapit sa katawan niya.
Ang hot!
Parang sisipagin akong pumasok araw araw kung ganito kaganda at sexy ang propesora na bubungad sa iyo.
Bago ata siya rito dahil ngayon ko lang s'ya nakita rito.
Napalunok ako ng dumako ang tingin ko sa mala diyosa nitong mukha na malamig ang pinupukol na tingin sa'kin, parang hinahalukay ang buong pagkatao ko.
Baka nilalait na ako nito ah.
"You're both late, this is just a second week of a semester. You immediately paralyze your laziness." she said firmly while her piercing eyes are stuck on me.
Shala! Sungit pala, wag na lang pala. Binabawi ko na ang kaninang nasa isip ko, huwag na lang pumasok kada umaga ang ganda niya pero masungit naman.
Umiwas ako ng tingin dahil para akong nasusunog sa tingin niya.
Hala beh, baka napapangitan sa'kin ateng propesora.
"Miss, I apologize. Traffic lang po talaga at hindi na po mauulit." pagpapaumanhin ko at yumuko.
Nakakashokot siya mga sismars.
"Get inside and suits yourself." she authoritatively said, mabilis ang paggalaw namin at pumasok na sa loob baka bugahan na talaga kami ng apoy ni Ma'am sungit.
May dalaw ata ang siste tapos sa'min pa binubuntong.
Sa likod kami pumwesto, ang raming bakante sa harap pero ayoko du'n baka ako lang ang makita niya at pag initan ng ulo.
YOU ARE READING
Pleasing My Obsession ( ON HOLD )
Romance"When you come into my life don't expect that, you can still get out. You have taken my sanity, baby, and I will kill and sacrifice my life for you." -Samira Syndra Louvery