Unedited. May contain typographical and grammatical errors.
A little warning: SPG
__
SABADO, nagising si Diwata dahil sa mga hiyaw at sigaw ng mga kabayo sa labas. Pagkatingin niya sa orasan ay mag-a-alas diyes na ng umaga. She felt so tired last night dahil nag-review siya para sa buong exams for next week.
Nakadapa siya sa kama na siya lang mag-isa. Expected kasi morning person si Sir Levi. Nagigising ito ng alas singko para mag-exercise o maglaro ng golf kapag weekends.
Bumangon na siya. Tinupi ang kanyang kumot. May kumatok sa pinto na agad naman niyang pinapasok. Bumukas ito at naglakad si Ate Nika na may dalang basket.
"Good morning, ma'am."
"Good morning po," mahina niyang sagot. Napasulyap ang katulong sa suot niyang malaking pajamas at malaking t-shirt.
"Pinapasabi pala ni Miguel na utos ni Sir Levi na papababain kayo pagkagising ninyo. Sasakay siguro kayo ni Sir Levi ng kabayo. Nasa lawn sila ngayon, ma'am."
"Sige po." Dumiretso siya sa wardrobe para kumuha ng tuwalya.
Medyo nabuhayan siya ng loob sa sinabi ni Ate Nika. Kabayo? She had never riden a horse before. Minsan niyang nakikita ang mga kabayo sa Costa Alegre at ang gaganda ng mga ito.
May kwadra rin ang mansyon na nasa likod. Mga kabayo yata na personal na pinagmamay-arian ni Sir Levi.
May sinabi si Ate Nika na kukunin nito ang mga labahan kaya tumango lamang siya.
Pagkatapos maligo ay nagbihis siya ng fitted jeans. Wala siyang polo or anything kaya 'yong sleeveless shirt na kulay light brown ang sinuot niya. She inserted the hem inside her jeans. Hapit na hapit 'yon sa kanyang katawan.
Bumalik si Ate Nika na kanina ay lumabas na pagkalabas niya sa banyo. Ito ang gumagawa ng kanyang buhok. Sumasagabal kasi talaga ang buhok niya kapag hindi braided.
"Salamat po, Ate," sabi niya rito. Nasa harapan na sila ng salamin habang siya ay naglalagay ng kaunting liptint at cheek tint.
Nang matapos si Ate Nika ay agad naman siyang bumaba. Sabay silang dalawa. Naka-flats sandals siya pero naghihintay si Miguel sa kanya sa baba na may dalang combat boots. Ito ang pinasuot ni Miguel sa kanya na agad naman niyang sinunod. Utos daw ni Sir Levi.
"Good morning, ma'am. Ganda natin as always, ma'am a."
"Bolero ka kahit kailan, Miguel." Kahit hindi naman kasi para lang may masabi si Miguel.
"Totoo 'yon, ma'am."
Inayos niya ang pagkakasuot at sumunod kay Miguel papatahak sa malaki at malawak na lawn ng mansyon. May golf course din na nakapalibot dito na may lake. Malawak talaga ang lupain ng mga Verdejo kahit dito sa manor. Hindi mailalarawan ng simpleng salita lamang.
Sa hindi nasisinagan ng araw ay nandoon ang outdoor couches nila Sir Levi na inuupuan ni Madam Katarina at Alyana.
"Good morning po!" magiliw niyang bati sa mga ito nang makadaan siya. Wala siyang pakialam kahit hindi sumagot ang mga ito. Parati naman. Ang mga ito lang ang may problema sa kanya. Hindi na niya kasalanan kung buong araw ang mga galit nito.
Sa gitna ng lawn ay nandoon si Sir Levi hinahaplos ang kabayo na sinakyan nito kanina nang papalakad pa lamang siya. Ngayon ay nakababa na ito.
He was only wearing simple white t-shirt and a maong pants paired with his boots. Ganoon pa man, namamangha pa rin siya sa kung gaano ka-sexy ang lalaki kahit sa simpleng pananamit.
BINABASA MO ANG
Heartless Enchantment (Hacienda Alegre Series #4)
RomanceHacienda Alegre Series 4 -Lessandro Vincent Verdejo||Matured Contents Si Levi Verdejo ay ang tagapagmana at nagma-may-ari ng isa sa napakagandang hacienda sa Visayas. After a traumatizing heartbreak, he was afraid to commit to a relationship again...