c h a p t e r - t e n

394 15 13
                                    

Kinse minuto palang na nagd-discuss si prof. jeonghan at nakikita ko sa kaniya na medyo nahihirapan siya.

medyo may sinat pa siya pero sinusubukan niya pa ring magturo.

nakatitig lang ako sa kaniya dahil nag-aalala na ako ng sobra.

medyo malapit naman na matapos yung klase namin sa kaniya kaya nagtaas ako ng kamay para kunin ang atensyon niya.

"sir?" tawag ko tsaka tumayo. tinaasan niya lang ako ng kilay at binaba ang pentelpen sa mesa tsaka pinatong ng tuwid ang mga kamay niya sa ibabaw.

"pwede po mag cr? may ano lang po, diarrhea" palusot ko pero ang totoo, sa office niya talaga ako pupunta para salubungin na siya doon.

"okay, go now" mahina nyang sinabi pero rinig ko pa rin

ilang minuto na lang naman ay matatapos na ang klase kaya lumabas na ako agad para dumeretso sa opisina niya.

hinintay ko munang dumaan yung mga estudyante sa hallway malapit sa opisina ni jeonghan para naman walang makakita sa akin at baka pagkamalan pa akong magnanakaw.

nang makaalis na ang ibang estudyante sa hallway, mabilis akong naglakad papunta sa opisina niya at binuksan ang pinto at agad na pumasok tsaka sinara ulit ito.

bumuntong hininga ako bilang pagtagumpay sa ginawa ko

*maniacal laughter*

umupo muna ako sa swivel chair niya at hinintay ang pagpasok niya.

mahigit limang minuto din akong naghintay sa kaniya siguro nagtataka na yun dahil wala pa ako sa klase.

di naman yun magagalit, may rason naman ako.

habang nagpapahinga ako sa upuan niya, biglang bumukas ang pinto at napatayo ako agad.

pumasok si jeonghan at sinara ang pinto. humarap siya sa direksyon ko at nakita ako. bakas sa mga mata niya ang gulat, siguro dahil minsan lang siya makakita ng mala anghel na mukha gaya ko.

"what are you doing here? akala ko ba magbabanyo ka?" tanong niya tsaka naglakad palapit sa akin.

umalis ako sa upuan at hinawakan ang braso niya at hinila siya para paupuin sa upuan niya.

"di ba pinapapunta mo ako sa opisina mo? bakit parang binabawi mo na?" hinila ko yung upuan mula sa harap ng mesa niya at tinabi sa kaniya

"pero pagkatapos ng klase ko dapat pupunta ka dito hindi ko sinabing mauna ka sa akin" sabat niya pa

"shhhh, pahinga ka na lang" kinuha ko ulit yung blazer niya na nakasabit sa likod ng upuan niya tsaka ito ginawang kumot para sa kaniya.

"dapat nagpa-vacant ka na lang sa subject mo, eh hindi ka pa naman gumagaling" hinipo ko ang noo niya

"tignan mo may sinat ka pa" tumayo ako pero hinila niya ang kamay ko na agad naman akong napalingon sa kaniya.

"san ka pupunta?" tanong niya, hindi pa rin binibitawan ang kamay ko

"kukuha ako tubig mo. bakit akala mo aalis agad ako?" marahan niyang binitawan ang kamay ko.

kumuha ako ng tubig niya mula sa water despenser at binigay ito sa kaniya para inumin.

sige nga subukan mo ngang nguyain yung tubig -_-

"ayoko magpa-vacant dahil ayokong may napuputol na lesson sa subject ko" binaba niya yung baso pagkatapos niyang uminom.

tumingin siya sa akin. tumayo naman ako at tumayo sa likod niya bago nilagay ang mga daliri ko sa gilid ng noo niya.

dahan-dahan ko itong hinilot para marelax naman siya kahit papaano.

Professor's Secret RelationshipWhere stories live. Discover now