(AMIAH'S)
Nagising ako kasi parang nakakaramdam ako ng gutom, tsaka ko pa naalala na hindi pala ako kumain kagabi. Medyo masakit lang yung ulo ko kaya dahan dahan nalang muna akong bumangon, tapos tumunganga muna para akong nahihilo umay madilim pa. Tanging liwanag lang ng buwan ang nagbibigay liwanag rito.
Tapos nang medyo okay na kinapa ko yung phone ko buti naman nandito, nang mabuksan ko ay ang daming message nina mama at Amelia lagot, nireplyan ko nalang rin para di na sila mag alala bukas ay madaling araw na pala. 3 am siguro pagkatapos kong kumain babalik nalang muna ako sa pagtulog, wala akong ganang pumasok sa office tsaka tapos ko na rin naman yung mga design si Boss Mawi nalang ang magpasa nun.
Pagkatapos kong magreply kina mama ay dahan dahan na'kong bumangon at ginawang ilaw yung phone ko, papailawin ko lang yung ilaw rito ayoko ng madilim marami akong nakikitang hindi maganda pfft. Nang makapa ko na yung switch at ini-on ko na, tapos ganun nalang ang gulat ko nang makita si Theon na mahimbing na natutulog sa couch.
Bakit hindi siya natulog dun sa kabila? Wala pa talaga siyang kumot naka cross arms lang siyang natutulog, hay nako naman oo. Lumakad nalang ako pabalik sa higaan at kinuha yung kumot ko tsaka ikinumot sa kaniya. Nang natitigan ko si Theon naalala ko si Gael yung nasa kwarto ko siya hayys naman Miah uso mag move on.
Bago ako lumabas ay pinatay ko na ulit yung ilaw para di masilawan si Theon. Nang makalabas ay dumiretso agad ako sa kusina, siguro nilagay ni Theon yung dala niyang pagkain kagabi sa ref initin ko nalang nagugutom na talaga ako.
Pagbukas ko sa ref ay mapapa wow nalang ako, sobrang ayos ng mga laman hindi makalat. As in naka arrange talaga, pagkatapos kong titigan ang laman ng ref ay kinuha ko na yung pagkain na nakalagay sa tuppeware at binuksan, sinabawang karne ng baboy pala, siya kaya nagluto nito?
Tama lang to sa'kin para naman mahimasmasan ako hayys beer pa kasi noh. Habang iniinit ko yung sabaw ay umupo muna ako pero ngayon ko lang napansin ang suot ko.
"S-sinong nagbihis sa'kin?!"
Naka white long sleeve lang ako jusko yung legs ko kitang kita, pero legs lang naman buti yung bra ko andito pa, hindi naman siguro si Theon ang nagpalit ng damit noh? Tangvna ang init ng mukha ko, tumigil ka nga Miah iba naman siguro yung nagbihis oo, kyahhhhh itatanong ko talaga yun talaga kay Theon mamaya.
Tama na siguro yun, kaya kumuha na'ko ng bowl at nilagay na yung sabaw tsaka isang piraso nung karne, tsaka kumuha narin ako ng kanin, mas nakakagutom yung amoy jusme tumutunog na talaga yung tiyan ko. Nang mahanda ko na lahat ay kumain na'ko gutom na talaga ako lord salamat nalang po sa foods.
"Woah ang sarap, parang timpla lang ni mama ah."
Sambit ko nalang nang humigop ako ng sabaw, tapos medyo maanghang rin! Gusto ko kasi ng mga medyo maanghang na pagkain share ko lang, grabe ang sarap talaga magpapaluto pa'ko nito sa kaniya bukas AHEHE.
Tapos ayun ng matapos na ako sa pagkain ay syempre hinugasan ko muna yung mga ginamit ko at umupo muna sa sofa sa may sala di pa naman pwede humiga ulit kakatapos ko lang kumain. Tapos binuksan ko yung mails ko baka may importanteng email. Anyways trending na ngayon yung founding anniversary celebration ng Emperial Company at yung Engagement party narin raw nina Gael at Gwendolyn dapat di nalang pinagsabay.
Wala pa'kong maisip na kakantahin pvta naman kasi ba't kailangan pang ako ang kumanta eh dati naman kumuha lang sila ng banda hayys buhay naman oo. Tapos wala pa rin akong damit na susuotin ilang araw nalang, pero ba't ko ba pinoproblema yun eh marami naming boutique rito tsk.
*yawns
"Hahays 4 am pa naman, tutulog nalang ulit ako." Medyo masakit parin yung ulo ko, hindi ko naman alam kung may mga gamot si Theon siguro itutulog ko muna baka mawala rin to mamaya.
BINABASA MO ANG
Cornelia Street
Romance"Anong meron sa pag-ibig? Bakit maraming tao ang gustong gusto pumasok sa isang relasyon? Bakit maraming taong nababaliw sa mga taong mahal kako nila?" Minsan talaga hindi natin maintindihan yung ibang tao kung hindi natin mararanasan ang naranasan...