Chapter 2

19 1 0
                                    


Omel pov

"Ate? Kilala mo ba siya?", tanong ko sa babaeng nag titinda sa gilid

"Hindi eh",kanina pa ako bilad sa arawan at nagtatanong tanong kung saan nakatira itong si Giovanni, sinubukan ko silang sundan kagabi pagkatapos ng muntikang may mangyare sa kanila, sinubukan kong magpakilala ang kaso sinipa ako at tumakbo.

'saan ba kase yon?',

Inis akong sumilong sa isang tindahan at bumili ng softdrinks, tiningnan ko ang wrist watch ko, mag aalas otso pa lamang pero bakit grabe na ang init dito? Para akong nililiyaban.

"Iho? Kanina ko pa napapansin na kanina ka pa dito? May hinahanap ka ba?",tanong ng isang matandang lalaki sa akin

"Ah! Opo, may hinahanap ako, siya. Kilala niyo po ba?", tiningnan niya ang litrato at ngumiti

"Pwede ba malaman kung kaano ano ka niya?",sabihin ko bang pulis ako? O??

"Ah! Baka naman tatay ka nung anak ni anni?",singit ng isang babae na nakaturo pa sa akin, tuloy ay nanukso yung mga nakatambay doon.

"Grabe din naman pala itong si anni, nakadagit ng isang mayaman. Siguro ay tinago niya ang anak niyo kaya ba hinahanap mo?", natatawang tanong ng matanda, hindi na ako umimik at sumang-ayon na lang kung malalaman ko kung nasaan sila sa paraang ito, bayae na!.

"Don yan nakatira sa may banda ron yung may sakayan",

"Saan po diyan?",

"Dun! Oh!",turo nito, maraming dumadaan at maraming usok ng mga sasakyan
"Dun sa bandang pilahan may looban sa tapat non! Pumasok ka don at lumiko ka pakanan at meron kang makikitang tindahan sa pinaka unang tindahan ay may katabing paupahan ron, dun sila nakatira ngayon",paliwanag ng matanda

"Iho? Sayo ba ang magarang sasakyan na yon?",turo ng ale sa kotse ko, kaya tumango ako

"Naku! Hindi ka dapat gumagala sa ganitong lugar ng ganyan suot mo, mukang mamahalin lahat eh, at yang kotse mo baka pag-initan yan ng mga adik dito",babala ng lalaking nag kakain

"G-ganon po ba? Hindi ko alam. Bago lang ako dito",

"Halata naman iho!", Nagpaalam ako at nag tungo sa itinuro ng matanda, napahawak pa ako sa noo dahil pinag pawisan ako kaagad samantalang kaliligo ko pa lang. Tumingin ako sa may looban at napangiwi, dahil sa sobrang kipot ng daan at marumi pa.

"What kind of place is this?",bulong ko. Pano nilang nakakayanang tumira sa ganitong klase ng lugar? Ni hindi nililinisan! At... Tsk! Yung amoy!

"Hala!! Ang pogi niya!!",rinig kong tili ng mga babae na mga naka kumpulan pala sa gilid habang nakamasid sa aking gawi. Inayos ko ang sarili at ngumiti sa mga ito dahilan para magsigawan, tuloy ay naagaw ko ang atensyon

"Excuse me?",

"Halla!!! Bheeee!!!! Ehhhhhh!!",

"Sheet! Ang bango!!",bulongan nila

"Kilala niyo ba si Giovanni stereoli?", tanong ko

"Oo! Si anni ba? Dun siya nakatira sa looban",

"Ahmmm? Pwede pakitawag siya?", nagkatinginan silang lahat at agad na umoo,

"Payag! Basta in one condition!? Papicture kami!!",

"Okay, yun lang pala",naunahan ang mga itong mag papicture at isa isang kuha sari sariling kuha sila sa kanilang cellphone. Nang matapos ay sila na ang pumunta kay Giovanni. Maya maya pa ay nakita kong kasama na nila ito, kaya naman kusa akong hindi nagpakita baka tumakbo ulit eh.

"Sino ba kase yun?",rinig kong boses nito

"Anni! Wag kang choosy! Blessings na lumalapit sayo!",

"Oo nga naman! Ang pogi at ang bango pa!",

THDOL. DETECTIVE SERIES #3; Be With You AlwaysWhere stories live. Discover now