Chapter 3

14 1 0
                                    


Giovanni pov

Nakakainis sino ba siya para mangialam? Akala mo naman parating tama ang ginagawa niya ah! Alam kong mali ako hindi na niya kailangan ipamuka sa akin yon! Habang hawak hawak si rey ay lumiko kami patungo sa sakayan malapit na kami. At nang makasakay ay agad na nagpahatid sa may kabilang kalsada ng tapat ng looban kung saan kami nakatira.

"Kuya hindi niyo ba pwedeng iikot don sa kabila?", tanong ko sa driver

"Naku, neh. Maraming mabibilis na sasakyan ang dumadaan. Dito na lang malapit naman na eh", bumuntong hininga ako at kinuha ang wallet, binitawan ko muna si rey para kumuha ng pera sa wallet, napabuntong hininga ako dahil kalahati lang ng sweldo ko ang nakuha ko. Naiinis na ako sa baklang yon kung hindi ko lang kailangan ng trabaho ako na mismo ang kusang umalis ron sa trabaho.

Hinintay ko ang sukli at ibinalik ito sa wallet, saka nilagay sa bag.

"Anak. Tar—",agad agad akong nataranta ng wala si rey sa gilid ko, kaya agad agad akong luminga. Wala siya sa paligid.
"R-rey? Anak? Ate nakita niyo si rey?", tanong ko sa tindahan na pasasara na.

"Oh? Anni? Si rey ba kamo?", tumango ako

"Kabababa lang namin ng tricycle tapos. Nandito siya sa tabi ko? Nakita niyo ba?",

"Hindi eh. Nag sasara ako ng tindahan ko hindi ko rin napansin. Ni hindi ko rin kayo napansin na nandyan pala kayo",

Kumakalabog sa takot ang dibdib ko. Nang makasara ang tindahan at mas dumilim kaya kinuha ko ang cellphone at nag ilaw.

"R-rey? Anak? Nasaan ka? G-gabi na tara na uuwi na tayo", pagtawag ko rito

"M-mama!!", napatingin ako sa may makipot na pasukan sa isang magkatabing bahay, at don nakita si rey, tinakbo ko yon. Umiiyak at takot na takot

"Anak? Bakit ka umalis sa tabi ni mama! Hindi ba sabi ko sa—",nahinto ako ng mapansin na hindi lang kami ang nandito, kaya nilibot ko ang ilaw at huminto yon sa limang lalaki na nakatingin sa amin habang nagtatawa.
"S-sino kayo?",agad kong kinapitan si rey at nilayo ito, yakap yakap ni rey ang binti ko habang umuurong

"M-mama! Sino s-sila? U-uwi na tayo mama.",hila ng anak ko, nanginginig akong umurong habang sila ay hindi gumagalaw sa kinatatayuan at nanatiling nakatingin sa akin at sa anak ko.

"Giovanni stereoli? Kaibigan ni Hasly Gunda Mildred",boses ng isang lalaki. Agad na nanghinabang tuhod ko.

"P-pakiusap. T-tigilan nyo n-na ako! Wala akong sinasabi sa kanila sa pagkamatay ng kaibigan ko. T-tigilan niyo n-na ako",

"Malabo yan Giovanni. Ibigay mo ang bata",nilahad nito ang kamay
"At hindi ka namin sasaktan",umiling ako habang umiiyak at mahigpit ang kapit kay rey.

"H-hindi. H-hinding hindi ko ibibigay sa inyo ang a-anak ko!",

"Anak ni boss",pag salita nila

"N-nagkakamali kayo! Matagal ng wala ang anak niya!! Anak ko itong hinahabol ninyo!", pagsisinungaling ko, nagkatinginan sila

"Hindi mo mabibilog ang ulo namin. Ibigay mo ang bata! At maayos ka naming hahayang lumayo",

"Hindi niyo makukuha ang anak ko! Anak ko si rey! Ano ba!!? Hindi ko kilala kung sino ang ama ng anak ng kaibigan ko! Pero pakisabi sa kanya! Na matagal ng wala ang anak nila ni hasly!!!",sigaw ko.

"Huhuhuhu' m-mama!!! Natatakot ako!! M-mama!", hagulgol ni rey. Ng bumunot ng baril ang lalaki at itinutok yon sa noo ko.

"T-takbo anak!!", Sigaw ko at sinagi ang baril na nakatutuk sa akin.
"Anak takbo!!",

THDOL. DETECTIVE SERIES #3; Be With You AlwaysWhere stories live. Discover now