Omel povNang makalayo layo ay puro tanong itong si Giovanni, hindi ko siya masisisi. Hindi ko na lang siya sinagot at iniuwe sila sa bahay.
"Bakit dito?",
"Alangan namang sa bahay niyo? Malamang alam na nila kung saan ka nakatira",
"O baka naman ikaw?",aniya kumunot ang noo ko sa kanya
"Simula ng pumasok ka sa buhay namin pati sila dumating ulit! Baka nga ikaw pa ang target nila at hindi kami ng anak ko! Dahil ikaw lang naman ang nagkukulikot ng nakaraan tungkol kay hasly!",sigaw niya"Bakit ako ang sinisisi mo? Hindi ba na sayo ang anak niya? Natural ikaw ang hinahabol non dahil na sayo ang bata!",hindi siya umimik at bumaba ng sasakyan, kinuha nito si rey na umiiyak at lumabas ng gate
"Padaanin niyo ako ano! Ba!?",sigaw niya sa humarang sa kanya, napakamot na lang akong noo dahil sa kakulitan ng babaeng ito. Lumabas ito at sumakay ng taxi, kaya umay akong bumalik sa sasakyan at sinundan ang taxi.
Habang nasa biyahe ay tumunog ang cellphone ko.
"Sir omel",
"Oh? How is it?",
"Nakakuha na kami ng isa ang kaso ayaw umamin",
"Tinanong niyo ba kung sino ang amo niya?",
"Hindi raw niya kilala",naalala ko ang sinabi ni Giovanni na baka ako ang hinahabol at ako ang may hawak sa case ni hasly, may point din siya pero mas malaki ang posibilidad na si rey ang gusto nilang makuha, anak yon ni hasly eh.
"Itanong mo kung ano ang tunay na pakay nila sa paghabol sa amin kanina",
"Sige, po boss", naputol ang linya at nanatilii akong sumusunod kala Giovanni, ng tumunog ulit ang cellphone ko
"Omel",boses ni sunny, natawa ako dito dahil mukang badtrip siya, nung unang tinawagan ko kase siya ay ganito rin.
"Oh? Kamusta? Mukang masama ang mood mo ah!",
"Sinabi mo pa",
"Nasaan ka ngayon?",
"Hinahabol ang makulit na pusa",
"Pusa?",
"Hmmm, masyadong matigas ang ulo",
"Hahaha teka? Yan ba yung babaeng hawak mong case?",
"Oo yung Giovanni",
"Sige, paalam muna ako. Baka kailangan mo ng time",
"Wait",
"Why?",
"Pupunta ka ba sa bahay? Hang out tayo, sumasakit ulo ko sa isang ito eh! Baka mapanot ako",reklamo ko natawa ito
"Wag kang mag-alala dahil parehas tayo, hayaan mo kapag nakaluwag luwag ako hahanap ako tyempo dadayuhin kita diyan",
"Dapat lang! Tawagan mo si solely",
"Ikaw na lang. May gagawin pa ako",
"Oh! Siya siya!! Sige!",
"Hahahahaha goodluck",pang-aasar ni sunny, pinatay ko ang tawag at tinuon kala Giovanni ang atensyon. Nang makarating sa pauwe ay, bumaba na ito kaya bumaba na din ako, baka may nag-aabang sa kanila sa bahay nila.
"K-kuya? Bakit naman ang mahal? Malapit lang naman yon?",nguso ni Giovanni sa driver ng taxi.
"Mahal na ang krudo, at anong malapit? Naging malapit lang dahil naka taxi ka pero malayo yon",sagot ng taxi driver
"Pero kuya wala akong perang ga-",
"Here",abot ko ng pera, sa taxi driver, nilingon ko si Giovanni at nakatitig ito sa akin bago ako inismiran at hinila si rey papasok sa looban kaya sumunod ako.
YOU ARE READING
THDOL. DETECTIVE SERIES #3; Be With You Always
RandomMatagal na panahon na ng mamatay ang kaibigan ni Giovanni na si hasly, dahilan para manatili sa kanya ang kapapanganak na sanggol na anak ng kanyang kaibigan. Hanggang ngayon hindi niya sinasabi kung sino ang pumatay at humahabol sa kanila ng bata...