Giovanni povTanging iyak ang naririnig ko mula kay rey mula kanina hanggang ngayon. Naghahanda ako ng makakain para ngayong gabi, nangutang muna ako sa tindahan kanina buti na lang at pumayag ulit na umutang ako.
"Anni? Nakakaawa na yung bata hindi mo ba talaga pagbabalikin yung tatay?",
"Hindi niya tatay yon, mei",
"Kahit na. Tinuturing siya ng bata na tatay, para mong kinuhaan ng buhay yung bata oh! Hindi ka ba naaawa?", nilingon namin ito, at lumaylay ang balikat ng makita si rey na nakahiga sa kama habang iyak ng iyak.
"Sa tingin ko kase siya yung dahilan kung bakit kami binabalikan ulit ng grupo nila. Okay na nung mga nakaraan wala ng sumusunod o nagtatangka sa amin. Pero nung dumating siya, bumalik silang lahat, kahit saan kami magpunta nandon sila nakasunod",
"Pero bakit nga ba ayaw mo makipagtulungan? Mas makakabuti yon sa inyo ng bata",
"Mei alam mo ang nakaraan ko",naiiyak na giit ko habang naaalala lahat ng yon.
"A-ayoko ng m-maalala yon","Pero kahit na hindi na maungkat ang nangyare sa kaibigan mo. Maaalala mo pa rin yon, kagaya ko hanggang ngayon, nakatatak na sa utak ko yong nangyare sa akin...sa atin",hinawakan niya ang kamay ko
"Alam kong wala ako sa posisyon pero yung bata ang nahihirapan sa ginagawa mo. Napamahal yung bata sa taong yun at hindi mo maaalis yun sa bata lalo pa at ang sabi mo sabik ang bata sa tatay", nakukuha ko naman ang point niya pero nangangamba ako, dahil simula ng dumating si javi bumalik ang nakaraan..bumalik ang banta sa buhay namin ni rey."H-hindi ko na alam, meiann. Gusto kong mabigyan ng hustisya si hasly. Pero nangingibabaw sa akin ang kaligtasan ni rey",
"Giovanni, mas magiging delikado kayo kung wala yung taong promoprotekta sa inyo lalo na ngayon, pano kung balikan kayo kapag nalaman nilang wala ng magtatanggol sa inyo?",nagaalalang tanong niya.Bumuntong hininga ako at tinuloy ang ginagawa.
"Mag ccr lang ako ah! Pwede ba?","Oo, sige",
"Teka wait lang",dali Dali itong pumasok sa banyo, Tumingin ako kay rey, at naaawa man ako ay wala akong magawa.
Nang matapos ako sa ginagawa ay agad naghain na ako sa mesa, at pinuntahan si rey sa higaan at hinawakan ang braso niya pero mas umiyak ito.
"Rey? Galit ka ba kay mama? Naiintindihan mo naman si mama diba?",
"G-gusto k-ko si papa! P-papa!! P-papa",iyak niya, bumuntong hininga ako at tumingin sa pinto ng may kumatok ron. Kaya tumayo ako kumunot ang noo ko ng sunod sunod ang katok na yon. Napatigil ako ng maisip na baka si javi ito. Pero pumunta pa rin ako para buksan ang pinto.
"T-teka lang",saad ko, at binuksan ang pinto, nanigas ako sa kinatatayuan ng makitang mga armado ito, at may baril na nakatutok sa akin.
"S-sino kayo? H-hindi ko na p-pinaungkat ang pagkamatay ni hasly! H-hindi ako magsasalita",nanginginig na giit ko at akmang isasarado ang pinto"Ibigay mo ang bata kung ayaw mong masaktan. Wag kang sisigaw kung ayaw mong tuluyan kita ngayon",seryosong salita ng lalaki, tumingin ako sa kanya at umiling
"T-tigilan n-niyo na kami! P-pakiusap",
"Gustong makuha ni boss ang anak mo. Gusto niyang makita ang anak mo. Masama ba yon?",ngisi nito
"T-tama na! W-wag niyo na kaming g-guluhin. Pakisabi sa kanya wala akong sinabi kay javi! Wala akong sinasabi sa kanya",
"Hindi ang taong yun ang gusto ni boss. Ang gusto ni boss ay ang anak ko, kaya ibigay mo siya ng maayos kung ayaw mong masaktan ka",
"H-hindi!! Hindi!! Aghhh",napatalsik ako ng sampalin ako nito papasok, pumasok sila sa bahay at sinarado ang pinto, tumingin sila sa higaan at lumakad ron ang isang lalaki.
"H-hindi!! Hindi!!! Wag mong hahawakan ang anak ko!!!",sigaw ko at hinawakan ang paa nito, pero sinipa ako nito dahilan para mapahawak ako sa nguso ko na tinamaan ng kanyang sapatos.~huk~huk
Napaubo ako ng malasahan ang dugo sa aking bibig, nang hawakan ko ito ay napunta sa aking kamay ang dugo nito.
"Mama!!hmmm",umiling iling ako ng Karga karga nila si rey, at takip takip ang bibig gamit ang towel maya maya ay naiyak ako ng mawalan ito ng malay.
"H-hayop!! Anong ginawa ninyo!!? Anak!! R-rey!!",sigaw ko, agad akong hinawakan ng dalawang lalaki at tinakpan ang bibig, nanatili kay rey ang paningin ko na ngayon ay walang malay nilang kinukuha, pinalitan nila ng damit ito at sinuotan ng jacket, saka nilagyan ng sombrero.
"Ahhhmmmmm!!!! Ahmmmm!!","Kung binigay mo siya ng maayos hindi ka sana masasaktan", tumingin ako sa lalaki at maynilalagay ito sa dulo ng baril, at itinutok sa akin. Nagmakaawa ako sa kanya pero ngisi lang ang binigay sa aking sagot. Umiyak ako ng umiyak at pumikit maya maya ay ang mahinang tunog ang narinig, naramdaman ko ang lanit na bumaon sa bandang balikat ko.
Na naging dahilan ng pagbagsak ng ulo ko sa sahig, at hindi makagalaw, nakita kong lumabas sila ng bahay dala dala si rey na walang malay. At nandito ako ngayon nakahiga at hindi man lang magawang kuhain ang anak ko.
'r-rey.... Sorry!! Babawiin ka ni mama pangako!!',
"A-anni",mahinang boses ni mei na nakasilip sa cr, ng matyansya na wala na ay agad itong lumapit at umiyak ng makita ang tama ko, inalis rin niya ang takip sa aking bibig.
"T-tulong!!",sigaw niya, pinigilan ko siya at baka hindi pa nakakalayo ang mga lalaki ay madamay siya. Tumayo ito at lumabas, kasunod non ay ang kasunod niya ang asawa na agad akong binuhat palabas, ngunit unti unti ng nanlabo ang paningin ko kasabay ng pagtulo ng mga luha sa aking mata.-vienriex ❤️
YOU ARE READING
THDOL. DETECTIVE SERIES #3; Be With You Always
DiversosMatagal na panahon na ng mamatay ang kaibigan ni Giovanni na si hasly, dahilan para manatili sa kanya ang kapapanganak na sanggol na anak ng kanyang kaibigan. Hanggang ngayon hindi niya sinasabi kung sino ang pumatay at humahabol sa kanila ng bata...