Giovanni povIlang araw pa ay ganon pa rin hindi kami nagpunta kung saan saan dahil dito lang kami sa loob ng bahay, gusto kong lumabas pero bilin ni javi ay delikado lalo pa raw ay wala pang info kung nasaan ang kapatid ni joco. Pababa ako ng may marinig na ingay.
Sinilip ko ang baba at don nakita si sunny na kausap si javi at umakbay pa, napatingin ako dun sa lalaki na kasunod niya at maya maya ito naman ang kinausap ni javi, hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan pero rinig ko ang tawa ni javi. Talagang masaya siya kapag nandito si sunny.
Napakunot ang noo ko ng makitang naglabas na naman kaagad si javi ng alak at kasunod non ay pulutan, tumaas ang kilay ko ng makitang naupo si sunny at javi sa iisang sofa habang katapat nila ang kasama ni sunny, dahan dahan akong bumaba at nagtingala naman si javi sa akin.
"Giovanni? Halika dito ipapakilala ko sayo ito",turo niya sa lalaki na nasa tapat nila na kunot na kunot ang noo kay sunny, bumaba ako ron ngumiti.
"Giovanni this is Alexander. Alexander? This is Giovanni","Hello",bati ko at tumayo ito at nilahad ang kamay kaya naman kinuha ko yon
"Nice to meet you gio–?",
"Giovanni. Pwedeng anni na lang",
"Okay. Anni nice to meet you",giit niya, sa nakikita ko ay mayaman ito ibang klase ang brand ng suot nito.
Nagsimula silang magusap pero madalas ay tahimik lang kami ni Alexander at si javi at si sunny ang nag-uusap. Madalas nilang pag-usapan si queen at napunta yon kay mercy na hindi ko parehas kilala.
"Kamusta ang pakikitungo kay omel Giovanni? Ayos ba?", biglang tanong ni sunny
"H-ha?",
"Hahahaha ibig kong sabihin is kung okay na ba kayo? Hindi ba kayo nag-aaway or??",
"Ahmmm hindi naman, ayos na alam kong mapagkakatiwalaan siya dahil niligtas niya ang anak ko",
"Yun yung rey hindi ba? Nasaan yon? Madalang ko makita ang batang yon",
"Nasa kwarto niya naglalaro kasama yung ibang Maid ni javi",giit ko, tumango ito, at tumingin kay javi
"Eh? Ikaw? Wala ka bang ginagawang kalokohan",anik nito kay javi na naubo
"What?",
"Tigilan mo ko omel. I know, you know what I'm saying",
"Slight lang naman",ngisi ni javi sa akin, umiwas ako dahil tumawa si sunny at hindi ko magets ang Pinag-uusapan nilang dalawa.
"What is the feeling?", ngising tanong ni sunny habang nakatingin sa akin
"Ang alin?", inosenteng tanong ko, tumawa naman si sunny at umiling
"Nevermind. Just be careful with this person. He's badly dangerous",seryosong sabi niya
Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin pero kinakabahan ako sa paraan niya kung pano niya ito sinabi, seryoso at walang halong biro.
Marami silang pinag-usapan at ako ay nanatili ng tahimik dahil sa sinabi ni sunny na nagpapagulo sa utak ko, bakit kailangan kong mag-ingat kay javi? Bakit siya mapanganib? Bakit? Anong dahilan ni sunny para sabihin yon sa akin? Dito na nag lunch at nag dinner sila sunny at Alexander, at umuwi rin kinalaunan.
"Una na kami",paalam ni sunny
"Mag-iingat kayo",giit ko tumango ito sa akin at pinaandar na ang sasakyan paalis. Sinundan ko yon ng tingin hanggang sa makalabas sila ng gate, hindi ko mapigilan kanina ang humanga ng makita ang magarang sasakyan na dala dala nila, talagang pare parehas sila mayayaman.
YOU ARE READING
THDOL. DETECTIVE SERIES #3; Be With You Always
OverigMatagal na panahon na ng mamatay ang kaibigan ni Giovanni na si hasly, dahilan para manatili sa kanya ang kapapanganak na sanggol na anak ng kanyang kaibigan. Hanggang ngayon hindi niya sinasabi kung sino ang pumatay at humahabol sa kanila ng bata...