Omel povPagkagising ko ay nagasikaso akong maligo at saka bumaba ng matapos. Hinanap ng mata ko si Giovanni at si rey pero wala sila at baka tulog pa.Napakunot ang noo ko ng makitang palapit sa akin ang aking mga tauhan.
"Sir. May kailangan kayong malaman",nagmamadaling salita nito
"What is it?",
"Yung taong inutusan niyo po para itapon ang pekeng bomba na pinadala dito",simula niya
"And?",
"May napansin po siyang kakaiba kaya naman ipinadala niya agad sa security para suriin at nakuha namin ito",inilahad nito ang maliit na device sa mesa at tumingin sa akin. Kinuha ko ang device at takang tumingin sa kanya hindi ako pamilyar sa bagay na ito.
"Ano ito?",
"Nakuha po nila yan ng suriin nila ang fake bomb na ipinadala dito. Isa po yang security detecting device. Nagagawa po niyang idetect ang mga security na nasa paligid at ang mga location at information kung paano yun masisira",natigilan ako sa sinabi nito at hindi umimik
"Kaninang mga five ng umaga may nakita ang isang maid ng bahid ng dugo sa likod ng bahay", bumuntong hininga ito"Nasaan sila Giovanni at si rey?",biglang tanong ko kagaad at tumakbo sa taas, pumunta ako sa kwarto ni rey ngunit wala si rey don, at sa ibang guest room ay wala.
"Nasaan sila Giovanni at si rey!!?",sigaw ko sa galit"S-sir. Nawawala po sila",para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nito kaya nahila ko kaagad ang kwelyohan
"Sir. I-i can explained!",taas niya ng kamay"P-panong nangyareng nakuha sila mismo sa loob ng bahay ko?",naggagalaiting giit ko
"Sir. Gaya ng sinabi ko nakalagay sa pekeng bomba ang device at isa iyang security detecting device. Kaya nitong ma detect ang kahit na anong pambihirang security at mga information para ito ay mawalan ng bisa. Ang cctv security niyo sir nawalan ng connection sa bawat parte ng bahay mga dalawampung minuto ang itinagal. Ang mga tauhan natin sa likod ng mansyon lahat sila patay at iniipok sa may malapit sa bodega. Ang security sa likod ng mansyon lahat po....s-sira silang lahat",mahabang paliwanag nito
"D-dahil lang sa maliit na device nato? Napasok ang mansyon ko?", natatawa kong tanong,at tumango ito
"O-opo sir",
"At saan naman nanggaling ang lintek na device na ito?",sigaw ko
"Inalam na po namin yan, at galing po sa russia ang device na yan. Ngayon nakikipag coordinate na ang mga tauhan natin sa Russia para mahanap ang nag deliver nito dito sa bansa at....sa tingin ko sir omel, si Winston ang gumawa",
"Sino pa ba? Siya lang ang pwedeng kumuha kay Giovanni at rey",napahilamos ako sa muka
"Hindi maaakila na maraming russian syndicate ang kasabwat ni Winston kahit noon pa. Inutusan ko na ang aking mga tauhan na isa isahin ang mga leaders ng sindikato na russian na tumulong kay Winston para gawin ito",saad niya
"Ipinahanap ko na rin po si ma'am anni at si rey. Ng mapansin ng ibang wala sila sa mansyon","Make sure na mahahanap niyo sila! Dahil kayo ang mananagot sa akin kapag may nangyare sa kanilang pareho!",galit na galit na sigaw ko.Bumalik ako sa kwarto para matawagan si sunny bitbit ang maliit na device na ito. Dahil dito nakapasok ang mga yon? Bwiset!!
"Sunny!", agad na usal ko ng sagutin nito ang tawag
"Oh? Napatawag ka? May balita ba may qu—",
"Meron ka bang alam tungkol sa security detecting device?",
"Ehh? Why? Balak mong bumili?",
"Edi? May alam ka nga sa ganitong klase ng device?",
"Oo, ang alam ko Russia ang meron niyan. Minsan na naming nagamit ni mercy ang device na yon, talagang maganda at kakaiba, kaya nong mag detect ng mga pambihira at high tech na security. Yon kase rin ang nagbibigay ng information para sa mga security na nasa paligid kaya madali mong malalaman ang gagawin lalo pa at may pwedeng mag kontrol non mula sa labas at pasukin at syempre sirain ang security...hahahahaha ng lupet noh?",napatingala ako at naupo sa kama
"Oy? Bakit may problema ba sa security mo?","Nagawa nilang masira ang security ng likod ng mansyon para makapasok at makuha si Giovanni at si rey",
"Ano??",
"Nawawala si rey at si Giovanni, sunny",
"Teka? Pano nangyare yon?",
"May nagpadala ng pekeng bomba dito nung libing ni general. At sinuri ng tauhan ko ang bomba ng may mapansing kakaiba, nakuha nila ang device na galing sa Russia. Hindi ako pamilyar sa ganitong device",giit ko
"Nasa pekeng bomba ang device?",
"Oo, naipasok yon sa loob ng mansyon",
"Ginamit nila yon para madetect ang security ng mansyon. At ang likod ng mansyon mo ang may pinaka mahinang security sa bawat parte ng mansyon mo!...sabi ko namam sayong palitan mo yon",giit niya
"Hindi ko naman alam na may ganitong klaseng device!",
"Haayysss! Nahanap mo na ba sila anni?",
"Hindi pa, pinapahanap ko na",
"Na sayo ba ang device?", tanong niya
"Oo nandito sa akin",
"Pwede mong gamitin yan para idetect ang location ng mga taong kumuha kala anni",napaupo ako ng maayos, kaya agad akong nagtanong kung paano.
"Hindi ba sabi ko sayo, may komokontrol sa bawat security na na detect ng device na yan na ibang tao? At nasisiguro kong wala yon sa tauhan mo. At sabi mo nasira nila ang security sa likod ng mansyon mo. Gamitin mo para idetect sila","P-paano nga gamitin!",asik ko
"Kumuha ka ng laptop o kaya naman kahit anong pwede mong paglagyan niyan. Sa ibabang parte kung nasaan ang ilaw alisin mo ang ibabang parte lalabas ron ang parang isang kagaya ng sa USB ilagay mo yon sa laptop mo",agad kong sinunod ang sinabi niya
"And?", binuksan ko ang laptop at ginawa ang sinabi niya, saka yon nilagay sa gilid ng laptop ko na agad namang naglabas sa screen sa isang hindi ko alam na bagay
"May lalabas diyan na mga kulay green, ilagay mo ang code na lumabas sa secure website mo, may mag nonotif don na code at info na may mga taong sumusubok na pasukin ang security mo para makontrol yon",
"Ha? Hindi ba dapat malinis ang pag gawa nila? Bakit sila mag iiwan ng ganitong klaseng bakas?", takang tanong ko
"Siguro hindi nila alam ang tamang pag gamit? O kaya ang alam nila ay ang pag detect lang ng security Hindi nila naisip na pwedeng may connect sa kanila ang ginawa nila. Nagamit na namin ni mercy yan at kay mercy ko lang din nalaman ang tamang pag gamit....buti nga kasama ko siya eh!",
-vienriex ❤️
YOU ARE READING
THDOL. DETECTIVE SERIES #3; Be With You Always
De TodoMatagal na panahon na ng mamatay ang kaibigan ni Giovanni na si hasly, dahilan para manatili sa kanya ang kapapanganak na sanggol na anak ng kanyang kaibigan. Hanggang ngayon hindi niya sinasabi kung sino ang pumatay at humahabol sa kanila ng bata...