Chapter 35

5 1 0
                                    


Winston pov

Nabalik ako sa reyalidad ng pumasok ang tauhan ko sa opisina.

"Boss. Nandito na ang mag ina, ang bata nasa kwarto sa kabila yung babae naman ay walang malay na nakatali sa upuan sa baba",

"Si hilary?",

"Hindi siya lumabas ng kwarto niya, ang bata pinasok namin sa kwarto yung babae na tyempohan namin sa kusina",

"Mabuti kung ganon... Tsss. Hindi ko akalain na magagawang makuha natin ang dalawang yan ng ganon kadali sa mismong bahay ni hilary hahahaha", natatawang giit ko

"Malaking tulong yung device na ipinadala ng kaibigan ninyo boss sa Russia. Talagang nagawa naming masira ang security ng likod ng mansyon ng isang yon, hindi pa nga kami nadalian dahil ang hirap non pasukin pero hindi rin namin akalain na yun na pala ang pinaka mahinang parte ng security meron ang taong yon boss",

"Bakit?",

"Ang lalakas at kakaiba ang security ng palibot ng bahay niya boss, kaya yung nasa likod ng mansyon ang kinuha ko na lang dahil kahit papano yun ang pinaka mahina sa lahat. Mabuti na lang nagawang pasukin ang system ng cctv footage sa mansyon kaya nagawa naming makapasok don ng walang nakakaalam na tauhan sa mansyon",ngiti nito

"Magaling magaling magaling!!",papuri ko

"Gusto kong makaganti sa ginawa nila sa amin noon at ngayon sa kapatid ko. Hindi ko mapapalampas ang ginawang pag patay ng hilary na yon sa kapatid ko",

"Anong gagawin boss dun sa bata at sa babae?",

"Hayaan niyo ang bata sa kwarto sisiguraduhin kong hindi na makakasama pa ni hilary ang anak niya. At yung si anni? Pahirapan niyo gawin ninyo ang gusto niyo bahala kayo...pero papatayin din pagkatapos",

"Talaga boss? Pwede kahit anong gusto naming gawin ron?",ngisi nito kaya napailing ako

"Gusto mo ba? Alam ko nasa isip mo at magandang ideya yan HAHAHAHAH naiisip ko na ngayon pa lang ang muka ni hilary sa oras na makita ang nakakaawang bangkay ng kanyang asawa",

"Oo nga boss. Sa ginawa niya baka magpakamatay pa yon sa galit sa sarili niya at hindi nailigtas ang asawa",

"Pero...hayaan niyo muna ang babaeng yon, gusto kong maalala niya ang ginawa niyang paglayo ng anak ko sa akin. Kapag tapos na ako sa pag papahirap sa kanya....ibibigay ko siya sa inyo at kayo ng bahala kung anong gagawin ninyo sa babaeng yon",

"Hindi ako makakapag antay diyan boss",

"Mali, dapat mag antay ka!",biro ko

"HHAHAHAHA",pag tawa namin

"Oh! Siya magsaya muna kayo pero wag niyong pababayaan na makatakas ang babae at ang bata sa kamay ninyo",

"Opo, boss",umalis ito at naiwan ako sa opisina na mag isa

Nanatili akong titig sa kisame habang sumisimsim ng alak sa baso at iniisip kung anong gagawin ko sa bata. Nang unang makuha namin ito dahil akala ko ay siya ang anak ko... papatayin ko sana ito sadyang hindi ko magawa at hindi ko alam kung bakit, takot na takot ang bata sa akin ng makita at halos ayaw umalis sa gilid na kinauupuan habang binabanggit ang salitang 'PAPA'

"Hindi ko na hahayaan na makuha at makasama mo pa ang anak mo hilary.....kaya pasensya ka na",bulong ko sa hangin at bumuntong hininga at tumayo

Tumungo ako sa kwarto kung nasaan ang bata at don ko agad narinig ang hagulgol nito at ang pagtawag ng kanyang papa. Binuksan ng tauhan ko ang pinto at pumasok ako, agad na napaurong ang bata ng makita ako.

"Huhuhuhu' i-ibalik niyo p-po ako s-sa papa ko!!!",pag iyak nito
"A-ayaw ko po dito....p-parang awa n-niyo na po...i-ibalik niyo po a-ako kay papa ko",unti unting lumuhod ang bata sa harap ko

THDOL. DETECTIVE SERIES #3; Be With You AlwaysWhere stories live. Discover now